Kinabukasan...
Sa loob ng halos isang oras na pag-iisip about sa Montecillo na yan, napag-isip isip ko rin na wala ng kwenta kung dadagdag pa ng isang oras.
Tangina. Bakit ba inaaksaya ko ang oras ko sa pag-iisip kung sino ba talaga sya?
Masyado lang siguro ako naeexcite dahil bago syang transferee. Pero bakit may iba namang nagtataransfer sa amin pero hindi ko naman masyadong pinagtutuunan ng pansin.
Parang pamilyar kasi. The way his emotions turned cold and how deep those eyes are.
But I remember that one kid I used to play with. I think wala pang Miks noon.
He is like Matthew. A cold and no emotion type of kid.
Kung tutuusin, sa isang bata hindi ito normal. Parang may nagtrain sa kanya na maging ganoon kahit bata palang. Hindi pwedeng magpakita ng emosyon.
Pero sa 'kin na sa tuwing maglalaro at magkikita kami, nababago lahat. Sumasaya siya. Kahit bata pa ako, alam ko na kahit sa paglalaro namin, parang nakakalimutan niya na dapat hindi siya nagpapakita ng emosyon na masaya. Dahil para sa kanya, para siguro sa nagtrain sa kanya, ang sumaya ay isa lamang kahinaan.
Baka kaya siguro masyado akong napapaisip sa Montecillo na iyon ay dahil nakikita ko sa kanya ang ugali ng dati kong nakakalaro.
Kaso bata pa ako noon. Ang tagal tagal na kaya noon! Pero tandang tanda ko pa rin.
Ano na kayang nangyari sa kanya?
Ni hindi man lang nagpaalam sa akin noon, alam ko na aalis na sya at babalik ng Italy dahil doon naman talaga sila nakatira pero sa halos isang taon din naming pagsasama at paglalaro, diba dapat kahit papaano nagpaalam sya o dinalaw niya ako sa ospital?Isang ala-ala na gusto ko ng kalimutan.
Pero paano ko nga ba makakalimutan kung isa rin sa mga ala-ala na yon ang gusto ko ikeep."Te, musta? buhay ka pa? kanina pa pabago bago expresyon ng mukha mo dyan. Tapos mo na ba activity mo?"
Paano ako makakatapos kung puro Montecillo naiisip ko, naisama pa yung bata noon na nakalaro.
Nagkanda gulo-gulo na! Hindi siya yon, She! pangalan palang, hindi na!!
" Excuse me, I don't have any history book from our class, is it okay with you if I borrow your book?mabilis lang."
Wow. Sa akin mo pa talaga napili magtanong?
Malamang She! ikaw ang katabi niyan!
"Ah, sure"
"Thank you, balik ko rin agad."
In fairness ha, masipag mag-aral. Kaso naalala ko rin, 17 years old pa lang kami, right? So how come nasa business na sya gayong wala pa siya sa legal age? Sabihin na rin nating 18 na sya ngayong taon, pero ang bata niya pa rin para makiupo and maghandle ng business with those men.
Hay bahala na nga, di ko naman kargo buhay niya.
" She, sa akin ka nalang ba ulit sasabay o susunduin ka na ng driver niyo?"
"Bukas nalang ulit ako sabay, Miks. Nagtext kapatid ko, sunduin daw kami ng driver dahil may dinner mamaya sa labas."
"Sige, see you tom! And please wear dress and heels para naman magmukha kang tao."
"I'll try Madam. Mas okay pa rin pants and shirt!"
Alam ko naman yon. Kahit di ako pinupuna nila Mommy about sa pagsusuot ko ng mga ganon everytime na magdidinner kami sa labas, alam kong napapansin nila.
BINABASA MO ANG
Always You
Teen FictionAfter that accident, Sherah Kin don't know what to do and she knew that her life will be messed up. Nalimutan na niyang mahalin ang sarili dahil sa pagsisisi, galit at lungkot lamang ang unti-unting sumakop sa puso at buong pagkatao niya. Nalimutan...