Eleven

6 1 0
                                    

Flashback...

"Uwi na muna ako ha, baka hinahanap na ako nila Mommy."

"Basta mag bababye ka sa 'kin ha."

"Hindi ako magbababye! Magsasabi ako ng see you soon!"

"If you say so, Kin."

"Babalik ako, ----"



Unti-unting nawala ang pagkahilo ko pati na rin ang parang nabibingi ako. Medyo umayos na rin ang paghinga ko. Nandito pa rin pala kami sa hagdan nila Mika at patuloy nila akong pinapaypayan at binibigyan ng tubig.

"Okay ka na ba?Akala ko mahihimatay ka na! Nakahawak ka sa ulo mo, ano bang nangyari?"

"Sumakit bigla ulo ko, Miks. Naaalala mo ba yung nangyari sa akin nung bata ako? Yung pagka aksidente ko noon?"

"Ah oo, yung nabagok ka. Hindi mo pa rin ba matandaan yung parte na yon ng childhood mo?"


Flashback...

"Mommy, I'm home!"

"Anong oras na Sherah, ang bata bata mo pa pero gala ka na."

"Naalala mo po yung kinukwento ko na batang lalaki sa kabilang street? Doon lang po ako nagpunta, uuwi na daw po kasi sila mamayang gabi."

"Ganun ba. Magpalit ka na nga, ang dumi dumi mo na."

"Mommy, pwede po ba na makita ko siya bago siya umalis?"

" Oh siya sige, magbihis ka na at kumain saglit tapos ihahatid ka ng driver natin para hindi ka na maglakad pa."

"Thank you, Mommy!"

Ang natatandaan ko non ay umakyat na ako  ng hagdan para maghugas ng aking katawan. Nagmamadali na rin ako dahil baka kapag nagmabagal ako ay hindi ko na siya makita. Pagkatapos magbihis at magpasuklay ng buhok kay Manang ay naisipan ko na rin na bumaba.

Sa kakamadali ko sa pagbaba ng hagdan ay namali ako ng hakbang at nawalan ng balanse kaya tuloy tuloy ang pagbagsak ko sa hagdan hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Pagdating naman sa ospital pagkatapos akong makita ni Manang dahil sa lakas ng kalabog ay nawalan ako ng malay at mayroon ding dugo sa aking ulo.

Kinwento ni Mommy na pagkatapos matahi ng sugat ko sa aking ulo ay hindi ko na matandaan ang nangyari. May mga pangyayari naman na malabo para sa akin.

Kasama na ang bata na 'yon.

End of flashback..

"Diba ang sabi ng Doctor mo noon ay babalik naman ang memory mo?"

"Oo, Miks. Pero napakatagal na kasi, ang naaalala ko lang, nakakalaro ko ang bata na yon ngunit di ko matandaan ang pangalan niya pati na rin ang mukha niya. Tinanong ko sila Mommy pero dahil busy sila noon at halos hindi naman nila yon nakita, hindi na rin daw nila matandaan pa."

"Eh bakit ka nahilo? Pinilit mo bang makaalala?"

Sa totoo lang, kapag nakikita ko si Matthew ay naalala ko ang bata na 'yon at may mga pagkakataon na sumasakit rin ang ulo ko.

"Pero naalala ni Mommy ang pangalan niya dahil lagi ko siyang binabanggit noon kay Mommy."

"Anong pangalan?"

Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon