17

3 0 0
                                    

"Tignan mo tong dalawang to, hindi nanaman mapaghiwalay" pang aasar ni axel napatingin naman kami sa kanya ni oliver at nagtawanan.

"Hala papansin" wika ko nang kunin ni oliver yung chips na kinakain ko, andito kasi kami sa garden.

"Dali, habol. Wala ka pala eh" pang aasar naman ni oliver, sinubukan ko syang habulin pero hindi kaya ng powers ko kaya umupo nalang ako sa may puno.

"Okay ka na?" nagulat ako sa tanong ni blade, tumingin ako sa kanya at tumango tango.

Naging mabilis lang yung araw at linggo. Hindi na talaga kami mapaghiwalay ni oliver, pati sa gym sumasama sya pero sa loob ng isang buwan, hindi ko na nakita pa si cal.

"Kdrama na kasi ulit" pamimilit ni oliver at kinukuha yung remote sakin.

"Eh, I want to watch grey's anatomy nga!" pakikipagtalo ko sa kanya.

"Mas maganda kdrama"

"Okay, watch on your phone and I'll watch here" wika ko at tinuro ang tv na nasa harapan namin.

"Okay" parang batang wika nya. "Okay, edi grey's anatomy nalang panoorin natin" buntong hininga pa nya.

Natawa nalang ako at nag continue watching sa grey's anatomy. Inantok kami habang nanonood kaya nakatulog kami.

Nagising ako sa sigaw ni oliver kaya napabangon ako. Nakita ko naman sya na tawang tawa.

"What the heck was that?" tanong ko.

"Kakain na daw sabi ni tito, baba na tayo" wika nya, sinamaan ko naman sya ng tingin at dumeretso sa bathroom para mag ayos. Sabay na kaming bumaba kumpleto naman na sila doon.

"What time you will go home?" mataray na tanong ni tita valerina, hindi ko mapigilang mainis si oliver naman ngumiti pa.

"After po makatulog ni svet" sagot nya.

Yep, simula nung magkabati kami hindi na talaga kami nag hiwalay. Uuwi sya pag nakatulog na ako o kaya naman dito na sya matutulog. Okay naman yung kay daddy pero shempre kay tita valerina hindi.

"Dito ka na matulog, oliver" si daddy na seryosong kumakain.

Padabog namang umalis si tita valerina at umakyat sa taas, susunod na sana si bella.

"Subukan mong sumunod" seryosong wika ni dad pero sa pagkain parin ang paningin nya, walang nagawa si bella at naupo nalang sya.

"I'm sorry for that" si dad. "Continue eating" dagdag pa nya.

"Excuse me" si bella nang matapos syang kumain. Hinayaan nalang siya ni dad kaya naiwan nalang kami nila dad, oliver at ethan.

"By the way, cailey. What's your plan?" tanong ni dad.

"Plan?" takang tanong ko at napatingin pa sa kanya.

"Magbibirthday ka na next week" si oliver, nagulat naman ako kaya napatingin ako sa phone ko at totoo nga, hindi ko na namalayan.

"I don't have any plans dad" sagot ko.

"Let's have party here like tradition and after that you can throw your own party" si dad na ngumiti pa saakin.

"Okay dad, thanks" wika ko, ngumiti naman sya.

Nang matapos kaming kumain, umakyat na kami at nag ready na rin ako para matulog. Hindi umuwi si oliver hanggang sa makatulog ako. Naramdaman ko pa yung halik nya sa noo ko bago ko narinig na magsara at bukas yung pinto.

"Ano nga kasing gusto mong regalo?" pangungulit ni oliver, andito kami ngayon sa playground sa loob ng village, kakauwi lang galing school.

"Wala nga kasi!" sigaw ko sa kanya, napipikon na dahil ayaw nya ibigay yung monniegold na kinakain ko.

"Meron yan!" pamimilit pa nya, nag isip nalang ako para manahimik na sya.

"Yung weightlifting fairy kim bok-joo inspired necklace nalang" alam kong mahihirapan syang makahanap non kasi kahit ako hindi ako makahanap, laging out of stock.

"Osige!" mayabang na wika nya, kinuha ko naman sa kanya yung monniegold pero ayaw nya ibigay, paatras sya nang paatras nang may mabunggo sya.

"Hala, sorry po" sabay naming wika sa isang babae, pagkakita ko sa kanya parang nakita ko na sya.

Ngumiti naman sya. "It's okay" tyaka umalis na.

Habang pauwi kami sa bahay iniisip ko talaga kung saan ko nakita yung ginang na yun dahil parang nakita ko na sya dati.

"Ang lalim naman ng iniisip mo" narinig kong wika ni oliver pero hindi sya pinansin at nagisip lang nang nag isip.

"Hala! Sya yung magandang ginang na nakausap ko rin dito sa playground!" sigaw ko nang maalala ko.

"Huy, ano yon?" takang tanong ni oliver, natauhan naman ako kaya tumawa at ngumiti.

"Walaaaaa!" wika ko at humawak sa braso nya. Malapit na kami sa bahay nang mag ring yung phone nya.

"Ha? Sige ma, pauwi na ako" wika nya. Binaba lang nya yun at tumingin sakin.

"Hindi na kita mahahantay matulog, dumating daw sila lola sa bahay" wika nya.

Ngumiti naman ako at tumango. "Okay lang, matagal ko naman na sinasabi sayo na wag mo na ako hintayin makatulog bago ka umuwi eh"

"Shush, basta babawi ako" wika nya, tumango nalang ako.

Hinatid naman nya ako sa labas ng bahay at hinalikan sa noo.

"Ayan, dahil aalis na ako" wika nya at hinalikan nya ulit ako sa noo. "ayan, para sa goodnight. At eto" wika nya at hinalikan ulit ako sa noo. "Para sa goodmorning"

Hindi ko alam pero pumasok ako ng bahay hanggang kwarto para akong nasisiraan ng ulo dahil ang laki ng ngiti.

Ano bang nangyayari sakin??

<3 

In a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon