My jaw dropped at the moment. Kita ko ang gulat ng mga kasama niya ng dahil sa ginawa ng lalaking pumigil sa kaniya para saktan ako. At ang traidor kong puso ay tuluyan na ngang nag-iba ng tibok sa nasaksihan. Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata at nakakuyom ang kamao nito. He was about to went near to Pietro ng pigilan ko siya.
I held his shoulder tight at napa-tingin naman ito sa akin. Kaagad akong umiling sa kaniya. At nangungusap ang mga matang tingnan siya. Ayoko ng palakihin pa ito.
I looked at Pietro, kaagad siyang nilapitan ng lalaking sinampal lamang niya kanina.
"Pietro, okay ka lang?" Batid ko ang pag-aalala sa mukha niya. What? Bakit siya pa ang nag-aalala diyan kay Pietro? Samantalang sinaktan siya nito kanina lamang.
"Please, itigil mo na 'to." They guy asked to him at kasabay noon ang pag-piyok ng boses niya. Pero walang sabi-sabi lang siyang tinulak ni Pietro at kaagad na tumayo si Pietro. Akmang susugurin niya ang lalaking katabi ko ng dumating ang dalawang guard ng school.
"Anong meron dito?" tanong ng guard sa amin.
"Ahh. Wala, sir. Nag-kakatuwaan lang." sagot ng isang kasama ni Pietro.
"Halika na." hila ko sa braso niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natatakot ako sa tindig niya. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito. And seeing him like this gives me chills to my spine.
"You better not bully anyone, Kid. Bakit? Dahil anak ka ba ng may-ari ng school na 'to? Bata?" Puno ng pang-uuyam na saad ni Diego sa kaniya.
"Humanap ka ng katapat mo." Saad pa ni Diego at tuluyan ng hinawakan ang kamay ko at hinili iyon paalis doon sa lugar na iyon. Nakatitig lamang ako sa malaking kamay niya na sinakop ang maliit na kamay ko. Hindi ko alam kung saan ako kinakabahan. Dahil ba sa nangyari kanina o dahil sa kamay ko na hawak niya ngayon.
Paano niya nalamang nandoon ako?
Paano siya napunta doon?
Maraming katanungan ang bumalot sa aking isipan. Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa field kung saan walang masiyadong tao. Alam kong wala siyang naging galos dahil hindi man lang naka-ganti sa kaniya si Pietro.
"Are you okay?" He asked as he scan me.
"Nasaktan ka ba niya?" kita ko ang kakaibang emosyon sa mata niya. Wait. What? Bakit ganito?
Umiling naman ako. Tiningnan ko ang kamao niya at namumula ito. Mukhang malakas na pwersa nga ang ibinigay niya sa lalaki. Oh, God! Kinakabahan ako para kay Diego. Bukod na nasa college dept. na siya ay mas matanda pa din siya kay Pietro.
"Thank you, Die-Kuya Diego."
"Just call me Diego." Baritonong saad niya sa akin. I stared at him. A smile crept in to his lips. The lips that kissed me. Oh, God! Stop it, Gracia!
"Bumalik ka na sa klase mo, malamang ay hinahanap ka na ng mga kaibigan mo." Saad niya. Tumingin ako sa kaniya at muling nag-pasalamat. Why are you doing this to me? Why do you make my heart beat crazy?
Nang mag-paalam na siya ay kaagad na akong nag-lakad sa gusali kung nasaan ang room namin. But a familiar guy caught my attention. He is crying. It was the guy that is being bullied by Pietro.
"Here.." abot ko sa kaniya ng panyo ko. Kaagad naman siyang tumingala at kinuha ang panyo sa akin.
"Okay ka lang ba?"
"Okay lang ako, sanay na ako doon. Dapat hindi ka na nakialam pa. Pero thank you pa din dahil tinulungan mo ako, Miss..."
"Gracia, ako si Gracia." Saad ko naman sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Gracia (Trans-Story)
General Fiction"I am Gracia Del Luna, a transwoman. A woman." I proudly smiled as I said those words. No one can take it away from me. I am Gracia. .... DISCLAIMER! This is a work of fiction. Names, characters, busi...