Ang bilis lang ng mga araw at walong araw na pala ang nagdaan. Mas marami na ang mga taong nagpupunta at nakikiramay, abala na rin ako sa pagtulong at pag-eentertain ng mga nagsisdatingan lalo na ang mga kamag-anak namin.
At sa loob ng walong araw na yon ay walang palya ang pagpunta ni Matthew. Isa rin siya sa mga patuloy na tumutulong sa pagbibigay ng pagkain sa mga tao.
Si Miks naman ay araw-araw rin pumupunta kaso maaga rin siyang umuuwi dahil na rin sa binigay na oras ng tatay niya, nagpapasalamat nalang ako dahil kahit papaano ay pinapayagan siya at nandito siya na kasa-kasama ko.
I’m thankful for these two people, alam ko na hindi ako palakaibigan kaya sila lang talaga ang naasahan ko ngayon. Dinadamayan nila ako lalo na kapag naaalala ko si Mommy o di kaya ay nakikita ko ang kalagayan ni Daddy na halos ayaw na umalis sa casket kung nasaan si Mommy at si ate naman na halos nagkukulong lang sa kwarto at umiiyak hanggang ngayon.
“ Kin, you all right?” biglang tanong ni Matthew sa akin. Napagdesisyunan namin na magbantay nalang muna kay Mommy dahil pinilit nila si Daddy na kumain kahit kaunti lang.
“ Ah, oo naman. Bakit? May problema ba?”
“ You’re spacing out. Are you sure you’re okay?” alalang tanong pa nito.
“ I’m fine, Matt.” Binigyan ko nalang siya ng ngiti para naman maisip niya na okay lang ako.
Nagkwentuhan nalang rin kami ni Matt para mawala ang antok ng isa’t-isa. 11pm na rin ng gabi kaya napagdesisyunan ni Matthew na pagtungtong ng 12am ay uuwi na rin siya. Nagchat na rin daw kasi ang Mommy niya at nag-aalala rin ito dahil magdadrive pa pauwi.
“ Thank you for being here, Matt.”
“ Wala lang yon, Kin. I want you to feel that there is a person who you can lean on, who you can cry on your shoulder. Sabi ko naman sa’yo na lagi lang akong nandito.”
Nginitian ko siya at alam niyang sobra akong nagpapasalamat sa mga ginawa niya. Hinatid ko na rin siya sa labas hanggang sa may sasakyan niya.
“ Una na ako, balik ako bukas ha. Rest, Kin. Alam mo namang ayaw ni Tita na nagiging ganyan ka dahil sa kanya.”
“ I know. Ingat ka, bagalan mo lang ang pagdadrive, medyo malayo-layo rin ang idadrive mo.”
Tumalikod na ako pero bago pa man ako makahakbang ay tinawag niya ang pangalan ko at niyakap niya ako.
I can feel his warm hands that’s been wrapped around my body, parang yakap na nagsasabing nandito lang siya sa tabi ko.Bumitaw na rin siya at nagpaalam na ulit. Kumaway nalang ako at tinanaw ang kotse hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
Alas dos na rin ng madaling araw pero madami pa rin ang mga tao. Last night na rin kasi ni Mommy kaya sinusulit na namin dahil pagtapos non, wala na. Hindi na namin siya makikita pa.Nakaupo lang ako at nagmamasid masid sa mga taong nagkukwentuhan para mawala rin ang antok nila. Maya-maya ay nakita ko si ate na bumababa sa hagdan, kahit malayo ay kita mo ang itim sa ilalim ng mata niya, mugto rin ito. Pero nang makita niya na nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya.
Alam kong pilit yon, alam kong mahirap para sa kanya ang kahit ngumiti man lang.
“ Kumain ka na ba, ate?”
“ Oo, pinilit ako kumain nila Manang kanina. Ikaw? kanina ka pa ba dito. Si daddy sinilip ko sa kwarto nila Mommy, tulog. Yakap niya pa yung picture nilang dalawa. Si Daddy talaga, halatang love na love si Mommy, no?”
BINABASA MO ANG
Always You
Teen FictionAfter that accident, Sherah Kin don't know what to do and she knew that her life will be messed up. Nalimutan na niyang mahalin ang sarili dahil sa pagsisisi, galit at lungkot lamang ang unti-unting sumakop sa puso at buong pagkatao niya. Nalimutan...