Twenty Two

3 0 0
                                    

3 months later…

It’s been months since Mom died. We continue to live like Mom is still there. Kapag kakain kami, naglalagay pa rin kami ng plato sa place niya. Kapag magsisimba, lagi naming inaalala ang mga panahon na kasama namin siya.

Dumaan ang Christmas and New Year na pinilit lang namin maging masaya and mag celebrate. Buti na nga lang at dumating si Matthew at Miks sa mga araw na yon, kahit papaano umingay ang bahay.

Masakit pa rin lalo na kapag naaalala namin na wala na talaga siya, na at the end of the day, alam ko at alam namin na hindi na namin siya kasama at makikita.

But with all of those pain that still lingers in ourselves, there is another side that we are moving on and we are letting Mom go.

Hindi porket magmomove on at bibitawan na namin si Mommy ay kakalimutan na namin ang mga ala-ala at mismong siya. We decided to be happy for her, that finally she is free from the cancer that took her life.

We are letting her go because we are happy for her.


“ She, nandyan na si Matthew sa baba, pinapasok ko na at alam kong nalate ka nang gising.”

“ Salamat po, Manang. Bababa na rin po ako, ayusin ko lang po yung gamit ko.”

Sa amin naman ni Matthew, mas lalo lang kaming naging close sa isa’t-isa. Lagi rin kaming nagkakasama sa school dahil sa nalalapit na festival at isa kami sa magpeperform dito.

Festival is in 2 days, maayos na ang performance namin dahil araw-araw rin kaming nagpapractice, buti nalang at excuse kami lagi kaya hindi nagkakaroon ng problema.

Nagdecide rin ang president namin na magperform kaming dalawa ni Matt, wala naman rin kami nagawa at sumang-ayon nalang.

Gusto ko rin naman na magperform kasama siya.

Bumaba na rin ako at nakita ko siya kaagad sa sofa. Nakaupo lang siya, hawak at tinititigan ang picture frame naming pamilya.

“ Hey, good morning.”

“ Kin, good morning! How’s your sleep?”

Binaba na rin niya ang picture frame na hawak niya kanina at lumapit na rin ako sa sofa at umupo sa tabi niya.

“ Okay naman, mas nakakatulog na ako ng maayos ngayon.”

Nakwento ko sa kanya na nahirapan ako matulog simula nang mawala si Mommy, sa loob nang ilang araw maraming tao dito at maingay, parang mas nakakatulog ako sa ganoon tapos biglang tumahimik nung nailibing na si Mommy, parang nanibago at mas nahirapan na ako matulog. Pero ngayon naman ay umaayos na, dahil na rin siguro tumatawag siya kapag gabi, may mga pagkakataon rin na kinakantahan niya ako.

Katulad nalang kagabi, kaya nakatulog rin ako agad. His voice is so soothing and it makes me comfortable.

“ Did you eat?”

“ Hindi pa nga e, nalate ako nang gising, napasarap nga ata ang tulog ko.”

“ Dahil siguro yan sa pagkanta ko sa'yo kagabi, ikaw ha. Kain ka na muna, I’ll just wait here.”

“Kapal din ng apog mo hano! Ikaw? kumain ka na ba? ang aga mo nagpunta dito sa bahay.”

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at hinila nalang siya bigla sa may kitchen, nakahanda na ang pagkain at nagpadagdag na ako kay Manang ng plato.

Alam ko na hindi siya kumakain nang breakfast, I remembered that her mom said that to me, minsan na nagdinner kami with his family. Alam ko na magsisinungaling lang siya nung tinanong ko kaya hinila ko nalang rin siya bigla.

Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon