"Benny!" Umiiyak na tumatakbo si Jacky.
Humihingal at pagod na pagod na huminto sa dalampasigan. Ang hampas ng dagat at alon ay umaayon sa lungkot na nadarama ni Benny. Nakayuko itong pilit na pinipigilan ang luha na bumagsak. Malamig ang hangin at malungkot ang gabi.
"W-hy?" Humarap si Benny kay Jacky, niyakap ni Jacky ang umiiyak na si Benny.
Hindi kaagad makasagot si Jacky sapagka't hindi niya alam ang ginagawa niya sa sobrang lasing. Ramdam niya ang hilo sa sobrang kalasingan. Pilit niyang niyayakap ang kawawang Benny ngunit nagpupumiglas siya.
"I didn't mean... i don't know what happened." Pagpapaliwanag ni Jacky.
Napaluhod ang babae nungit pinili ni Benny na itayo siya. Magulo, magulo ang sitwasyon para kay Benny. Hindi niya alam kung ano ang nakita niya. Kaylangan niya ng paliwanag, paliwanag na magbibigay liwanag sa pangyayari.
"What did i see?" Pinipilit ni Benny na magpakatatag.
Patuloy lang ang pag iyak ni Jacky. Kahit siya ay naguguluhan. Tumalikod si Benny upang hindi makita ni Jacky ang kanyang paghagulgol. Ramdam ang labis na pagmamahal niya kay Jacky.
"You know... you know how much i love you.. how i fought for you... but was that enough?" Matapang na sabi ni Benny.
"I loved you and i will always love you." Hinawakan ni Jacky ang mukha ni Benny, Nagkatitigan sila. Kita sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Nag-umpisang bumuhos ang ulan. Basang basa silang dalawa dulot ng malakas na ulan. Kulog at kidlat ay di nila alintana. Nakatayo pa rin silang dalawa sa dalampasigan at nag iiyakan.
"you don't love me... i felt it before but i chose to love you more... but now... everything changed."
Hindi na sila magkarinigan sa lakas ng ulan, minabuti ni Benny na umalis na lamang sa lugar na iyon habang si Jacky ay nagmamakaawa. Lumuhod ito. Pero pinili ni Benny na lumayo.
Pumasok si Benny sa kanilang kwarto sa resort, umiiyak at nagiisip ng kung ano ano. Lungkot at pighati ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Umupo ito sa kama at humagulgol, pilit niyang inaalis sa kanyang isip ang mga nakita nakita ngunit malinaw, malinaw ang nakitang naghahalikan silang dalawa ng kaibigan niya. Tama, kaibigan pa niya mismo ang kahalikan ni Jacky na lalong nagpabigat ng damdamin niya.
Mabilis na katok ang narinig niya mula sa kanilang kwarto, at dali dali niya itong binuksan, nakita niyang nakatayo doon si Niko buhat buhat ang walang malay na si Jacky. Dali dali nila itong inilagay sa kama kahit ito'y basang basa. Pinalitan ni Benny ang damit ni Jacky upang ito'y di lamigin. Sa sobrang kalasingan nito, ay nagsuka sa kama si Jacky.
"Ako na." Tipid na sabi ni Benny nang makita niya si Niko na lumalapit upang linisin ang kalat ni Jacky.
"Lumabas ka na, Niko." Seryosong sabi ni Benny.
"Benny, patawarin mo ako... lasing lang ako... si jacky, lasing din siya." Pagpapaliwanag nu Niko.
"Lasing ka rin ba nung nasa hotel tayong tatlo? Lasing din ba kayo sa kotye nung dapat na aalis kaming dalawa ni Jacky pero pinili niyang samahan ka?" Matapang na sabi ni Benny na ikinagulat ni Niko.
Hindi na nakapag salita si Niko, natameme at hindi makagalaw. Mula nang kolehiyo sila ay magkaibigan na ang dalawa kaya ganoon na lamang kasakit kay Benny ang mga nangyari. Malaki ang tiwala nito kay Niko kaya hindi niya kayang magalit sa kanya, pero sa puntong ito, nawala na ang tiwala at hindi na kaibigan ang turing nito sakanya.
"Niko, paano niyo nagawang lokohin ako?" Tanong ni Benny sakanya. "Anong nagawa ko sayo at bakit kaylangan gaguhin niyo ako ng ganito? Alam mo na mahal na mahal ko si Jacky... alam mo na siya ang buhay ko... pero bakit? Paano? Kaylan kita ginago?"
Napamura nalang sa sobrang galit si Benny, gusto niyang suntukin si Niko pero minabuti niyang kontrolin ang emosyon. Galit na galit siya sa dalawa.
