31

2 0 0
                                    

"Cheers! 1 sem nalang gagraduate na tayo!" si axel, at itinaas yung shot glass na hawak nya. Itinaas rin namin yung amin.

"Cheeeers!"

"Mahal, wag masyadong mag inom" bulong sakin ni oliver, magsasalita na sana ako nang biglang nag ring yung phone ni oliver. Tumatawag si lucy. "Ikaw na sumagot mahal" nagulat naman ako.

"Ikaw na, it might important" wika ko.

"Ikaw sumagot or patayin mo nalang" wika nya na mas ikinagulat ko. Kinuha ko naman yun at sinagot.

[Hi oliver, good evening] wika nya nang sagutin ko.

[Uh, hiii lucyy!] bati ko pabalik.

[Hi! Sino to?]

[Cailey, we are with our friends kasi. Is there a problem?]

[wala naman, may tatanong lang ako kay oliver]

[I'll ask him for you, what is it?]

[Ay hindi na, next time nalang]

[Are you sure?] paninigurado ko sa kanya.

[Oo, sige thank you] aniya bago nya pinatay yung tawag. Bumalik naman ako kila oliver.

"Bakit daw?" tanong ni oliver nang makabalik ako.

"May itatanong daw, call her back" wika ko, kinuha lang nya yung phone nya nang iabot ko at tinext nya.

"Mahal, tinatanong kung girlfriend daw kita" bulong nya sakin, napatingin naman ako sa kanya.

"Yeah? What did you say?" tanong ko.

"Sabi ko hindi" nagulat ako pero totoo naman, wala namang kami pero we have thing for fuck sake! "Sabi ko hindi kita girlfriend kasi asawa na kita at may tatlong anak" napairap naman ako sa kanya, pinakita nya yung convo nila at totoo nga.

Sira ulo mo!

"Bakit nya tinatanong?" tanong ko sa kanya bago ininom yung shot.

"Ewan ko" yun nalang sagot nya at binigay yung phone nya sakin.

"Ano gagawin ko dito?" takang tanong ko nang ibigay nya sakin.

"Tapon mo" sagot nya, inirapan ko nalang sya at nilagay yung phone sa bag ko. "Pizza, gusto mo?" tanong nya, tumango lang ako tyaka nya ako binigyan.

Nang matapos kami uminom, dito rin kami natulog. Nasa bahay kasi kami nila blade, sayang wala parents nya kasi nasa business trip, tho lagi naman.

After namin mag inom, nag kanya kanya na kaming ligo. Nauna akong natapos kaya tumulong ako sa baba na ilatag yung mga foam kasi doon kami matutulog, magkakasama sama. Naghanda rin kami ng food kasi mag momovie marathon.

Sobrang dami naming napanood hanggang sa nakatulugan nalang namin. Nagising naman ako dahil nag ring yung phone ko. Tumayo ako at lumayo para sagutin yun.

[Dad] wika ko pagkasagot ng tawag.

[Anak, can you meet me?] si dad.

[Like right now dad?]

[Yes]

[Yeah okay, send me the details. I'll be there]

[okay, take care] wika nya bago binaba yung tawag, 10 am palang halos 6 narin kami natulog kaya hindi ko na sila ginising pa. Humalik ako sa pisngi ni oliver bago magpaaalam sa maid nila blade kasi for sure hahanapin nila ako. Nag iwan lang din ako ng message sa gc namin para sabihing umalis ako.

Umuwi ako saglit sa bahay para maligo at mag ayos, by 10 am nakarating na ako sa isang restau na sinabi ni dad. Mas nauna akong nakarating kaya hinantay ko nalang sya. Maya maya nakarating na rin sya at nagulat ako kasi may isa pa syang kasama, parang kaedaran din ni dad.

In a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon