Nararamdaman ko ang pagtapik sa 'kin at pagtawag ng pangalan ko. Halos hindi ko na maidilat ang mata ko sa halo halong pagkapagod simula pa nung tanghali na hinabol ko si Matthew.
"Thank God! Sobrang nag-alala ako, Sherah. Akala ko mawawala ka na sa amin, akala ko di ka na babalik. Baka napano ka na!may masakit ba sa'yo. Pupunta tayong ospital ngayon na!"
Kahit papaano ay napangiti pa ako sa way ng pagsasalita niya, sobrang bilis na halos hindi ko na maintindihan, alam ko na nag-alala talaga ang kapatid ko sa 'kin.
"Bakit nangingiti ka pa dyan?! Sherah, anong masakit sa'yo? sabihin mo sa 'kin, idadala agad kita sa ospital."
"Ate, ayos lang ako, okay? salamat sa pag-aalala pero hindi naman ako pinabayaan ni Matthew. Kasama ko siya at niligtas niya 'ko."
Niyakap ko nalang si ate dahil ngayon ko nalang ulit naramdaman ang takot ko kanina habang binubugbog si Matthew at sa kawalang pag-asa na makakatakas pa kami.
Unti-unting tumulo ang mga luha ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin yata natatapos.
"Shhh, andito lang si ate. Ligtas ka na okay. Uuwi na tayo, magpahinga ka. Tinawagan ko na rin yung adviser mo na hindi ka na muna papasok, okay? You can rest without thinking about other things."
"Thank you, Ate."
Nga pala, si Miks. Alam kong nagtataka at nag-aalala yon dahil hindi na ako bumalik sa napag-usapan namin na oras.
"Kung inaalala mo si Mika, nagpunta siya sa bahay kanina. Doon namin nalaman na hindi mo na siya sinipot pagkatapos mong magpaalam na bibili ka lang ng pagkain. Nung nalaman ko yon ay agad agad rin akong pumunta sa school niyo and may napagtanungan kami na nakita daw kayong dalawa ni Matthew na magkasama."
Akala siguro nila ay nagcutting kami o may namamagitan sa aming dalawa ni Matthew. Nakumpirma na lamang daw nila ito ng biglang magsend ng emergency call si Matthew sa mga tauhan nila sa bahay. Buti na nga lang daw at nung araw na yon ay napilit nila si Matthew na suutin ang relo na maaaring magsend ng call kung sakali man na may mangyaring masama.
Ikinwento na rin ni Tita Luciana na kinakailangan talaga ni Matthew ng ganoon dahil maraming negosyante at mga ganoong tao ang humahabol sa kanilang kumpanya. Kinakailangan talaga ng doble ingat.
Sikat sa industriya ang kumpanya nila kaya't marami siguro ang nagtatangkang kuhanin o di kaya'y pabagsakin ito.
" Tita, bago po sana kami umalis ng kapatid ko ay pwede po bang masilip ko muna si Matthew?"
"Oo naman iha, akyat ka lang sa second floor, sa may pangatlong pinto, doon ang kwarto ni Matthew"
"Salamat po, Tita"
Nagpaalam lang ako saglit kay ate at sinabi naman nito na hihintayin na lamang ako sa may sala.
Umakyat na rin ako ng hagdan papuntang 2nd Floor. Bago ko marating ang kwarto ay may nakasalubong pa akong maid nila na tila galing rin sa kwarto na yon dala dala ang mga panggamot sa sugat na tinamo ni Matthew.
Kumatok muna ako ng ilang beses, baka mamaya ay tulog na ito o di kaya ay nagbibihis, ayoko rin naman na pumasok agad-agad.
"Come in" Rinig ko ang garalgal at mahinang boses ni Matthew. Pagkabukas ko ng pintuan ay sumilip muna ako sa awang nito at nakita ko agad si Matthew na nakahiga sa kama, may benda ang ilang bahagi ng katawan at may ilang band aid sa mukha.
Malala rin talaga ang tinamo niya sa nangyari kanina.
Pumasok na rin ako ng tuluyan, hindi niya pa nahahalata na ako ang pumasok dahil nakapikit ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Always You
Fiksi RemajaAfter that accident, Sherah Kin don't know what to do and she knew that her life will be messed up. Nalimutan na niyang mahalin ang sarili dahil sa pagsisisi, galit at lungkot lamang ang unti-unting sumakop sa puso at buong pagkatao niya. Nalimutan...