Unti-unti ng tumatahimik ang paligid at halos ilang minuto na rin ang nakakalipas bago kami kuhanin ng mga lalaking 'to.
Sa sobrang takot ko ay hindi na ako makaimik, ayoko na rin na gumawa pa ng ingay dahil baka kung ano pa ang gawin nila sa 'kin.
Nakahawak pa rin ang kamay ni Matthew sa kamay ko, may pagkakataon na pinipisil niya ito para malaman ko na nandyan lamang siya at sisiguraduhin niya na makakaalis kami dito ng ligtas at makakabalik sa pamilya namin.
Hindi ko alam kung paano niya yon magagawa sa dami ng lalaking dumampot sa amin at pakiramdam ko na mas lalo pang rarami at magsisisulputan kapag nakarating na kami sa paglalagakan nila sa 'min.
Panginoon.
Ngayon lang ako muling tumawag Sa'yo. Ngayon lang ulit ako nagkalakas ng loob para kausapin Ka. 'Huwag Mo kaming pabayaan ni Matthew. Naniniwala ako na ginagabayan Mo kami. Naniniwala ako na kahit imposible at mahirap, makakatakas kami sa lugar na 'to.Nararamdaman ko ang unti-unting pagtigil ng sinasakyan namin. Kinakabahan nanaman ako.
"Akayin niyo na yang dalawa sa pagbaba, si Boss na ang bahala sa kanila."
Nagtawanan pa muna sila bago kami tuluyang ibaba ng walang habas, halos madapa pa ako dahil hindi naman ako ganoong inalalayan.
Hindi na kami masyadong magkalapit ni Matthew pero tinatawag niya ang pangalan ko para makasigurado na nandito pa ako.
"If something bad happen to her, all of you will pay with all of your life."
"Matt, tama na."
Hindi nila pinakinggan ang pananakot sa kanila ni Matt. Sino nga ba naman ang matatakot sa isang 18 years old na walang kalaban laban.
"Ilagay niyo muna sa basement yang dalawa, hintayin nalang muna natin si Boss na dumating. Pagkatapos siguro niyang paglaruan ang dalawa na yan, pwede na rin siguro natin kuhanin ang babae."
"MGA WALANGHIYA KAYO! ANG BABABOY NIYO!"
Sa labis na galit at pandidiri sa kanila ay di ko na namalayan na nasambit ko pala ng sobrang lakas ang nasa isip ko.
Bigla na lamang dumapo ang kamay ng isang lalaki sa 'kin. Sinampal niya ako. Sobrang hapdi na halos namanhid na ata ang pisngi kung saan ako sinampal.
"FUCK YOU! DON'T TOUCH HER!"
Napaiyak na naman ako. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang mararanasan ko. Kung sana hindi ako naging curious at hindi ako padalos dalos ng desisyon.
"Wala ka nang magagawa bata, ni hindi mo man lang malapitan ang girlfriend mo, 'wag na wag mo kaming babantaan. Di mo kami kilala"
"I don't fucking care about you. Tandaan mo lahat ng sinasabi mo. Don't you ever forget my name. Matthew Montecillo."
Gaya ng sa ekspresyon nila kanina, namutawi ang nakakakilabot na mga tawa galing sa mga lalaking isang saglit lang, kayang kaya kaming bawian ng buhay.
"Matt, tama na. Please."
"Mark my word, Sherah. I will make them pay."
Hindi pa nagtagal ay naipasok na rin kaming dalawa ni Matthew sa basement at ginapos sa upuan. Halos mapa aray na ako sa sobrang higpit ng pagkakatali sa 'kin. Hindi rin ako halos makagalaw dahil pati ang paa ko, nilagyan rin ng tali.
Tinanggal na ng mga lalaki ang talukbong sa ulo ko, sa una ay medyo nasilaw pa ako sa ilaw pero unti unti na rin namang nag adjust ang mga mata ko.
Una kong hinanap si Matthew. Ganoon din sya, nakagapos ang paa't kamay ngunit may talukbong pa rin na nakalagay sa ulo niya.
Halos limang lalaki ang nakabantay sa amin at may mga hawak na baseball bat at nakasukbit na baril. Anong laban namin sa mga armadong 'to.
BINABASA MO ANG
Always You
Novela JuvenilAfter that accident, Sherah Kin don't know what to do and she knew that her life will be messed up. Nalimutan na niyang mahalin ang sarili dahil sa pagsisisi, galit at lungkot lamang ang unti-unting sumakop sa puso at buong pagkatao niya. Nalimutan...