Lalo pang lulalim ang gabi at patuloy pa rin sa pag inom si JM at Benny, minabuti nang umalis ng mga kasamahan ni Lassy at Anne dahil lasing na rin ang mga ito. Iilan na lamang sila doon.
Nawala na rin ang mga taong kanina pa naliligo sa pool, sa sobrang pagod at kalasingan ng mga ito ay ilan sakanila ay nakahiga na lamang sa gilid ng pool.
Masayang nagtatawanan ang dalawa nang lapitan sila ni Lassy.
"Benny, Mauuna na ako sainyo...." At biglang nagsuka si Lassy. Inalalayan naman ito kaagad ni Benny.
"Hatid na kita... may kotse akong dala." Alok ni Benny sakanya.
Matagal nang matalik na magkaibigan ang dalawa, Kolehiyo pa lamang sila ay magkasama na sila sa kalokohan, kaya walang problema si Benny sa mga katulad nila.
"No... it's okay... may susundo sa akin."
Pagewang gewang na naglakad si Lassy papalayo sakanila.
"Alam mo, sobrang bait ni Lassy." Sabi ni JM at uminom ng isang basong beer.
"Sinabi mo pa... we're friends ever since... at never kami nag away n'yan." Tugon naman ni Benny sakanya.
"hindi ka ba na inlove sakanya?" Lasing na tanong ni JM sakanya. Hindi naman ito nagulat sa tanong dahil marami na ding nagtanong sakanya ng ganoon.
"No... magkaibigan lang talaga kami." Matapang naman na sagot ni Benny at uminom din ng alak.
"Kung hindi mo kaibigan pero katulad namin... may chance ba na magkagusto ka sakanya?"
ABA! Lasing na nga itong si JM dahil hindi na niya alam ang pinagsasabi niya.
"Meron... siguro...."
Biglang pumasok sa isip ni JM ang babaeng nakatalikod sa dalampasigan sa instagram account nito, bigla siya g napainom ng alak.
"May girlfriend ka pala... ganda ng katawan n'ya... katawan lang din kasi ang nakita ko sa ig mo e."
Nagtataka si Benny.
"Ah.... hindi ko yun jowa.... hindi na..." Kinuha niya ang kanyang phone at dali daling tiningnan ang litrato. "Nakalimutan ko nga palang burahin yon." Sabi nito.
Pinagmamasdan lang siya ni JM mula sa kinauupuan nito. Para kasing hindi siya nalalasing, Si JM ay nakakaramdam na ng hilo at paunti unti nalang ang iniinom niya dahil ayaw niyang sukahan ang gown na rinenta lang niya.
Hindi na rin tinanong ni JM kung bakit hindi na niya girlfriend ang babae, bigla kasig nag iba ang aura ni Benny. Tumahimik at bigla nalang napalakas ang inom ng alak.
"Sorry." Panghihingi ng tawad ni JM.
"I know... mahal na mahal ko 'yun." Tugon nito.
Nabigla si JM dahil sa unang pagkakataon ay nakita niyang seryoso si Benny, sa dalawang beses kasi na kita niya ito ay mayabang at masungit ito pero sa pagkakataong ito, sa isip niya, si Benny na nga ang kausap niya. Kung sino talaga si Benny. Si Benny na mabait na kinukwento ng lahat. Tama, lagi kasing pinagtatanong no JM sa kasamahan nito sa Benz.
Tumango lang si JM sa sinabi niya dahil wala naman itong maisagot.
"Ang sakit pala pag nagmahal ka ng sobra."
Hindi naman makasagot si JM dahil wala pa itong naging jowa, maliban sa paghanga niya sa team captain ng basketball team sa department nila sa kolehiyo.
Uminom na naman ito ng alak, "Yung puntong binigay mo na lahat, you gave the love she deserves, the purest love that i can give... pero hindi pala naging sapat... hindi ako sapat." Naging emosyonal si Benny dahilan para yakapin ito ni JM. Hindi rin naman nagpumiglas si Benny kaya sa tingin ni JM ay magkaibigan na sila.
BINABASA MO ANG
JM AND BENNY
RandomSi JM ay isang masipag at mapagmahal na anak ng amang may sakit, siya ay bigo na masungkit ang prestihiyosong kompetisyon sa larangan ng kolorete, nang makilala niya ang isang modelong si Benny ay biglang nag iba ang ikot ng karera niya. Paano magig...