26

4 0 0
                                    

"Cailey, thank you ah!" si axel. Tumango naman ako.

"Tomorrow ha, punta kayo sa bahay" sagot ko, tumango naman sya at kumaway.

"Master, ingat kayo!" sigaw ni axel, tinanguan nalang sya ni oliver.

Hinatid ko nalang din si oliver sa bahay nila pero hindi parin sya bumaba.

"Galing si lucy sa province, yung mama nya ka-close ni mama sa company nyo---" pagpapaliwanag nya.

"Why are you saying this to me?" takang tanong ko.

"Makinig ka muna" wika nya, tumahimik nalang ako. "So dahil galing syang province, nakiusap yung mama nya sakin na I tour naman daw si lucy dito kasi wala syang time"

"Okay?"

"Sinabi ko lang para hindi malaman mong walang namamagitan saming dalawa" wika nya. Niyakap naman nya ako at doon ko pinakawalan yung ngiting kanina ko pa pinipigilan. "Ikaw parin, ikaw lang" wika nya, humalik muna sya sa noo ko bago bumaba at pumasok sa bahay nila.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at hanggang sa makarating ako sa bahay nakangiti ako ng sobra sobra. Mabilis rin naman akong nakatulog ng gabing yon kasi sobrang napagod.

Kinabukasan maaga ako gumising para mag gym, halos matagal na din ako hindi nakakapag gym. Umuwi kaagad ako nang matapos ako mag gym kasi balak ko linisin kwarto ko pero pag dating ko kakatapos lang mag linis ni ate Estrella ng kwarto.

"Ate Estrella" tawag ko sa kanya, kinuha ko lang yung pasalubong kong binili para sa kanya.

"Salamat, sana hindi ka na nag abala pa" wika nya.

"Ate, hindi ka na iba saakin" wika ko, napangiti naman sya at lumabas na ng kwarto. Nagpalit lang ako ng damit at hinantay na dumating sila oliver.

Maya maya dumating na din sila na may dalang Smirnoff at snacks.

"Sveeet" si oliver at yumakap pa sakin. Pumunta lang ako sa walking closet para huminga dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, kinuha ko narin yung regalo ko sa kanila.

"Oh" wika ko habang inabot isa isa sa kanila yung paperbag na may shoes, socks and sports headbands.

"Gago" gulat na wika ni axel. "Seryoso to?" tanong nya, natawa naman ako nagulat nalang ako nag tumakbo sya at yumakap sakin, si blade din yumakap sakin.

"You don't need to buy expensive gifts for us" wika ni blade.

"Thank you, sugar mommy" si axel, sobrang natawa naman ako. Siraulo talaga.

"Ehem" si oliver, tila natauhan naman yung dalawa at kumalas sa yakap ko. Kinurot naman ako ni oliver sa pisngi. "Gumastos ka nanamannnn" wika nya.

"So?" mataray na wika ko kunyari. Napailing nalang sya at yumakap.

"Thank you, sobrang mahal nung mga binili mo sakin. Favorite hmm?" pang aasar pa nya.

"I didn't look for the price duh" wika ko at kumalas sa yakap nya. Nakita kong suot na ni blade at axel yung mga sapatos nila.

"Ganda pre, ang angas" si blade habang pinapakita yung sapatos nya.

"Angas talagaaaa" si axel.

"You don't wanna see yours?" tanong ko kay oliver, hinatak nya ako papuntang tabi nya habang binubuksan nya yung shoes. Nagulat ako ng bigla syang napatigil at niyakap ako.

"Sheeeesh" si axel at blade.

"Patingin nga" si axel, lumapit pa sya samin. "Gago! Favoritism! Grabe ang angas" kukunin pa sana ni axel yung sapatos nang biglang hampasin sya ni oliver.

Sinuot ni oliver yung sa kanya at inabot ko pa yung isang shoes sa kanya.

"Akin din to?" takang tanong nya, tumango naman ako. "Bakit?"

"Why not?" tanong ko rin. Pagbukas nya pati sila axel nagulat.

"Bagong labas to na limited edition ha?" takang tanong ni oliver.

"Cailey, pwede ka bang jowain?" tanong ni axel, napatingin naman ako sa kanya at natawa. Inambahan sya ni oliver. "Joke lang master"

Halos hindi sila maka recover sa binigay ko kaya hindi ko alam iaakto ko kasi para silang batang tuwang tuwa. Nag konting beer lang din kami sa bahay at umuwi na sila.

"Pwede ba akong matulog dito? Namiss talaga kasi kita eh" wika ni oliver.

"Yes!" mabilis kong sagot, nagulat din ako bakit umakto ako ng ganon. "I mean yes ofc"

"Bilis ah?" nang aasar na wika nya. Nauna na akong magshower sa kanya para makapag ready na sa pagtulog.

Nagpanggap ako na tulog nang matapos sya mag shower, hindi ko maintindihan yung sarili ko kasi sobrang bilis ng tibok ng puso ko lalo na yung tumabi na sya sakin at yumakap sakin.

"Tulog ka na?" tanong nya, nag panggap parin akong tulog. Hinatak naman nya ako to face his side. "Hay, gandang binibini" wika nya na mas nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. "I'll wait for you, svet. I don't care how long it takes. I'll wait for you until you get strong enough to take risk for me" malambing nyang wika. Hindi ko alam pero biglang nag init yung mata ko.

"Hahantayin kita, mahal kita eh."

<3

In a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon