Ang Dalawang Buwan
Gustong-gusto ko ang pangalan mo,
kasing ganda kung saan ito hinango.
Moon, iilan lang ang may ganiyang pangalan.
Inulit pa ng dalawang beses
tila ba may gustong iparating,
may gustong sabihin,
may nais ka bang sabihin?
Katulad ka ng buwan,
nagniningning sa kadiliman,
lumalabas tuwing gabi,
at handa akong maghintay
hanggang ang liwanag ay balutin na ng lilim.Sa ating purok, ako lang ata ang nasasabik tuwing gabi.
Lahat ay nais ng tapusin ang araw
ngunit para sa'kin ay magsisimula pa lamang.
Sa paglabas ng hilagang bituin,
ikaw ay nasa labas na't nagmamasid.
Nakaupo sa hangganan ng langit.
Ako naman ay nasa kabilang dako
Tangan ang puso na nais kong ibigay.
Ibigay sa'yo kung wala lang sanang kilometrong nakapamagitan sa'tin.
Ang tahimik na espasyo sa pagitan ng ikaw at ako,
ay labis na nakakabingi.
Kung ikaw lang sana ay malapit,
ito ay mapupuno ng ligaya
ng usapan,
ng tawanan
ng pagmamahalan,
lumapit ka lamang sa akin.Sana ay marunong kang kumilatis
ng kilos at galaw ng pag-ibig,
dahil kahit na masyadong maingay ang kawalan na namamagitan,
ay mababasa mo ang mga nakaw kong tingin.
Tingin, tumingin ka sa'kin,
at unti-unti ka ring lumapit,
pulgada sa pulgada,
hanggang ako'y maniwala na tayo ay magkakalapit pa.
Salangin mo ako,
hanggang tayo'y makabuo ng pingkian
na magniningning at maisusulat sa kasaysayan.
Kahit na 'di tayo maipaliwanag ng agham o siyensya ngunit ang ating alamat ay magmamarka.Naisin man nating magkalapit,
ngunit sa espasyong nakapamagitan sa'tin,
ay naroon ang araw at ito'y nagmamasid.
May batas nga ata,
may nakasulat sa balumbon
na ang dalawang buwan ay 'di puwedeng magmahalan,
na ang buwan ay para sa araw at ang araw ay para sa buwan.
Na kapag ang dalawang buwan ay magkayakap
may masamang pangitain na magaganap.Ako, ang ikalawang buwan, na hanggang silip na lamang sa daksipat,
na hanggang sulyap na lamang sa aking iniibig na buwan,
dahil sa kawalan na nakapamagitan sa ikaw at ako.
Mapupunan sana natin ito,
ng masiglang tula na may himig at tono
kung wala lang sanang araw na nakaabang.
Kung wala lang sanang mga matang nanghahadlang.
YOU ARE READING
Read This When Your Internet Connection Sucks
PuisiThis is a collection of short stories and poems written in English and Filipino as our entry for the SOX Zine Fest 2020. With the collaboration of my two friends, we made this compilation with all our whims, fears, and musings into. I hope you like...