It's always hard to LET GO.
-unknown.
-
Daniel's POV
Handa na akong sabihin kay Kath lahat ng gusto kong sabihin. Alam kong kaka'18 pa lang namin ngayon, pero eto na siguro ang tamang panahon para sabihin sakanyang gusto ko na syang pakasalan.
Pumasok sa loob ng kwarto ang step dad ni Kath, alam din nya kasi ang tungkol sa balak ko, sila ang una kong tinanong, syempre sila ang magulang eh. Humingi ako ng permiso sakanila, at ang swerte ko dahil pinagkakatiwalaan nila ako at pumayag sila, binigay nila sakin yung basbas nila.
Lumapit si Tito Teddy saken at tinapik ang braso ko, "Daniel, alam ko namang hindi mo magagawang saktan ang anak ko hindi ba?" i nodded.
"Siguro nga masasaktan mo sya, pero gusto ko kapag nasaktan sya, andyan ka padin para pagalingin yung nagawa mong saket. Lagi mong pangingitiin ang prinsesa ko ah? Mahal na mahal ko yan." ngumiti lang ako, hindi ko alam na may ganitong side din pala si Tito Teddy, siguro lahat ng tatay hindi lang nailalabas.
"Sige na, malapit na atang magumpisa yung kakantahin nyo. Maiwan na kita." bago pa sya makalabas ng kwarto ay tinawag ko sya.
"Tito, salamat po." ngumiti lang sya saken at tinapik ulit ang braso ko.
-
Napakaganda talaga nya, hindi ko aakalain na magiging kame ulet, sabay ulet naming sincelebrate yung birthday namin. Ang bilis lang talaga ng panahon.
Pero gaano man kabilis ang panahon, mananatiling mahal ko pa din si Kath.
Pagkatapos ng katna namin ni Kath ay sinenyasan ko yung nagpapiano na tugtugin na yung marry me, at sinunod naman nya ako. Kaya ang sunod kong ginawa ay lumuhod sa harap nya hawak ang kamay nya, halata namang nagulat sya.
"Siguro nga masyado pa tayong bata...masyado pang maaga. Pero I just want an assurance. ... na akin ka lang, pagdating ng panahon na handa ka na. hindi ko hinihingi na sumagot ka na kaagad, pero gusto ko lang sabihin sayo Kath na..." nilabas ko yung lalagyan ng singsing at binuksan ito.
BINABASA MO ANG
I DO [ CNTHB.Book2 ]
FanfictionEvery time you go in, it's like starting over. You don't know how you did the other records. You're learning all over. It's some weird musician amnesia, or maybe the road wipes it out.