Four

7 1 0
                                    

Hirap na hirap pa akong bumangon dahil akala ko 5am palang ng umaga. Yun pala mag 7 am na! Ang mga tao dito, ni hindi man lang ako ginising. Malelate na ako nito!

Mabilisang ligo at pagbibihis nalang talaga ang ginawa ko. Sa room na ako mag-aayos ng mukha dahil sanay rin naman ako na pumapasok ng walang ayos. Natututo lang talaga dahil kay Mika.

Nagchat sya sa akin na hindi niya muna ako masusundo dahil may emergency lang sa bahay. Baka dahil sa pamilya nanaman nila o di kaya ayaw niya na makita ko syang magbebreak down sa harap ko.

Pagbaba ko ng hagdan ay paalis na rin Si Mommy dahil itutuloy nga pala ngayon ang pag-aayos ng mga papeles para sa pag merge ng company nila Daddy at nila Mr. Montecillo.

"Good Morning, Sherah. 7:30 na, hindi ka ba susunduin ng kaibigan mo?"

"Hindi po, Mommy. May kailangan daw po siyang asikasuhin. Aalis na po ba kayo? makikisabay po sana ako. Parehas lang naman po ang ruta na tatahakin natin."

"Sige na, sumakay ka na sa kotse. Kukuhanin ko lang ang bag ko."

Mukhang maayos ang pakiramdam ni Mommy ngayon ah. May mga pagkakataon kasi na hindi mo talaga siya makakausap o di kaya onti lang ang masasabi niya sa'yo dahil ayaw niya mismong maggagalaw. Hindi rin naman kami ganoon kaclose kaya wala ring pag-uusapan.

"Let's go"

Nagsimula ng umandar ang sasakyan at tinahak nanaman ang papuntang eskwelahan. Buti na lamang at hindi pa gaanong traffic, kung hindi ay late nanama  ako nito. Baka maguidance na 'ko!

Napatingin ako kay Mommy dahil busy sya sa pagtingin ng mga kung ano anong papeles na pinakuha niya rin kila Manang kanina.

Kahit na may sakit si Mommy, hindi mo maipagkakaila na maganda pa rin ang kanyang mukha. Medyo may kapayatan na nga lang gaya ng dati, makikita mo pa rin kung gaano niya alagaan ang kanyang katawan. Ang makinis at maputing balat na mayroon siya ay mas lalong nagpapatingkad sa kanyang kagandahan.

Tinanggal ko na rin ang aking mata sa kanya dahil may mga nakikita na akong estudyante na naglalakad at sign na yon na malapit na ang eskwelahan na pinapasukan ko.

"This is your school, right?"

"Yes po, Mommy. Salamat po. Ingat po kayo sa biyahe"

Bago ako bumaba ay hinalikan ko siya sa pisngi at nagthank you pa sya sa 'kin.

Okay, Sherah! Kailangan mong tumakbo, simula sa first floor hanggang third floor dahil alam kong kapag ganitong umaga ay punuan ang mga elevator at mahihirapan ka talagang sumakay. Mas malelate pa kung hihintayin mo pang makasakay ka dito.

Medyo tumigil pa ako ng pagtakbo dahil nararamdaman ko na ang hingal at mga pawis na tumutulo galing sa aking noo.

Ilang takbo pa at sa wakas, nakarating na rin ako. Mukha namang wala pang teacher ngayon dahil naririnig ko pa ang kanilang tawanan at bungisngisan sa room.

Dali dali nalang rin akong pumasok at baka mamaya biglang dumating ang teacher. Kapag ang teacher pwede malate pero pag estudyante, hindi?Napaka unfair talaga ng mundo.

Oo nga pala, yung nangyari kagabi...

Unti-unti nanamang sumisibol ang kahihiyan at inis ko sa lalaking yon.

At sa ilang araw kong pagiging kuryoso sa kanyang buhay, maaga talaga siyang pumapasok dahil mas nauuna pa siya sa amin ni Mika.

Maaamoy mo agad ang pabango niya. Bakit ko nga ba naging seatmate 'to?

Pero bago pa man ako muling mapabaling sa kanya at gapangan ng hiya sa nangyari kagabi, rinig na rinig ko na agad ang boses ni Mika.

"Ano, te? late nanaman tayo? kita mo, pag hindi kita nasusundo mas lalo kang nalelate! buti na lang at may biglaang meeting ang mga teachers ngayon kaya mga 8:30 pa ang kanilang dating"

Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon