Napatingin ako sa batang babae na bumaba sa isang sasakyan. Sapalagay ko ay halos pareho lamang kami ng edad. Maputi ito at halos mag-kasing tangkad lamang kami. Nakasuot siya ng makulay at magarang dress na nagpapalitaw ng kaniyang ganda. Matagal ko ng naririnig na uuwi na ang anak ng amo ni Mama. At satingin ko ay siya ang batang 'yun.
Dala-dala niya ang isang manika na alam kong sa tingin pa lang ay mukhang mamahalin na at hindi namin kayang bilhin ng Mama. Lumaki ako sa isang mala-palasiyong bahay pero tanging maliit lamang na kwarto ang meron kami dito ng Mama. Simula ng magkaroon ako ng muwang hanggang sa tumuntong ako sa edad kong walong taong gulang ay dito na kami nakatira.
Hindi bilang isang mayamang pamilya. Ngunit dito na kami nakatira bilang katulong ng mga Esteban.
Napatingin ako sa hairclip na suot ng batang babae. Kumikinang ito dahil sa mga diyamante. Hinawakan ko ang plastic na clip sa buhok ko. Oo, simula ng isinilang ako sa mundong ito. Alam ko na, alam ko ng ako ay may pusong babae.
"Ang ganda." Tanging na bulalas ko ng makita ang hawak niyang laruan. Isa itong manika na nakikita ko lamang sa telebisyon ng mga Esteban.
Kasunod ng pag-labas niya ay ang pag-labas ng isang babae na sa tingin ko ay ka-edad ng aking Mama. Ng masinagan ng araw ang kaniyang balat ay kaagad itong nangingibaw. Para siyang isang artista na nakikita ko lamang sa telebisyon. Sa tingin ko ay siya ang asawa ng amo ni Mama. Maganda siya at kamukhang-kamukha niya ang batang babae na may hawak na magandang laruan.
Nang mapatingin sa akin ang batang babae ay kaagad akong nataranta at nag-tago sa likod ng halaman. Nag-salubong ang aming mga mata ngunit nabalutan ako ng kaba ng makita niya ako. Muli akong sumilip sa binabaan nila at tanging si Mang Cardo na lamang ang naiwan na nag-bubuhat ng mga maleta papasok ng Mansiyon ng mga Esteban.
Muli kong ibinalik ang mga mata ko sa punso kung saan nandoon ang maraming langgam. Natutuwa akong pag-masdan sila. Nabuhat na nila papasok ang candy na ibinigay ko sa kanila. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi dahil doon. Ang panoorin ang nakagiliwan kong gawin sa tuwing matatapos ang aking klase.
Lumipas ang ilang minuto at narinig ko na ang boses ng aking Mama.
"Graciano!" rinig kong tawag niya sa aking pangalan.
Tinanggal ko ang clip sa aking ulo at inilagay ito sa aking bulsa.
"Pinaglalaruan mo na naman iyang mga langgam, anak." Saad niya ng makita akong naka-upo sa tabi ng punso.
"Halika, ipapakilala tayo sa asawa at anak ng amo ko." Saad ng Mama.
"Mama, sila po ba iyong bumaba doon?" Saad ko at itinuro ang sasakyan. Tumango siya at tinulungan akong tumayo mula sa aking pag-kakaupo. Pinagpagan niya ang short kong may marka ng lupa.
"Haynako, ang lakas ng trip mong bata ka." Saad niya habang iniiling ang kaniyang ulo.
"Halika na."
Kaagad akong nag-tago sa likod ng aking Mama. Lahat ng mga trabahador sa Mansiyon na ito ay ipapakilala sa amo ni Mama. Nang makarating kami sa sala ni mama tanging ang magandang babae lamang ang naabutan namin.
"Magandang araw ho, Ma'am Elijah." Rinig kong saad ni Mama. Kaagad niya naman akong inihirap sa asawa ni Mr. Esteban.
"Eto nga po pala si Graciano, yung anak ko po." Saad ni Mama.
Nahihiya naman akong yumuko sa harapan ng ginang. Naramdaman ko ang malambot at makinis na kamay niya ng hawakan niya ang pisnge ko.
"Napaka-gwapong bata naman nito, Melissa. Ang laki mo na, Graciano." Saad niya sa malumanay niyang boses. At kaagad kong nasilayan ang magandang mukha ng ginang. Nahihiya ko siyang tiningnan at nginitian.
BINABASA MO ANG
Gracia (Trans-Story)
Aktuelle Literatur"I am Gracia Del Luna, a transwoman. A woman." I proudly smiled as I said those words. No one can take it away from me. I am Gracia. .... DISCLAIMER! This is a work of fiction. Names, characters, busi...