COMFORT ROOM

12 6 9
                                    

"Thank me." Sabi ni Anne habang himihigop ng paborito niyang milk tea.

Ipinakilala kasi niya si JM sa buong team at staff ng Benz as one of the make up artist na gustong gusto naman ni JM dahil nag iba ang treatment sakanya, ABA! ang bakla, daig pa ang project manager kung makautos sa mga staff. Hindi rin siya mapakali sa kanyang upuan at kinakausap lahat ng taong kasama sa shoot.

Nanlaki din ang mga mata niya nang makita niya ang mga models, Topless kasi sila and one more thing, they are only wearing undies. Ito kasi ang mga product ng Benz, undies and panties. Tuwang tuwa ang bakla at busog na busog ang kanyang mga mata sa mga nakikita.

"Thank you, Anne.... i like the view... para akong nagbakasyon sa mabundok na lugar." Sabay tawa nito.

"Ew, can you be more professional?" Maarteng sabi ni Anne.

"Ah basta, sisiguraduhin kong magiging memorable ang araw na ito..." Tumayo ito at naglibot sa loob.

Pinuntahan niya ang isang model na may suot na pulang brief, kinausap din niya ito. Maganda ang pangangatawan nito at nakakabighani ang kanyang mga mata.

"I liked that." Tinuro niya ang ibabang  parte ng modelo.

"This?" Pagtataka ng modelo na may halong tuwa.

"Yes, yung brief ah." Sabay tawa ng malakas ni JM.

Nagtawanan din ang mga lalaking nag aayos ng mga cameras.

"Bagay mo ang red." Dagdag pa nito.

"Thanks, i'm Aldane." Nakipag-kamayan ang modelo kay JM, ayaw ng bitawan ni JM ang kamay ng modelo.

"I'm JM." Sabay kindat nito sa modelo na para bang may pagnanasa, tuwang tuwa ang mga modelong kasama ni Aldane.

"JOSE MARIE!" Sigaw ni Anne.

"Is that your name? Cool." Biro ng modelong suot ang Forest Themed Underwear.

Nanlaki ang mga mata ni JM sa narinig niya kay Anne. Halatang iritado dahil ayaw na ayaw niyang tinatawag siya sa pangalan na iyon. Narinig ng lahat ang pangalan niya kaya dumagundong sa tawa ang buong studio. Lumapit naman ito kaagad kay Anne.

"Panira ka naman." Sabya sabi nito kay Anne.

"This is not the time to play around, we have something to work on... get ready." Seryosong sabi ni Anne.

"Sige, saan ba ang cr dito?" Tanong ni JM at sabga turo naman ni Anne sa dulong parte ng Studio. "Pee lang ako , mabilis lang 'to promise."

Naglakad si JM papunta roon at dali daling pumasok ng CR dahil nakabukas naman ito, ang hindi niya kasi alam ay wala namang cubicles ang cr, at may kasalukuyang gumagamit nito.

"OH MY GANDA!" Sigaw nito sa loob ng CR nang makita ang isang kilalang lalaki, mula ulo hanggang paa ay inilibot niya ang kanyang mga mata, kilalang kilala niya ito.

Nagulat ang lalaki at tinakpan ang ibabang parte nito gamit ang twalyang hawak niya. Kita sa mukha nito ang gulat dahilan para sumigaw din ito.

"Anak ng.....pu.....ting tupa!" Sigaw niya.

Aakmang lalabas na sana si JM nang magsalita ang lalaki, pumikit siya para hindi niya sana makita ang lalaki at nag iisip na sana'y hindi niya siya makilala. Kabado si JM.

"Sinisilipan mo ba ako?" Maangas na tanong ng lalaki.

"No... mag-c-cr sana ako..." Tinuro niya ang pinto sa likuran nito. "Nakabukas kasi ang pinto." Pagpapaliwanag nito.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" Patuloy na pag aangas ng lalaki.

"Hindi niya sana ako makilala." Sa isip ni JM. Kabadong kabado ito.

JM AND BENNY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon