I look at my reflection in the mirror. Four years flew like a wind. Apat na taon na halos bumuo sa kabataan namin ni Chloe at ni Letty. I found myself staring at myself in the mirror. Hanggang balikat na ang buhok ko. Mas tumangkad na din ako. Unti-unti ng nabago at napalitan ang batang ako. Unti-unti ay nagiging dalaga na ako.
A smile is visible in to my lips. My Mama fully supports who I am and what I want. Kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa niya ay masaya na ako. Gaya ng pag-gupit sa buhok ko at pag-aayos sa akin. She even let me na pahabain ang buhok ko. And I love it! I really do!
Unti-unti ay nawawala na na ang mga bagay na nag-tititrigger ng gender dysphoria ko. Kahit sa buhok ko lamang ay napapanatag ang loob ko. It boosts my confidence. Adding to the fact that my school, my present school accepts diversity when it comes to clothing and such. Malaking bagay na 'yun para sa akin.
Apat na taon na puno ng saya kasama ang mga taong naging mahalaga na sa akin. Si Chloe, our bond became stronger. We are more like sisters since then. Inaakala pa nga ng iba sa school ay mag-kapatid talaga kami. I guess, parehas kaming lumalaking maganda. Letty, a beautiful teenager as well, she started her diet last year pero ganoon pa man ay maganda na siya dati pa. Noah, I can say, Noah is such a nice guy. Batid ko din na may gusto siya kay Chloe. Sa tuwing titingnan ko kasi siya ay palagi siya nakatingin kung nasaan si Chloe. Pero si Chloe? Hmmm. She hasn't told to me anything yet.
Sinuklayan ko ang buhok ko. I am wearing a simple skirt and white shirt. Matapos kong mag-lagay ng pulbos sa mukha at lipbalm na iniregalo sa akin ni Letty ay pinasadahan ko na ng tingin ang aking sarili.
"Gracia! Let's go!" rinig kong sigaw ni Chloe.
"I am ready!"
Ngayong araw ay mag-tutungo kami ni Chloe sa bahay nila Letisha. We usually hang out at their place. Kaming tatlo lang, Chloe, Letty and Me. Sinusulit na namin ang mga natitirang araw bago sumapit ang pasukan sa senior high. Yes, we are now on our 11th grade. Napaka-bilis talaga ng oras. Sana lang ay hindi kami mag-kahiwalay nila Letisha at Chloe sa darating na pasukan.
Bago ako lumabas ay kita ko ang aking Mama. Puno siya ng ngiti sa kaniyang labi habang kinakausap ang kaibigan ko.
"Ma..." agaw pansin ko sa kanila. Kaagad naman isinukbit ni Chloe ang kaniyang kaliwang kamay sa kamay ko. I smiled at her at ganoon din ang ginawa niya.
"Ma, una na po kami." Saad ko at lumapit kay Mama upang bigyan siya ng halik sa pisnge.
"Ang laki niyo na talaga, mga dalaga na kayo." Saad ni Mama habang kumikislap ang mga mata niya na nakatingin sa amin ni Chloe.
"Siyempre naman po, Tita. Pareho po kaming maganda ni Gracia." Saad ni Chloe na ikinatuwa naman ni Mama.
Matapos naming mag-paalam kay Mama ay sumakay na kami sa sasakyan nila Chloe na mag-hahatid sa amin sa subdivision kung saan nakatira sina Letisha. It took us half of an hour bago kami tuluyang nakarating sa Mansiyon ng mga Lorenzo. Kabisado ko na ang daan patungo sa Mansiyon nila. Nag-lalakihang mga bahay ang bubungad sayo bago makarating sa Mansiyon ng mga Lorenzo.
A smile crept in to my face as I remember kung sino ang maari naming makita sa bahay nila, ang kuya ni Letisha, si Diego. Este Kuya Diego.
Muli ko tuloy naalala ang pangyayari na nag-bigay sa akin ng kakaibang pakiramdam sa tuwing makikita ko siya.
It was our Science Camp ng mautusan ako ng isang faculty member na may kuhain sa site.
"Ma'am can I go with Gracia po?" taka akong tumingin kay Noah ng sabihin niya 'yun sa miyembro ng faculty namin. But he only gets a no for an answer. Satingin siguro ng staff ay tatakas lamang si Noah sa akitibidad na gagawin namin ngayong araw. Bleh. Butinga!
BINABASA MO ANG
Gracia (Trans-Story)
Fiksi Umum"I am Gracia Del Luna, a transwoman. A woman." I proudly smiled as I said those words. No one can take it away from me. I am Gracia. .... DISCLAIMER! This is a work of fiction. Names, characters, busi...