Twelve

12 1 0
                                    

I got up early.
Sabi ni Matthew ay maaga daw kaming aalis dahil gusto niya na makita ko yung sunrise.

Ang corny niya!
Pero syempre gusto ko pa rin na makita, sa totoo lang hindi naman ako nagigising ng ganito kaaga.

May time na 7 talaga ang gising ko lalo na kapag papasok sa school kaya hindi ko na rin nakikita ang pagsikat ng araw. Akala ko wala siyang plano para sa pupuntahin or "date" namin ngayong araw pero meron naman pala.

Okay, plus points siguro sa'yo Matthew.

"Hello, nakagayak ka na ba?Bring your jacket, malamig pa ngayon."

"Opo, boss. May dala na po akong jacket. Asan ka na?"

"Bakit?miss mo na ako kaagad?"

"Ang OA mo, syempre tatanungin kita kung nasaan ka na dahil kasama mo 'ko!"

"I'm here."

Pag-angat ko ng tingin ay nasa labas na nga ang kotse niya. Nagpaalam naman na ako kay Mommy kagabi at pumayag naman siya since may tiwala naman si Mommy sa pamilya nila Matthew.

Business partners eh.

Nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad at pumasok na sa kotse niya. Amoy na amoy mo na agad ang pabango niya.

Suot niya nanaman yung hand braided na bracelet. Parang hindi niya tinatanggal. Sa totoo lang ay muka na itong luma na parang ang tagal nang nasa kanya.

Kanino kaya galing 'to?
Naiwala ko na rin sa isip ang bracelet na tinitigan ko ng magsalita si Matt.

"Are you cold? wear your jacket, Kin."

Sinuot ko na ang jacket na dala ko. Suot ko rin yung dress na binigay niya sa akin kahapon nang nagpunta siya sa bahay.

Saktong sakto sa 'kin na para bang ako talaga mismo ang may-ari nito at parang sinukatan pa.

Magaling ka rin naman pala mamili, Matthew.

"Mabilis lang naman tayong makakarating doon. I have been researching about this place. Pwede rin na doon na tayo mag breakfast. Okay lang ba sa'yo?"

"It's good, Matt."

Magplano palang kung saan pupunta, plus points ka na sa akin doon. Alam ko na nag effort ka para sa lakad natin na 'to. Ipapakita ko sa'yo na masaya talaga ako.

One hour of driving...

Matthew's POV

One hour din siguro ang inabot ng biyahe namin.

She's asleep. Masyado nga ata talagang maaga ang pagpunta namin.

But alam ko na magiging worth it. I want her to see the sunrise. I want her to feel that there will always be good in everyday.

I want her to feel that she is not alone in this world.
That she can run to me.
And I will always embrace her.

I don't even know what this feeling are.
Ang alam ko lang, gusto ko siyang maging masaya.
I want to see those laughters and smiles again.

Kailangan ko na talaga siyang gisingin. Baka hindi pa namin maabutan ang sunrise. According to my research, this place is the best place to watch the sun rise. It's like a restaurant but you can see how vintage it looks and how lovely watching the sun to rise.

"Hey, Kin. We're here. Gising na, sleepyhead."

Sa una ay hindi pa talaga siya nagigising. Medyo niyugyog ko na rin ang balikat niya and at last, unti unti na siyang nagmulat ng mata.

Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon