22

3 0 0
                                    

Naadjust yung exam namin last week, medjo na stress kami kaso meron naman kaming masasagot kasi naumpisahan naming mag revise. Halos konti nalang din yung inexam namin dahil hindi na nagpaexam ibang subject dahil may pinagawang performance samin.

Ngayon, foundation week na after neto wala na kaming pasok. Last day na rin ngayon. Nag aya muna ako kumain dahil nagutom ako pagtapos ng program.

"Nganga" wika ko habang angat ko ng kwek kwek kay oliver para isubo. Kumagat naman sya don. "Parang tanga, isubo mo lahat parang babae" inis na wika ko kasi muntik pang mahulog yung kalahati.

"Ayan, para ka kasing babae" pang gagatong pa ni axel, inambahan naman sya ni oliver.

"Eh kung mabulunan ako at mamatay ako ha" si oliver.

"Ang oa ampota" si axel na ikinatawa naman naming dalawa.

"Pre, si macy" si blade habang kinakalabit si oliver, napatingin naman ako sa tinutukoy ni blade. Ang ganda!

"Oh, ano gagawin ko?" masungit na tanong ni oliver.

"Crush mo yan master diba?" si blade, napatingin naman ako kay axel sa gulat.

"Crush amp, nagandahan lang ako" si oliver.

"Awit pinagpalit na si madam" si axel, inirapan ko naman sya. "Ayan na, nagsisimula na magsungit si madam"

"Parang engot" wika ko at inirapan sila, nagpatuloy lang ako sa pagkain hindi naman sila natigil na asarin si oliver.

Lumayo ako, narinig ko naman tinawag nila ako pero nagpatuloy lang ako sa pag lakad.

"Selos ka?" tanong ni oliver nang maabutan nya ako, napatingin naman ako sa kanya.

"Jealous my ass" wika ko at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

"Sus, selos. Ikaw lang naman baby girl ko eh" panlalambing nya, hindi ko naman sya pinansin. "Svet naman, hindi naman kita pagpapalit"

"Madam" tawag ni axel nang makahabol samin, tumingin lang ako sa kanya. Biglang gulat ko naman nang hatakin ako ni oliver.

"Hey, where are we going?" tanong ko hatak hatak parin nya ako.

"Basta" aniya. Nanahimik nalang ako at nagpahatak. Nagulat naman ako nang pumasok kami sa marriage booth. Nakita kong pinagtitinginan kami ni oliver.

"What are we doing here?" takang tanong ko.

"Kasal" tipid na wika ni oliver na sobrang nagpakaba sakin.

"Come again?" gulat kong tanong, kinindatan naman nya ako.

"Just do whatever they say, okay?" wika nya at iniwan na ako. May lumapit na dalawang babae sakin at nagpaliwanag. Kahit labag sa loob ko wala akong magawa dahil andito na kami. Inilapag ko yung mga hawak ko sa isang table doon at isinuot yung mga pinapasuot nila, binigyan din ako ng bulaklak pang bride.

Why do I feel it's so corny.

Nag start yung kunyaring ceremony, lumapit naman si axel at blade sakin, humawak lang ako sa braso nila dahil yun yung sabi.

Nagsimula nang itugtog yung kanta kapag may ikinakasal at nagstart na din kaming maglakad sa aisle.

"Ang lupet ni master manuyo, nagpapakasal" tumatawang wika ni axel.

"Tila gago" tumatawang wika naman ni blade. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa.

"All yours, pre" wika ni blade, si axel naman panay ang tawa hanggang sa nahatid na nya ako kay oliver. Si oliver naman sobrang laki ng ngiti sakin, inirapan ko lang sya.

In a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon