BENZ MODELS

12 7 9
                                    

"how's your first day of your job?" Tanong ni Lassy habang papasok kami ni Anne sa office.

Pagod na pagod si JM habang dala dala ang mga ring lights at make up habang nagmamaganda namang pumasok si Anne. As ussual, Anne is a the kind of girl na, mitikolosa, professinal at syempre, inis na inis kay JM.

"What do you mean, Boss Lassy?" Tanong ni Anne habang paupo siya. "Do you mean JM would be my PA forever? as in forever!"

"Yes, i think he has a good heart and one more thing, kwela siya. right?" Pagpupuri ni Lassy kay JM.

Tuwang tuwa naman si JM dahil may trabaho na siya na magtutustos sakanila ng papa niya. And besides, JM loves his job, aside sa industriya ito na gusto niya, nakakakilala din siya ng mga artista.

"I think so." sarkastikong tugon ni Anne. "Anyways, i need to go home... i have a party to attend on... bye Boss... bye JM." sabay irap kay JM.

Hindi naman sa ayaw ni Anne kay JM, simula't sapul kasi hindi satisfied si JM sa mga gawa ni Anne kaya ganun na lamang ang inis nito kay JM. Mabait naman talaga kasi si Anne.

Lumabas na ng office si Anne, at dali daling umalis sakay ng kanyang kotse.

"here, sit down... i'm going to discuss your job." Umupo si JM sa harapan ng table ni Lassy at kumuha ng papel.

"Boss, sure ka na ba talaga na ako ang magiging PA ni Anne?" Pagtataka ni JM. "As in forever?" Ginaya pa ni JM kung paano magsalita si Anne.

"Yes... here in my Team... we do have seven professional make up artists including me and Anne and each has a personal assistant.. we are catering all the famous celebs and models including Kris Atimo and Heart Evans... so technically, we are the famous Team here in the Philippines."

"Right..." Tumango si JM.

"I'm not yet done... hindi lang basta basta ang binabayad ng mga managers, celebs and photography management sa'min, we have lots of connections sa showbiz industries kaya to set your expectations, we are working 7 days a week... madalang ka lang magkaroon ng off day..."

Biglang napanganga si JM sa sinabi ni Lassy, naisip kaagad niya ang pagpapahospital sa kanyang ama. Kahit papaano ay malaking tulong para sakanilang mag ama ang trabahong binigay sakanya ni Lassy.

"here's your salary for the day..." iniabot ni Lassy ang limang libo na ikinagulat naman ni JM.

"Sahod ko lahat ng 'to?" Pagtataka niya.

"Yes, you know what...we just sponsored the make up earlier, walang bayad yun dahil promotion 'yon for us." Sabi ni Lassy.

"Sponsor lang? ba't tatlong libo ang sahod ko?" Pagtataka pa rin niya.

"Bakla, kung ayaw mo 'wag ka nalang sumahod... that's just half of your ussual salary dahil sponsor nga lang... anyways, i have to go... i have date pa."

Nagtataka pa rin si JM, kung tatlong libo ang sahod niya ngayon dahil sponsor lang, six thousand ang sahod niya every make up gig nila. Nagulantang si JM sa nalaman niya. Hindi siya makapaniwala.

Tumayo na si Lassy, at nagpaalam na sakanya. Umalis na din siya dahil pagabi na rin. Masaya siyang nakauwi sakanila at masaya din niyang ibinalita ito sa ama. Hindi lubos maisip ni JM ang mga nangyayari ngayon. Buo ang pasasalamat niya kay Lassy dahil binigyan siya ng pagkakataon na makapagtrabaho.

Dali dali siyang pumunta sa tindahan ni Aling Amy.

"Kamusta ang jowaers mo?" Tanong kaagad nito.

"hindi man siya bumili sa tindahan ngayon, nakita ko siya sa kabilang tindahan siya bumili ng toyo kanina."Malungkot na balita ni Aling Amy kay JM.

"Alam mo aling amy, kulang ka kasi sa foundation kaya hindi bumili ngayon." Pamimilosopo naman ni JM, at tumango naman ang tindera.

"Malungkot pa rin ako..."

"Hindi bale na, may magandang balita ako sa'yo aling amy." Galak na galak na sabi ni JM. "Magbabayad na ako sa'yo."

Nanlaki ang mata ni Aling amy sa sinabi ni JM. Pagkatapos kasi ng tatlong buwan ay nakabayad na ito sakanya.

"At saan mo naman galing ang pera mo?" Pagtataka niya habang kinuha ang inaabot na isang libong piso ni JM. "Pusher ka ba?" Nakatawang sabi ni Aling Amy.

"May trabaho na kasi ako." Masayang sabi nito.

"Tama 'yan, ipagpatuloy mo na ang trabaho mong iyan para mapagamot mo na ang papa mo."

Pagkatapos magbayad ni JM kay aling Amy ay umuwi na ito para maghanda ng makakain. Masaya silang naghapunan.

Kinabukasan ay napasarap ang tulog ni JM nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Anne.

"Hello, sino 'to?" Inaantok na tanong ni JM habang nakahiga at nakapikit ang mata.

"HOY BAKULAW, MAY GIG TAYO!" Sigaw ng babae sa kabilang linya.

Bigla namang napaupo si JM sa gulat.

"Ms. Anne?" Tanong nito.

"Sino pa?! PAKIBILISAN NA LANG AT NAGHIHINTAY AKO SA OFFICE! HINDI MO BA ALAM MGA SCHEDULES NATEN?" Inis na tanong ni Anne. "Anyways, bilisan mo!" ibinaba ni Anne ang linya.

Dali dali namang naligo at nagbihis si JM. Masaya itong nagpaalam sa ama dahil alam niyang may iuuuwi na naman itong pera mamayang gabi. Bakas ang mga ngiti sa labi ni JM habang papunta ito sa opisina.

Pansin ang inis kay Anne nang makarating na sa office si JM.

"I don't need a PA na tatamad tamad!" Sigaw ni Anne habang papasok si JM. "We don't have enough time para magchismisan, get our things, iligay mo na sa sasakyan at nagmamadali tayo.... and please, Jessica... give JM a copy of our schedules, okay."

Ibinigay naman ni Jessica ang schedules nila na ikinagulat naman ni JM dahil sobrang hectic nito. Ni wala man silang pahinga sa linggong ito na pabor naman kay JM dahil makakaipon siya ng sapat na pera para sa pagpapagamot ng kanyang ama.

Pagkatapos ilagay ni JM ang mga gamit sa kotse ay dali dali naman silang umalis, sa likuran umupo si JM, habang tahimik namang nagmamaneho si Anne.

"Tomorrow, i don't need to call you ah. Know your schedules and be prepared anytime."

Nagulat si JM kay Anne dahil ito ang unang besis na naging kalmado at seryoso si Anne.

Nararamdaman ni JM na natural na mabait si Anne. They can get along together. Ngumiti naman si JM at tumango.

"by the way, our client today is Benz, mga models ang me make up-an ko... marami rami sila kaya i need you to help me out para ma make up-an sila on time dahil late tayo."

"Wait, seryoso ka ba na hahawak ako ng brush?" Pagtataka ni JM.

"Yes, my god JM... h'wag paulit ulit." Irita na sabi ni Anne. 

Tuwang tuwa si JM sa saloobin nito, sa pagkakataong ito, hahawak ito ng make up na gustong gusto niyang ginagawa. Maipapakita niya ang kaya niyang gawin.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating sila sa isang studio kung saan nakita nila ang mga models ng Benz, makikisig na lalaki, at magagandang babae... hindi lang sila basta basta mga models kung hindi mga sikat na modelo sa bansa.

Ibinaba ni JM ang mga gamit habang si Anne ay papasok naman sa studio.

"Hi, sino po sila?" Tanong ng babaeng may nakasabit na ID at may hawak na papel.

"PA po ni Ms. Anne." Tugon nito.

"Name please."

"Jose Marie Viceral."

"Hi, I'm sorry Mr. Viceral... it's says here that your one of the make up artists po, you can just leave your things po... kami na bahala sa mga gamit niyo po."

Nagtataka si JM sa sinabi ng babae, inilista kasi ni Anne si JM as one of the Make Up Artists. Tinulungan naman siya ng mga staff na ipasok lahat nv gamit nila, and as ussual maraming cameras na naman sa loob.

"Here's your drinks po, Sir... kindly wait nalang po, Models are getting ready."

Feel na feel ni JM ang maging isang make up artist.

"Ang feeling mo." Kutya ni Anne sakanya habang nagtawanan silang dalawa.

*

JM AND BENNY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon