Araw ng sabado at hapon na ng makauwi si Chloe sa Mansiyon ng mga Esteban. Iba na ang suot niyang damit mas presentable na ito kesa sa suot niya kahapon. Kahapon ay nag-paalam siya kina Tita at Tito na may gagawin sa bahay ng mga classmates niya. Ayoko man siyang kunsentihin sa bagay na ginagawa niya ay wala akong magawa kung hindi ang pag-takpan siya. Kahit alam ko na ang totoo. Na pinalipas niya ang gabi sa isang bar sa BGC. I even asked Mang Carding to keep it between us.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Chloe. The more she spent more time with her so-called new friends, ay tila nababago siya ng mga ito. Letty and I had a talked about it last night. And we both agreed na hindi na maganda ang naidudulot ng bago niyang kaibigan. We are worried for her. I am worried for her.
"Chloe, sa tingin ko dapat iwasan mo na sina Mitch at Kendra. Hindi sila nakakabuti sayo." Prangka kong saad kay Chloe.
"Gracia, chill? Okay. They are just being friends to me. They just want me to experience the world." Saad ni Chloe sa akin. Para bang hindi na si Chloe ang kausap ko.
"You know, kahit naman may new friends ako, kayo pa din ni Letty ang best friends ko." Saad niya at hinawakan ang kamay ko.
"Hmm?" hindi ko magawang makasagot sa kaniya. Dahil sa mga nakikita kong pag-babago niya sa mga nakalipas na araw ay sapat ng bagay para masabing hindi maganda ang naidudulot ng mga bago niyang kaibigan.
"Hindi naman sa nakikialam ako, Chloe. Pero concern lang kami sayo, ako." Saad ko sa kaniya. Umiling siya.
"I know, but don't worry, gusto ko lang din ma-experience ang buhay. Besides, hindi naman nila ako pinapabayaan eh." Pag-pipilitan niya.
"You are being worried for nothing, sis. Why don't you and Letty come with us some other time?"
"No, Chloe. Sa tingin mo ba matutuwa sina Tita at Tito pag-nalaman nilang nag-sinungaling ka? That you went to a bar last night?" I frankly asked.
"Siyempre hindi. That's why you are here, you are my best friend, Gracia. For sure, you won't let them know, right?" tanong niya sa akin. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang tumango.
"Okay, I promise, that will be the last." Saad ni Chloe sa akin at kaagad na sumilay ang ngiti sa aking labi.
"Promise?" I reassured.
"Promise."
Some promises are meant to be broken. But I hope, this one, will not. Naniniwala ako na our friendship is more than being friends, we are more like a family.
"Maiwan na kita, take a rest." Saad ko kay Chloe at lumabas na ng kaniyang kwarto dahil alam kong pagod din siya. Naabutan ko ang Mama sa aking pag-labas.
"Ma, hinihintay niyo po ba ako?" I asked.
"Ahh, oo, anak. Halika at may ipapakita ako sayo." Saad niya. Para bang may gustong sabihin sa akin si Mama ngunit pinili niya na lamang itong itago sa akin.
I was busy cleaning our room ng may mag-pop out na text sa akin. It was Diego's. Oh, my! Calm, Gracia. Text lang kinikilig ka na? I-kalma mo iyan!'Hey, Gracia! Are you busy tom?'
'I just wanna ask a favor if ever na hindi ka busy bukas.'
'Can you come with me bukas?'
'Ibibili ko sana ng gift si Letisha. Para sa birthday niya. And if ever na hindi ka busy baka matulungan mo akong pumili.' He added with a smiling emoji.
Ayon ang laman ng mga mensahe. Akala ko naman niyaya niya ako sa date. Assuming ka, 'te? I laughed at my own thought. Bakit ganito ba ang epekto niya sa akin? Simpleng text lang ay kinikilig na ako. Dala ba 'to ng pag-dadalaga ko?
BINABASA MO ANG
Gracia (Trans-Story)
Genel Kurgu"I am Gracia Del Luna, a transwoman. A woman." I proudly smiled as I said those words. No one can take it away from me. I am Gracia. .... DISCLAIMER! This is a work of fiction. Names, characters, busi...