"bakla, ilang minuto nalang..." kinakabahan na sinabi ni chad, sa kaibigan.
"anong plangak na lipstuk ang bet mo?" tanong ni JM sa modelo.
"you should know what's best for me." Umirap ang modelo. "do you know what you are doing?" Dagdag pa nito.
Gigil na gigil si JM sa maarteng modelo, "ba't ba kasi itong singpayat ng kawayan ang napuntang modelo sa'ken!" sa isip nito.
"In one minute, we will know the 3rd Never Balena Make Up Competition Grand Winner who will receive 1 year supply of Never Balena make up and cash prize of 50,000 pesos." Anunsyo ng host sa stage. Naghiyawan ang mga madla.
Ang kompetisyon kasing ito ay ang pinaka prestihiyosong patimpalak para sa make up artists sa bansa, kaya naman lahat ng nangangarap maging isang sikat na make up artist mula batanes hanggang jolo, wait... sa pilipinas ay sumasali dito.
"Imbyerna ako sa modelong chaka na 'yon, hindi naman kagandahan... ang shuyat." Inis na sabi ni JM.
"at hindi mo rin siya napaganda, bakla ka!" Hirit ni Chad. "Kaya nga chaka ang mga modelo para makita kung nagiging dyosa after ma mokapan. BAKLA! SHOTLONG BESES MO NATING SALI ITO DITO, hindi man lang tayo nakakapwesto sa top 10."
"hindi ka nakakatulong, bakla! alam mo, kaya nga sinama kita dito para pagaanin ang loob ko, CHAKANG WAS HERLAKS!" Sigaw ni JM dahilan para magtinginan ang mga tao.
Lumapit sa kanila si Anne. Ang defending grand winner sa patimpalak. mahigpit na kalaban ni JM ang babaeng 'to. Hindi lang sa kompetisyon.
"Look who's here." Tumingin si Anne sa kaibigan.
"At nandito na naman ang demonyitang singlaki ng MOA ang bibig." Pilosopong sabi ni JM.
"Is this your model?" Tinuro niya ang nakaupong modelong nakapinta sa mukha ang pagkadismaya sa resulta ng make up. "This is also my model last year and we won." Dagdag pa nito.
"Right." Umirap ang modelo kay JM.
"Alam mo, sadyang hindi lang kita napapaganda dahil chaka ka talaga!" Sabi nito sa modelo. "At isa ka pa, Anne Cortes, santa ng mga inggitera! lider ng mga babaeng malaki ang bunganga! Tumahimik ka, kung ayaw mong tadyakan kita sa leeg!"
"And now, the announcement of our winners!" Masayang sabi ng host.
"For our third place.... Mariah Carilla.... congratulations!"
Sumigaw ang mga bading at pumunta si Mariah kasama ang kanyang modelo sa itaas ng stage.
"For our second place... Allan Sy... congratulations!"
at gayundin ay pumunta ang artist at ang kanyang model sa stage. bakas sa mukha nila ang tuwa at galak, kabaligtaran naman sa poot at galit sa mukha ni JM.
"Sis, good luck for the both of us." Sarkastikong sabi ni Anne kay JM na lalong kinainis niya.
Pumanhik ang CEO ng Never Balena sa stage hawak hawak ang tsekeng malaki pa sa kanya, naghihiyawan ang mga tao dahil sa ikatlong pagkakataon ay iaanunsyo na ang grand winner ng prestihiyosong kompetisyon.
"And the grand winner of 3rd Never Balena Make Up Competition is... again... Miss Anne Cortes." Sigaw ng baklang host na para bang masisira ang mic sa lakas ng sigaw niya.
"Told yah, girl. Next time, don't yah evah join a competition with me. Alam mo naman, sobra ang galing ko kumpara sa'yo." Sabi ni Anne. "and one more thing, palitan mo naman mga brushes mo, last two years pa mga 'yan right?" Tumawa si Anne at mga alipores niyang mukhang bibe na sunod nang sunod sakanya.
"What can you say about your second win, Miss Anne?" Tanong ng Host sakanya habang papanhik sa stage.
kinuha nito ang mic, "Congratulations to all winners, and to all non-winners, practice more and make sure clean your brushes." Sabay tawa nito.
Gigil na gigil naman si JM sa baba na para bang gusto niyang patayin si Anne.
