"Vro, pa-log in naman sa messenger oh. May titingnan lang ako,"pakiusap ni Brian kay Lily.
Chineck muna ni Lily ang kan'yang cellphone bago ito binigay sa binata.
"Oh. Na-log out ko na yung akin. Balik mo agad ha,"sabi ni Lily sa kaibigan.
"Oo naman. 'Di ko naman 'to nanakawin,"sabi ni Brian habang nagmamadaling tinipa ang password ng kanyang messenger sa telepono ng kaibigan. "Vro, may girlfriend ako online,sabi ni Brian habang hindi inaalis ang tingin sa telepono ng kaibigan. 'Di ko alam kung seryoso siya pero sana, oo. Share ko lang sa'yo 'to vro kinikilig talaga ako. Di pa nagfe-face reveal eh pero laki ng boblets. SOC kami vro ebarg. Akalain mo yun vro kinikilig pa pala ako hehe. Chat ko nga.tuloy-tuloy na kuwento ni Brian nang hindi tumitingin sa babaeng kaibigan.
"Ha? Ano'ng pangalan?"tanong ni Lily na puno ng kuryosidad.
"Xaynne Thyclair Zatricca Montefalco. Haba pero di na bale yun. Dummy lang rin."
"A-anong dummy account mo?"
"Alexandruz Brioxe Skynne Addictus."
"Tangina mo. Akin n"
"Teka may notif,"Pigil ni Brian sa kaibigan habang binabasa ang notification ng messenger.
.
.
.
.Xaynne Thyclair Zatricca Montefalco has one new conversation with new messages.
YOU ARE READING
Read This When Your Internet Connection Sucks
PoetryThis is a collection of short stories and poems written in English and Filipino as our entry for the SOX Zine Fest 2020. With the collaboration of my two friends, we made this compilation with all our whims, fears, and musings into. I hope you like...