Ilang araw ang lumipas at nagkaroon ng magandang samahan si Anne at JM, unti unti na ring bumabalik ang sigla ng ama ni JM dahil sa madalas nitong pagpapatingin sa doktor. Nakaipon ipon na rin siya at nakabili ng mga mamahaling make ups para sa kanyanh trabaho, mahal na mahal niya ang kanyang trabaho. Nakahanap na rin ng magandang trabaho si Chad na naghahadlang sakanilang dalawa upang magkita ng madalas. Ngunit hindi nila nakakalimutan na kamustahin ang isa't isa. Alam na alam ni Chad lahat ng kwento ni JM, gayundin ang tungkol kay Benny.
"Tagal na din nung huling beses ko siya nakita." Tugon ni JM sa linya nang taharang nagtanong si Chad tungkol sakanya.
"Uy, nakita ko yung post niya sa instagram about sa Benz, nakalagay din pangalan mo doon." Dagdag pa nito.
Nagtataka si JM kung ano ang ibig sabihin nito sa pangalan na nakalagay. "Papasok na ako sa trabaho, besty...bye." Mabilis na ibinaba ni Chad ang telepono.
Dali daling hinahanap ni JM ang Instagram account ni Benny, ilang minuto din siyang naghahanap at wala siyang Benny na nakita at nagpapakit ng litrato nito. Sa paghahanap nito ay nakita niya ang isang Benigno Perez, na may username na Lonelyman16, dali dali niya itong binisitahan at nakita niya ang litrato ni Benny. At sa pagkakataong iyon ay nakita niya ang litrato nito na kinunan sa araw na inayusahan niya ang modelo. Nakita niya ang pangalan niya doon sa caption nito. Nakaramdam ng tuwa si JM.
Kaagad niya itong ni-follow at pinagmasdan lahat ng kanyang litrato, nakita niya roon ang isang litrato ng babaeng nakatalikod sa dalampasigan, maganda ang pangangatawan nito at kahit nakatalikod ay tingin ni JM na napakaganda ng babae. Pinusuan niya ito.
Sa tingin ni JM ay girlfriend ito ni Benny. Nagtingin tingin pa ito sa kanyang mga posts at lahat ng titrato doon ay kanyang pinusuan, bigla itong kinabahan nang finollow back ito ni Benny. Nakaramdam ng halo halong emosyon si JM at nagaalala din dahil hindi naman ganoon kaganda ang mga litrato nito sa kanyang account.
Kinabukasan, nagtungo si JM sa opisina dahil may pag uusapan daw silang mga nagtatrabaho para kay Lassy.
Nandoon nakaupo si Anne, Lorie, Sandy, Clark, BJ, at Clarisse, mga kasamahan niyang make up artists. Wala doon si Lassy at sa pagtataka nito ay bigla siyang nagtanong.
"Nasaan si Boss Lassy?"
"Malamang wala siya dito dahil meeting ito para sa surprise birthday celebration niya mamayang gabi, no!" Tugon ni Anne.
Nagkunot noo si JM.
"We're going to have a party tonight. you ready?" Tanong ni Sandy kay JM. Tumango naman ito, hindi naman nagtagal ay natapos ang kanilang pag uusap at isa isang nagsi uwian.
Naiwan sa loob ng opisina si Anne at JM.
"May motif ba, Anne?" Pagtatanong nito sakanya.
"Yes....hmm... Red Gowns."
"Red Gowns?!" Pagtataka ni JM.
"Make sure you wear one, dahil baka siraino ang party ah."
Tumango si JM at nakangiting umalis si Anne sa opisina. Kaagad naman din itong lumabas para makauwi na dahil ilang oras na lang din ang kanilang preparasyon.
Pagkauwing pagkauwi nito ay pumunta siya sa isang nagpapaupa ng mga gowns at damit.
"Ano po hanap nila, ser?" Tanong ng babaeng nakaupo sa loob.
"May red gowns ba kayo na pwede rentahan?" Tanong nito.
Dali dali naman nilabas ng babae ang mga gown na may kulang pula. Nabighani ito sa isang straight cut na gown na may mataas na slit, sigurado si JM na kapag sinuot niya ito ay kapansin pansin ang kanyang mahahabang binti nito at pansin dito ang nakakamanhang kulay nitong pula. Kaagad niya itong rinentahan at umuwi na.
Dali dali siyang naligo dahil nakatanggap ito ng mensahe mula kay Anne.
"7pm, Tree House Private Pool."
Malapit lapit lang ito sa linipatan nila ng kanyang ama, pagkatapos maligo ay kaagad niyang pintayuan ang kanyang hanggang leeg na buhok na may kulay puti. Pagkatapos ay nagbihis, halata sakanya ang saya ng makitang bagay na bagay sakanya ang pulang gown.
"Papsie, bagay ba?"
Nagulat ang kanyang ama sa nakita dahil sa angking ganda ng kanyang anak. Ito rin ang unang beses na nakita niya g nagsuot ng ganitong damit ang anak.
