Message Sent

6 0 0
                                    

Naglalakad si Chip sa hallway ng second floor sa college building. May ilang estudyante ang naglalakad at nakakasabayan niya lahat alam ang patutunguhan. Ang kanilang mga yapak na mas nagpapabilis ng pintig ng kaniyang dibdib. Ang tunog ng mga pintuan ng mga silid na palatandaan na malapit na siya sa pupuntahan.

Room 205.

Huminga siya ng malalim bago binuksan ang pinto.

Sinuyod niya ang loob ng silid at hinanap ang taong matagal niya nang gusto. Matagal niya nang hinahangaan, at matagal nang minamahal.

"Ken?"tawag ni Chip.

Ilang segundo ay sinagot siya ng lalaki, "Chip? Bakit?"

Nasa tabi lang pala ito ng pintuan, nakatayo, at nanunuod ng dance tutorial video sa youtube.

Lagi siyang ganyan. Kaya nga siguro ay napasali siya sa teatro ng kanilang paaralan. Taglay niya ang galing sa pagsayaw, kaya ang lahat ng estudyante at ilang mga guro ay nakatingala at humahanga kay Loyd.

"Pinapatawag ka ni Yanna. Ianaantay ka sa gate."

Agad na kinuha ni Ken ang bag at kumaripas pababa. Hangin nalang ni Ken ang naramdaman ni Chip bago ito nawala sa kaniyang paningin.

Lumabas si Chip sa silid at sinara ang magabok na pinto. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa upang i-text si Yanna.

Tinipa niya ang security code ng telepono at agad bumungad ang wallpaper niya na picture nilang dalawa ni Ken 2 years ago, nang sila'y matalik na magkaibigan pa. Napabuntong-hininga nalang ang binata sa ala-ala. Agad na nag-type ng message si Chip at sinend agad kay Yanna, bago niya ini-lock ulit ang cellphone at bumalik na sa reyalidad kung saan di niya alam ang kanyang patutunguhan.

"Yanna panget, palabas na ng gate boyfriend mo. Happy 2nd anniv. sa inyo. Stay strong hahah :P"

Read This When Your Internet Connection SucksWhere stories live. Discover now