Twenty

3 0 0
                                    

Nabitawan ko ang cellphone ko at bigla na lamang akong napaupo sa harap ni Matthew.

Bigla akong nanlumo, parang biglang nandilim lahat, wala akong marinig. Halos yugyugin na ako ni Matthew para lamang bumalik ang diwa ko.

“ Kin, uwi na tayo. Hinihintay ka na ni Tita.”

Halos sampung minuto rin akong hindi nagsasalita at nakaupo lang. Hindi ko maigalaw ang katawan ko kaya pinilit nalang ni Matthew na itayo ako. Siya nalang rin ang kumuha ng mga gamit ko sa kubo.

Maya maya pa ay nakarating na rin kami sa sasakyan niya at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang irereact ako.
Hindi ko alam kung patuloy ba akong iiyak. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko bang tignan si Mommy.

Ayokong makita siyang ganoon. Hindi ko yata kaya.

“ Kin, look at me, please?”

Unti-unti akong lumingon sa kanya. Para bang yung salita niya ang unti unting napagtulong muli ng luha ko.

“ Shhh, andito lang ako. Sabi ko naman sa’yo na hindi masama ang umiyak. Ilabas mo lang lahat, Kin. Hindi ako aalis sa tabi mo.”

“ She’s gone. She’s gone, Matt.”

“ Isipin mo na lang na hindi na siya maghihirap, Kin. Hindi na siya masasaktan, wala nang sakit. Isipin mo na masaya na sya kung nasaan man sya.”

Kahit isipin ko na masaya na si Mommy, kahit isipin ko na hindi na siya mahihirapan pa, ang hirap hirap pa rin tanggapin na hindi na namin siya makakasama ulit. Hindi ko na siya makikita, hindi na niya makikita ang garden niya. Wala na talaga siya, wala na.

“ Pupunta na tayo doon, ha. Kailangan ka rin ni Tito at ng ate mo. Kailangan ka rin ni Tita.”

Tumango na lamang ako sa kanya at inihiwalay na ang sarili sa pagkakadukdok sa kanyang balikat.

Tinapik niya pa ng makailang beses ang balikat ko at pinunasan ang luha sa mga pisngi ko.

Tinawagan ko ulit si Ate at sinabing pauwi na ako, medyo kumalma na rin ito at sinabing nasa morgue pa raw si Mommy at maghihintay pa ng 8 hours bago maihatid sa bahay.

“ Gusto mo ba munang dumaan kahit sa drive thru lang?”

“ Sige, Matt. Nauuhaw na rin ako dahil siguro sa pag-iyak ko kanina.”
 




Nagdrive thru na lang muna kami, malapit na rin naman kami kaya nagpadaan na rin ako para hindi na ako kakain mamaya at aayusin na lang ang mga dapat ayusin sa bahay.

Napagdesisyunan nila Dad na sa bahay nalang iburol si Mommy at huwag na sa church, gusto nila na sa kahit huling sandali ni Mommy, ramdam namin na nandoon pa rin siya.

At kumpleto kami, kahit sa isip na lamang ng bawat isa.




 
Makalipas ang labing limang minuto ay nakarating na rin kami sa bahay. Pagpasok ay abala ang ibang mga katulong sa paglilinis ng bahay at may iba rin na nagpapalit ng puti at itim na kurtina.

Nakita ako ni Manang at dahan dahan na lumapit sa akin at bigla akong niyakap ng mahigpit.

Pareho kaming nagsimulang umiyak.

“ Tatagan mo ang loob mo, Sherah. Nandito lang kami para sa’yo, sa inyo. Kakayanin natin ito.”

“Salamat po Manang. Salamat rin po sa pag-aasikaso.”

“ Kung hinahanap mo ang Daddy at kapatid mo, hinihintay pa rin nila ang Mommy mo. Mga 9pm, nandito na sila. Magpalit ka na muna ng damit tapos bumaba ka na rin rito ha.”

Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon