Nagising nalang ako dahil sa ingay sa labas. Sino namang mag-iingay sa loob ng unit ko?!Nang pag mulat ko para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil wala pala ako sa condo ko!shit nasa'n ako?!
Agad akong tumayo sa pagkakahiga kaya biglang sumakit 'yung ulo ko. Sunod sunod akong napamura ng mapagtantong wala akong suot na pangitaas kundi bra lang what the heck?!gano'n naba ako kalasing kagabi para magpakaladkad kung kani-kanino?
Kwarto 'to ng lalake!sigurado ako. 'Yung theme palang ng kulay ng kwarto e,pero wala akong oras para do'n. Agad kong hinablot 'yung comforter at binalot sa katawan ko. Sobrang gulo pa ng buhok ko pero bahala na kailangan kong mahanap 'yung mga damit at gamit ko tangina
Nakakarindi 'yung ingay sa labas kaya agad akong lumabas at halos manlaglag ang panga ko ng bumungad sa akin ang mga tao
Lahat sila natigilan sa mga kanya kanyang ginagawa. Dahan dahan pa silang nag-angat ng tingin sa akin at ramdam ko ang panlalaki ng mata ko dahil sa gulat at gano'n 'din sila. May nasamid panga sa kinakain nila dahil nandito ako ngayon sa harap nila
Ilang beses pa silang napakurap kurap at gano'n 'din ako. Para akong naputulan ng dila habang nakikipagtitigan sakanila
Ano 'tong pinasok ko?!
"I told you. I have a bwisitor"nabasag lang ang katahimikan ng may magsalitang lalake
Agad akong napalingon dito at lalong nanlaki ang mata ko ng mapagtantong ito 'yung kapitbahay ko!so ibig sabihin nandito ako ngayon sa loob ng unit niya?! shit paano naman ako napunta dito? Presenteng nakasandal siya sa hamba ng pintuan ng kusina niya at nakapamulsa pa habang walang emosyong nakatingin sa akin pero ramdam ko 'yung inis niya
"A-ahm..hi?"i awkwardly greeted them and even wave a little while i was gripping the comforter tightly as if i could escape by doing that
"Shit"they cursed. They we're boys and among of them is girl. They look like a famillar celebrities
Mga mukha silang hindi makapaniwala. Napahigpit ang hawak ko sa comforter na nakabalot sa katawan ko dahil alam kona kung anong nasa isip nila ngayon. 'Yung itsura kopa naman mukhang galing sa nakakapagod na digmaan kagabi pero!deputa
Hindi talaga ako makagalaw dito sa kinatatayuan ko pero buti nalang lumapit na sa gawi ko 'yung lalake at agad akong hinila pabalik sa kwarto niya tsaka ni-lock ang pinto
Marahas siyang napabuntong hininga at napasuklay sa buhok niya bago ako pinakatitigan"should i call a security now to sue you for trespassing?"
"Anong ginagawa ko dito sa condo mo?tsaka bakit wala na akong suot? Ahere are my clothes? What happened yesterday?"sunod sunod kong tanong
Pero tinalikuran niya lang ako at muling lumabas kaya napaawang ang labi ko dahil sa inasta niya. Hindi pa niya nasasagot 'yung tanong ko tinalikuran na agad ako,gaano kabastos yon ha?! Pero agad din siyang bumalik at tsaka inabot sa akin 'yung damit ko at gamit kaya agad ko itong kinuha sakanya at niyakap kopa ang sarili ko
"After that. You may leave my unit"he coldly said like he really wanted me to leave as fast as i could. I was about to complain more but he already turn his back against me and left me here at his room
Napairap nalang ako sa hangin at marahas na napakamot sa buhok ko. Grabe sobrang sungit niya! Hindi man lang muna ako inalok ng gamot pang tanggal hangover o di kaya sinabi man lang niya sa akin ang nangyare kagabi!peste
YOU ARE READING
Features Of Our Future (Fondness s e r i e s #2)
General FictionFondness Series #2 Charlie was force to be an actress. While chasing her career getting to be in a highest she'll met khavin niel sollovar with his complicated life. February 20, 2022 August 25, 2022 Cover note mine credits to the rightful owner