Hawak hawak ng dalawa ang mga bag na naglalaman ng mga make up at ring light habang papalabas ng venue, bakas sa dalawa ang pagod at pagkadismaya sa kinahantungan ng kompetisyon. "Deserve naman ni bakulaw." Ani ni JM.
"tandaan mo ito, Chad. Next year na sasali tayo ulit, ako na ang papanhik sa stage at magsasabing, CONGRATS TO ALL WINNERS AND WE DESERVE THIS." Tumayong parang beauty queen si JM habang tila ba'y mic ang brush at tinutok sa bibig nito.
"sasali pa ba tayo?" Iritang tanong ni Chad.
"Bakla ka, si Pia nga tatlong beses sumali sa Binibining Pilipinas bago nakuha ang korona..."
"hindi ikaw si Pia." Putol ni Chad kay JM.
"Bakla, ang nega mo!" Sabi nito sa kaibigan. "Next year, i will make sure... sisiguraduhin kong ako ang mananalo at ipapakita ko sa lahat kung gaano kagaling ang isang Jose Marie Viceral!" At ngumiti si JM.
Binuksan ni JM ang kahoy na pinto ng kanilang bahay, bumungad sa kanya ang kanyang tatay na nakahiga sa habang nanonood ng tv. Niyakap niya ito at aakmang magsasabing, "tay, tal...."
"Alam ko anak, napanood ko na sa telebisyon... okay lang 'yan! ang mabuti ay tinanggap mo ang pagkatalo mo... galingan mo sa susunod." Inuubong sabi ng Ama.
"Hindi man lang ako nakapwesto, sana may pagpapahospital na tayo." Umupo si JM sa tabi ng ama. Dama ng ama ang lungkot ng anak kaya umupo rin ito para yakapin ang anak.
"Anak, h'wag mo na akong isipin pa... malakas ako..." at bigla itong inubo.
"Kumain ka na ba paps?"
Tumango ang ama, pero sinigurado ni JM na kumain na nga ang ama. Nakita ni JM na ni isang plato ay walang nagalaw sa lalagyan ng mga ito. "Pa, alam kong gutom ka na."
"Anak, wala na tayong bigas... at ubos na rin ang mga delata."
Lumabas si JM at pumunta sa malapit na tindahan ni Aleng Amy, ang tinderang masungit.
"Nagpakita rin ang multo." Sabi ni Aleng Amy. "Tatlong buwan ka nang hindi nagpapakita ah, alam mo pa ba magkano ang utang mo sa tindahan? NAKU JM, LUGING LUGI NA AKO SA'YO." dagdag pa nito.
"Aleng Amy, kilala mo ba si Rosa? yung anak ni aleng goreng?" Tanong ni JM.
Tumango si Aleng Amy at umupo.
"Naku, nashontis raw ng jumericano." Dagdag pa ni JM.
"Totoo ba? Halata naman sa batang 'yon, maharot 'yon e. Nakita ko nga kanina sa kanto, nakaangkas sa motor ni Louie." Chismis naman ni Aleng Amy.
"Kaya hindi na ako magtataka bakit siya nabuntis..." Tumango si Aleng Amy. "Aleng Amy, gumanda ka ata ngayon..."
"ano ka ba, pulbo lang 'to."
"hinde, parang gumanda ka nga, ayusan ko kilay mo bukas para full pack ka na."
"gusto ko 'yan bakla! hindj na naayusan ang kilay ko dahil naglaho ka ng tatlong buwan."
"hayaan mo, bukas... siguradong liligawan ka na ni Garry."
Kinilig naman ang matanda.
"Aleng Amy, pautang naman."
"Oo naman, basta ang kilay ko bukas ah."
"Dalawang sardinas, isang kilong bigas."
Binigay naman nito kay JM.
Umuwing may ngiti si JM at pinagluto ang ama. Bakas ang lungkot sa mga mata nito dahil sa kalagayan ng ama. Hindi rin siya nagtatagal sa trabaho dahil mas pinipili niyang bigyang pansin ang kanyang gustong gawin, pagme make up.
*
BINABASA MO ANG
JM AND BENNY
RandomSi JM ay isang masipag at mapagmahal na anak ng amang may sakit, siya ay bigo na masungkit ang prestihiyosong kompetisyon sa larangan ng kolorete, nang makilala niya ang isang modelong si Benny ay biglang nag iba ang ikot ng karera niya. Paano magig...