"Anak, babaeng babae ka na ah." Biro nito sa anak.
Tuwang tuwa naman si JM sa narinig sa kanyang ama. Pagkatapos ay lumabas na siya at sakto naman na may tricycle sa kanto. Hindi kasi siya makakasabay kay Anne dahil may gagawin pa raw ito.
Ilang minuto lang ay nakarating siya sa lugar kung saan gagawin ang party, tanaw niya sa kanuang kinalalagyan ang mga iba't ibang kulay ng ilaw mula sa loob at dinig din niya ang malakas na tugtog. Marami ang mga kotse sa labas ng Private Pool kaya alam niyang marami ang mga pumunta dito. Kabado si JM dahil baka maraming magagandang gowns ang naroon kumpara sakanya.
Pagpasok niya doon, ay bumungad sakanya ang mga lalaking may hawak hawak na beer, tanaw din niya ang mga babaeng naka swimming attire. Maraming mga mata ang nakatingin sakanya. Maraming nagbubulungan at nagtatawanan.
"Mali po kayo ng punta, hindi po dito ang red carpet awards night." Biro ng isang lalaki bunga para magtawanan ang lahat.
Sa kanyang paningin ay ni wala ni isa ang naka gown. Lahat ng tao dito ay naka swimming attire dahil nga ito ay Pool Party. Inis na inis ito kay Anne. Hinahanap niya si Anne at inilibot ang kanyang paningin. Nais na niyang umuwi, dahil lahat tayo ay nakatingin sa kanya.
"Hi JM, you look gorgeous." Bungad sakanya ni Clarisse.
"But i think, your looks doesn't match the party." Sabi ni Clark.
"Wala ka bang dalang extra.... pool party ito sis." Tugon naman ni Sandy.
Bakas sa mukha ni JM ang inis at pagkadismaya. Naloko kais siya ni Anne.
"Like for real?!" Tawang tawang sabi ni Anne habang iniinom ang alak na hawak niya.
"Ang sabi mo red gowns... ba't?" Pagtatakang sabi ni JM.
"Naniwala ka naman... enjoy the party with your gown, sis." At biglang umalis si Anne.
Sa Pag alis ni Anne ay bumungad naman sakanila ang may kaarawan na si Lassy. Nagtataka rin ito sa suot niya.
"Akala ko celebration ko ito?" Tanong ni Lassy kina Sandy at Lorie. "Bakit ito ang may suot ng gown?" Tawang tawang sabi ni Lassy.
Kumuha ng isang baso ng beer si JM at hinigop ito na tila ba'y uhaw ito sa alak. Naalis na rin sakanya ang atensyon ng mga tao. Nakita niya na habang lumalalim ang gabi, ay lalo din dumarami ang mga taong lasing. May mga babae din ang nag umpisa nang isuka ang mga alak. Tuloy pa rin ang saya sa party. Lalong lumalakas ang tugtog ng musika. Hindi pa rin umaalis si JM sa kanyang upuan sa gilid ng pool. Hindi rin niya namamalayan na nakaamj na din s'ya.
Sa gulat niya ang bigla siyang napasigaw, "Oh my ganda!" Wala naman pumansin sakanya. Nakita niya kasi si Benny na papunta sakanya.
"Happy birthday, Las." Bati nito kay Lassy at niyakap. Bigla itong napatingin kay JM at nagtataka siguro ito sa suot niya.
Nakasuot si Benny ng pantalon at puting shirt na bakat na bakat ang magandang pangangatawan nito. Hindi rin siya nakasuot ng pang swimming attire.
"Really... this is a pool party." Ang sabi ni Lassy.
"Iinom nalang ako, ayokong mag swimming." Tugon nito.
"Okay..okay... grab a beer." Sabi ng lasing na si Lassy at umalis.
Kaibigan pala ni Lassy si Benny.
Umupo si Benny sa harapan ni JM.
"Hi, Jose Marie." Bati ni Benny.
Napakunot sa noo si JM nang marinig ang kanyang pangalan. Ngumiti naman ito. Pinagmamasdan niya ang nakakabighaning mukha ni Benny. Nakakaramdam na siya ng konting hilo pero patuloy pa din siya sa pag inom. Kumuha si Benny ng beer at nag umpisa nang uminom. Pinagmamasdan lang nilang dalawa ang mga taong naliligo. Halata sa mga bisita ni Lassy ang enjoyment, maliban sa dalawa na nakaupo lang habang tahimik na pinagmamasdan ang lahat.
"Cheers." Humarap si Benny kay JM.
*
BINABASA MO ANG
JM AND BENNY
RandomSi JM ay isang masipag at mapagmahal na anak ng amang may sakit, siya ay bigo na masungkit ang prestihiyosong kompetisyon sa larangan ng kolorete, nang makilala niya ang isang modelong si Benny ay biglang nag iba ang ikot ng karera niya. Paano magig...