Sinira niya ang bracelet na suot nila na nagsisimbulo sa pagkakaibigan ng dalawa, "PUTANGINANG PAGKAKAIBIGAN!" Itinapon niya ito sa mukha ni Niko.
Napakabigat ng emosyon sa kwarto, hindi na napigilan ni Niko na umiyak at tumalikod, aakmang lalabas na siya ng kwarto nang magsalita muli si Benny.
"Niko..."
Napatigil sa paglalakad si Niko.
"H'wag ka nang magpakita sa akin... hindi na kita kaibigan."
Bumuhos ang luha ng dalawa habang sila'y naghihiwalay. Minabuti ni Niko na hindi makita ni Benny kung gaano siya nagsisisi. Wala na itong magawa kung hindi tanggapin ang pagmakamali ng dalawa. Aminado si Niko na siya lahat ang may kasalanan nito dahil sa panghihimasok nito sa relasyon ng dalawa, hindi man lang niya naisip ang pagkakaibigang meron sila ni Benny.
Kinaumagahan, nagising si Jacky na nag iisa sa kwarto, Maaliwalas ang umaga at naririnig nito ang hampas ng dagat. Ramdam nito ang sakit ng ulo dulot ng kalasingan niya kagabi. Bigla niyang naisip ang nangyari kaya minabuti niyang tumayo upang tingnan kung nasaan si Benny.
Pagkaupo nito ay nakita niya ang isang puting papel sa lamesa kung saan nandoon ang pagkain na sa tingin ni Jacky ay hinanda ni Benny.
Binasa niya ito at unti unting bumuhos ang kanyang luha habang binabasa ang sulat.
"...Paalam, Jacky." Lalong bumuhos ang kanyang luha ng basahin niya ang dalawang huling salita na sinabi nito sakanya.
Tama, tama na nga siguro. Iyon ang mga naiisip ni Jacky sa sitwasyong ito. Kasalanan nila, hindi niya pinahalagahan ang pinagsamahan nilang dalawa.
Kinuha nito ang kanyang telepono upang sana'y tawagan si Benny, sarado at hindi man lang ito tumunog. Tinignan din niya ito kung matatawagan niya gamit ang internet ngunit ganoon din ang nangyari, hindi niya matawagan si Benny. Hindi din niya mapuntahan ang profile nito sa facebook.
"You blocked me?" Bulong nito sa sarili.
Lumabas ito upang tignan kung nasa labas lamang si Benny ngunit kinausap ito ng isa sa mga receptionist ng resort.
"Hi mam, dali dali pong umalis kanina si Sir."
Napatingin sa malayo si Jacky.
"Maluha luha nga po siya e."
Lalong napaluha si Jacky sa sinabi nito, nakaramdam ng lungkot at pag aalala si Jacky para kay Benny.
Muling nagbalik sa kanyang isip ang mga salitang sinabi nito sa papel.
Paalam, Jacky.
Iyon na nga siguro ang huling beses na makikita niya si Benny, iyon na nga siguro ang huling beses na mayayakap niya ang taong pinakamamahal niya. Ramdam nito ang galit sa sarili at bakit nagawa nilang lokohin siya. Galit na galit siya sa sarili niya, kay Niko. Ginago nila ang isnag Benny na kaylanman ay hindu nagpakita ng kahit ano mang kabastusan sakanilang dalawa.
Si Benny ang taong nakapabait, mapagmahal at mapang intindi. Sinayang niya si Benny, nanghinayang siya sa limang taong relasyon na meron sila na nauwi din sa wala sa panloloko nila ni Niko.
Nag impake si Jacky, at nagbook ng flight pauwi. Nagbakasyon silang tatlo bilang pag alala sa anim na taon nilang pagkakaibigan ngunit umuwi din siya mag isa na may dalang galit sa sarili. Wala na, wala na.
Inisip nalang ni Jacky na kaylangan na niya g mamuhay mag isa, malayo sa dalawa. at kung may pagkakataon mang magkrus muli ang kanilang landas, gagawin at gagawin lahat ni Jacky upang hindi na pakawalan ang taong nagmahal sakanya ng sobra. Ipaparamdam niya rito kung gaano niya kamahal si Benny.
*
BINABASA MO ANG
JM AND BENNY
RandomSi JM ay isang masipag at mapagmahal na anak ng amang may sakit, siya ay bigo na masungkit ang prestihiyosong kompetisyon sa larangan ng kolorete, nang makilala niya ang isang modelong si Benny ay biglang nag iba ang ikot ng karera niya. Paano magig...