08

4 0 0
                                    

Nagising ako sa lakas ng kalabog ng pintuan ko.

"Dad" ganon nalang ang gulat ko nang makitang galit na galit sya pero mas nagulat ako nang bigla nya akong sampalin.

Ever in my life, he didn't hurt me. Physical or Emotional.

"Yung tita mo nasa ospital and you're here sleeping? What the hell?" galit na galit na wika nya, hindi ako makatingin sa mata nya dahil nararamdaman kong namamasa na yung mata ko.

"I bought ethan there, I was there earlier. Tita said she don't want me there and bella said I should go home" hindi ko napigilan na umiyak.

"But bella said you didn't go there!" sigaw pa nya sakin.

"Ask ethan, then"

Hindi na siya nagsalita pa at lumabas na ng kwarto, pumasok ako sa bathroom at doon umiyak nang umiyak.

Hindi pa nya ako napagbuhatan ng kamay ever. Well then.

Breathe. Smile.

It's okay, cailey. It's okay.

Patayo na sana ako sa pagkakaupo ko nang bigla akong mahilo at nawalan ng malay.

"Svet, gumising ka na muna dyan at kumain" wika ng isang pamilyar na boses na bahagya pa akong tinatapik sa balikat.

Pagmulat ng mata ko, wala ako sa kwarto kaya iniikot ko ang mata ko at nasa ospital ako.

"Why am I here?" tanong ko kay oliver.

"Nawalan ka ata ng malay, tinawagan ako ni ate estrella. Kumain ka na muna"

"I'm not hungry. Where's dad?"

"Hindi ko sinabing kumain ka dahil gutom ka, kumain ka kasi iinom ka ng gamot."

"Where's dad?" pag uulit ko sa tanong at inikot ang paningin sa paligid pero si oliver lang talaga andon.

"Hindi daw ma contact, kaya ako yung tinawagan"

Nakaramdam ako ng sakit pero ayos lang, naiintindihan ko naman. Nag aalala din siya kay tita.

Tumango nalang ako at inayos na nya yung kakainin ko, maya maya pa ay dumating si axel at blade.

"Caileeeeey" si blade.

"Cailey! buti naman buhay ka pa. Kala ko mabubyudo na si master eh" si axel, natawa naman ako.

"Tarantado ka ha, alis nga dito" pikon na wika ni oliver.

"Joke lang naman! Cailey joke lang" si axel, tumango naman ako at tumawa.

"Kumusta pakiramdam mo?" si blade.

"Kinda feel dizzy but I'm okay" nakangiting sagot ko.

"Hindi ka okay, manahimik ka dyan" si oliver na pinisil pa ilong ko.

"Ano ba nangyari?" tanong ni axel.

"Mataas lagnat tapos ayun nawalan daw ng malay nung tinawagan ako ni ate Estrella" paliwanag ni oliver, tumingin naman sya sakin. "Kumain ka dyan"

"Ay wala pala kaming dala, nagmamadali kami eh" si blade.

"It's okay, don't worry about it" nakangiting sagot ko.

"Oks lang yun tol, lalabas naman na to maya maya. Need lang nya uminom ng gamot tapos imomonitor pag naging okay pwedeng nang iuwi, pag hindi pa baka magstay pa muna dito" si oliver, napalingon nama nako sa kanya.

"But I'm fine" giit ko sa kanya, lumingon naman siya sakin at natawa pa.

"Kalat kumain" aniya tyaka kumuha ng tissue at pinunasan gilid ng labi ko.

"Tangenang yan" si axel tyaka hinatak si blade papuntang couch at doon umupo.

"Inggit" pang aasar pa ni oliver.

"Oli, can you call daddy?" tanong ko nang matapos akong kumain. Tumango naman siya at lumabas.

"Ako na dyan, wag kang magkikilos" si blade.

"I'm fine"

"Ako na sabi, ang kulet" wala na akong nagawa at pinanood nalang nyang ligpitin yung pinagkainan ko.

"Oh inumin mo to" si axel, inabot yung dalawang gamot at tubig.

"Bakit dalawa?" tanong ko.

"Aba madam, hindi ko rin alam. Hindi ako ang doktor mo" natatawang wika pa nya kaya tumawa nalang ako at ininom yung gamot.

May pumasok na nurse at tinanong kung nakainom na daw ba ako ng gamot at may chineck lang, paglabas nya nakatitig sakin si blade.

Do I look terrible?

"Cailey, tagilid mo nga mukha mo" si blade. Nagtaka naman ako pero siya na mismo nag tagilid sa mukha ko at tinignan bawat side.

"Bakit namumula isang pisngi mo?" tanong nya.

Yung sampal.

Pumasok naman si oliver at tinignan yung ginagawa nung dalawa.

"Master tignan mo to, namumula yung isang pisngi. Normal ba to?" tanong ni axel.

"Gagi, baka ganyan lang siya kiligin. Sa isang pisngi lang" pagbibiro ni oliver, binatukan naman siya ni blade. Tinignan naman niya yung pisngi ko.

"Ano nangyari dito?" tanong nya habang hawak nya mukha ko. Hindi ako makasagot.

"Nawalan ng malay diba? Baka tumama yung pisngi nya" si blade. Tumango tango naman si oliver na parang kumbinsido.

"Uminom ka na ng gamot?" tanong ni oliver, tumango naman ako. Tumabi siya sakin at nilaro yung buhok ko.

"Hindi sumasagot daddy mo" wika nya, tumango nalang ako at bahagyang inaantok dahil sa ginagawa nya.

"Shush! Wag masyadong maingay" saway nya sa dalawang ugok.

Bigla naman siyang nag hum habang nilalaro yung buhok ko.

Nakatulog ako.

"Svet, gising na. Pwede ka na umuwi" pang gigising sakin ni oliver, minulat ko naman ang mata ko at ngumiti sakin yung nurse. Tinanggal nya lang yung swero ko at kinausap saglit si oliver.

Pagkauwi ko naman inasikaso ako ni oliver at ni ate Estrella.

Umuwi ako galing hospital nang hindi ako dinalaw ni daddy.

It's okay, cailey.

"Uy, svet. Uwi na ako para makapag pahinga ka na rin" si oliver, hinalikan pa noo ko. "Ipinaalala ko na kay ate Estrella yung mga gamot mo"

"Wait, can you get my wallet?" tanong ko, tumango naman siya at kinuha kung saan ko tinuro, binigay naman nya sakin yun, kumuha ako ng 9k cash at inabot sa kanya.

"Para saan to?" tanong nya.

"Hospital bill and the meds" binalik naman nya yon.

"Okay na"

"Please" wala naman syang nagawa at tanggapin yun. "Good night, be safe" wika ko at yumakap sa kanya.

"Good night, labyu"

<3

In a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon