"Maraming Salamat po Tita at Tito, mas lalo ko pa pong pag-iigihan ang pag-aaral ko." Saad ko sa mga magulang ni Chloe.
"You don't have to thank us, darling, we are very happy about it." Saad ni Tita.
"Thank you po ulit."
My Mama agreed with it, alam kong hindi siya papayag sa bagay na 'yun but when I told her na binu-bully si Chloe sa school at sa kaunting pag-pilit ay pumayag na siya. My Mama wanted to tell to Chloe's parents na na-bubully siya pero dahil ayaw ni Chloe, sinunod na lamang namin siya.
I could see how concerned she is to Chloe since she is my best friend. And she is good to the both of us kahit na katulong lang kami ng mga Esteban.
Bago ako lumipat ng paaralan ay maayos akong nag-paalam sa mga kamag-aral ko. I had no super close friends in school but I still have friends na kailangan kong mag-paalam ng maayos.
Tita and Tito made sure na wala kaming gagastusin ni Mama sa school kahit pa gaano kamahal ang tuition sa school na 'yun. And in addition to that, they also bought me things na kakailanganin ko sa bago kong paaralan.
I know a lot of adjustment must be made, and for Chlo I am much willing to do it. Para kahit sa ganitong paraan lamang ay maramdaman niyang kasama niya ako.
Her bullies are from the higher year, I know how absurd it may look, but they are much older from us ayon kay Chloe. Hindi ko man alam kung anong pwede kong gawin para hindi na siya bully-hin ng mga yun, still, baka kapag dalawa na kami ay tumigil na sila.
Napatingin ako sa salamin na nasa loob ng kwarto namin ni Mama. I scan myself from bottom to top. Pinakiramdaman ko ang mamahaling tela ng uniform ng school ni Chloe, and now, my school as well. I smiled on the thought.
It has a white polo inside with a tie and a black coat. Chloe and I have the same size of uniform pero halos naiba lang ang pambaba ko. I still have to wear a black slack.
Which is fine with me, hindi naman ako pumunta sa school para pumorma, nasa school ako para mag-aral.
Uniform pa lang, alam ko ng libo-libo na. Without her parents' help, hindi naman ako makaka-suot nito.
Pero deep inside ay masaya ako, I am happy na maranasan kong pumasok sa school kung saan nag-aaral ang mga anak ng mayayaman.
Ambitious I might sound, but yes, someday ay gusto kong bigyan ng magandang buhay ang Mama. I want her to experience a comfortable life someday.
With the last look on my new school uniform ay sinuot ko na ang bag ko. Hindi ko na pinalitan ang bag ko dahil ang Mama ang bumili nito para sa akin. And I love it anyway. It is pink in color. With girly cartoons on the back part of it.
Nang tawagin na ako ni Mama ay kaagad na akong lumabas ng silid. Nakakahiya naman mahuli sa paaralan gayong isasabay lamang ako nila Chloe sa sasakyan nila. Tita decided na sabay na kaming pumasok ni Chloe sa school since i-isa na ang pinapasukan namin.
As soon as I see Chloe ay kaagad niya akong niyakap.
"You good look on that, Gracia! Thank you talaga for transferring to my school!" bulong siya sa akin.
"Thank you din, Chloe." Sagot ko naman sa kaniya pabalik.
We made our way to the back seat of their car at nag-patiuna na kaming dalawa ng sumakay na ang Mommy at Daddy ni Chloe.
"Good luck on your new school, Gracia." Saad ni tita sa akin. Kita ko ang ngiti niya sa akin mula sa salamin na nasa harapan ng magara nilang sasakyan na sinuklian ko naman ng pasasalamat. This was not my fist time to be in this car but it feels so good na hindi na kailangang gumastos ni Mama para ihatid ako sa school.
![](https://img.wattpad.com/cover/252569325-288-k917612.jpg)
BINABASA MO ANG
Gracia (Trans-Story)
Genel Kurgu"I am Gracia Del Luna, a transwoman. A woman." I proudly smiled as I said those words. No one can take it away from me. I am Gracia. .... DISCLAIMER! This is a work of fiction. Names, characters, busi...