Fifteen

15 0 0
                                    

" Magsisimula na tayo na magpractice bukas. Ipagpapaalam ko nalang lahat ng members sa principal dahil alam niya naman na may big event tayong paparating. Kailangan talaga natin magpractice and makabuo ng isang magandang performance. Magchachat nalang ako kung anong oras. Lahat ba ay naka add na sa GC?"

May iba na nagtaas ng kamay upang sabihin na hindi pa sila naiaadd sa GC. Tumayo na rin ako upang kuhanin ang gamit ko sa may table sa gilid at napagdesisyunan na umuwi na dahil mag 7 na rin ng gabi.

"Una na ako ha, ingat kayo pag-uwi!"

"Ingat rin po, Ate Sherah!"

Ngumiti nalang ako kay Marinel, isa ata ito sa mga bagong sumali sa club. Magaling siya kumanta ngunit nahihiya pa kaya hindi pa masyadong malakas ang boses. Malapit kasi ako sa kanya kaya kahit papaano ay naririnig ko ang pagkanta niya.

Lumabas na ako ng room sa Music Club at tinawagan na ang driver namin. Buti na lamang ay may available dahil nagsabay na si Ate at Daddy sa pagpasok kanina sa kumpanya. Si Mommy naman ay minabuting magpahinga na lang muna.

Habang hinihintay ang driver ay nagscroll nalang muna ako sa instagram dahil doon ka mas tumatambay, di rin naman ako mahilig sa Facebook dahil puro parinigan at katoxican lang ang nandoon.

Two weeks ago, Matthew followed me on Instagram and I accepted it, of course.

Hindi naman siya mahilig magpost, yung mga post niya ay kundi naka side view, nakatalikod naman. Mas nagfofocus siya sa background and nature, I think.

Meron siyang story, nag oonline pa rin pala siya sa Instagram, pero hindi man lang ako magawang i dm.

Ano ba talagang problema mo, Matthew Montecillo?

It's him, sitting in a chair. I think. Also, with a glass of wine. He's probably at work.

Busy siya. To the point ba na hindi niya kayang magparamdam sa akin?

It's just that ang hirap mag-isip ng reason on why he didn't even spare his time to talk to me. Galit din ba siya?

Sa totoo lang, nakaramdam ako ng guilt pagkatapos kong sabihin lahat ng yon sa kanya. Galit na galit lang ako non, dahil na rin sa nagsinungaling siya sa akin. All this time, alam niya pala na ako yon. He lied about his real name, he lied to me.

He lied that he didn't even know me.
And I hate it.

Galit ako sa kanya pero heto ako, namimiss pa rin siya kahit papaano.
Bago sa 'kin to.
17 years of my life, I didn't feel this kind of feeling.
Ayoko magtanong, because all they have to say to me is that I'm inlove with him.

I'm not.
Or am I lying to myself about my feelings?

*Beep Beep

"Miss, tara na po."

Andyan na pala yung sundo ko. Di ko na namalayan dahil na rin sa nakakagulong pag-iisip na 'to.

Ay, bahala na! Hindi ko na muna iisipin 'to. Tsaka na. Pag umuwi na siya.

"Miss, mauna na daw po kayo magdinner sabi ng Mommy mo, masama po kasi ang pakiramdam kaya nagpapahinga lang sa kwarto. Ang daddy at ate niyo naman po ay gagabihin din dahil may inaayos pa sa kumpanya at may attendan din daw po na meeting."

"Ah, okay po."

Wala rin naman pala ako makakasama sa pagkain mamaya. Another episode. Yung mag-isa lang ako sa mahabang table, tahimik and syempre nakakalungkot din.

But I got used to it, since I'm the only one that's still studying, there's a time where I'm alone with the maids in our mansion. My Mom, Dad and Ate are not there and instead of going home, they will have to finish their works first.

Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon