MAGIC

14 6 9
                                    

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, hindi na nagpaalam si JM kay Benny, kusa nalang niyang iniwan ang tulog mantikang lalaki. Dadali niyang sinuot ang pulang gown at nag taxi. Nagpapaslamat ito dahil kahit papaano ay natuyo ang gown. Hindi na rin siya nakapag ayos sa sarili, kaya nagtataka ang driver ng taxi bakit ganon ang itsura niya.

"Mam... okay ka lang?" Pagtataka ng driver.

"HINDE... BASTA IUWI MO NA AKO." Sigaw nito sa driver habang nakatingin papalayo sa private pool.

Kinagabihan, biglang tumawag si Lassy sakanya at nag aya ng kumain sa labas, libre daw nito. Nagtungo naman si JM kaagad sa restaurant na sinabi niya, pagpasok niya palang dito nakita na niya kaagad si Lassy at si Anne, nag order na rin pala sila. Umupo ito sa upuan na nakahanda para sakanya, mamahalin ang restaurant at iilan lamang ang mga kumakain dito.

Nakangiti lamang si Anne sakanya habang pinagmamasdan ito. Hindi naman mawala ang tingin ni Lassy sa phone nito na tila ba'y may pinagmamasdan siyang titrato.

"May chikinini ka!" Biglang sabi ni Anne habang tinuturo ang leeg nito.

Kaagad namang kumuha ng salamin si JM at tinignan ito, ni wala man bakas ng kagat ang naroon.

"It's a prank." Sabay tawa nito ng malakas.

"JM, may kaylangan kang ipagtapat." Seryosong sabi ni Lassy.

Patuloy lang ang pagtingin nito sa mata ni JM dahilan para kabahan ito, nakangiti namang parang nang aasar si Anne. Sa isip ni JM ay galit galit si Lassy dahil nalaman niya ang nangyari kagabi, kahit na wala naman talagang nangyari sakanila, though hindi naman talaga niya alam dahil nga lasing na lasing na siya. Nagtataka ito. At baka si Benny ang nagsabi kay Lassy, sa isip nito.

"Ahh... nalasing ako.. yun lang." Sabi ni JM habang tinikman ang appetizer nila. "Ang sarap nito." habang nginunguya ang pagkain.

"Yan lang ba ang masarap?" Tanong ni Anne habang kumain na din ito.

Nagtataka si JM kung ano ang ibig sabihin nila pero alam na alam niya na tungkol ito kay Benny.

"Wala akong alam sa sinasabi ninyo." Pagpapaliwanag niya.

"What's the meaning of this?"

Nakita ni JM ang pagbabago sa mukha ni Lassy, seryosong seryoso ito. Sa isip niya ay hindi sila magkaibigan, mag jowa silang dalawa kaya ganoon na lamang kung mag react si Lassy.

Ipinakita niya ang litrato na magkayakap silang dalawa ni Benny habang tulog ang dalawa, wala din silang damit dalawa kaya ang akala ni Anne at Lassy ay may nangyari sakanila, kahit wala naman talaga.

Nanlaki ang mata ni JM, "Masarap... i mean yung appetizer..." Balisang sabi niya.

"Walang nangyari sa amin, promise... nalasing kami at paggising ko magkatabi na kami." Pagpapaliwanag niya.

"Ano yun, Magic?" Sabi ni Anne.

Hindi na alam ang sasabihin ni JM dahil kahit anong pagpapaliwanag nito ay hindi na niya mababago ang reaksyon ng dalawa at kung may galit man sakanya si Lassy. Hindi din niya alam kung ano ang buong nangyari kaya hindi niya mapaliwanag ito ng buo sakanila.

"Sorry... boss Las..."

"Bakla ka! Malaki ba?" Hinawakan ni Lassy ang kamay ni JM. "Bakla, ilang taon na kaming magkaibigan pero hindi pa kami nagtabi sa kama... nakakainis ka!" Dagdag pa nito.

"Hindi ka galit?" Pagtatakang tanong ni JM.

"Ba't ako magagalit? HINDI AKO GALIT, INGGIT AKO SA'YO."

"Kwento mo naman... paano nagstart." Hirit ni Anne.

"Oo nga... ikaw talaga ang reyna kagabi... dapat pala ako nalang nag suot ng pulang gown."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JM AND BENNY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon