- 5 -
Kath's POV
"King of Comedy, inilibing na sa heri---"
"Dalawang babae nasagasaan mata---"
Urrggghh! Ano ba yan! Shit na mga balita! Sa sobrang inis ko naibato ko na yung remote.
"Kathryn, ano bang nangyayare sayo dyan?" nag-aalalang tanong ni mama saken.
"Wala po ma." pero ang totoo, naiinis ako. Nagagalet ako... Sa sarili ko!
*Flashback*
Pagkatapos kong tawagan si Daniel, naligo at nag-ayos kaagad ako. Kaso, pagkalabas ko ng bahay. Naisip kong, hindi ko pala alam kung saan yung tree house? Nakalimutan ko na kung paano pumunta.
Kahit noong nakaraan, ay nakapunta na ako dun. Pero hindi ko naman alam ang daan. Eh? Saan ang daan ngayon papunta dun?
Ida-dial ko na sana ang number ni Daniel ng may biglang kumuha ng cellphone ko.
"Magnanakaaaaaww!!!" sigaw ko. Riding in tandem pa ata yun, nakamotor kase tapos nakabonet. Arrgghh, ang malas ko naman oh.
Nanlulumo akong pumunta sa 7/11. Nakakahiya naman dun sa tao, niyaya kong makipagkita tapos...
"Jude!!!" nasa 7/11 din pala si Jude, tumingin sya saken tapos ngumiti. Pero bakit ganun? Parang pilit ata, saka parang halata sa itsura nyang kinakabahan sya? Anong meron?
"Huy! Juju. Anong meron?" siniko ko pa sya sa tagiliran nya.
"Ha? W-wala! Saan ka pupunta?" napakamot ako ng ulo.
"Ano kase eh, dapat pupunta ako dun sa tree house na sinasabi ni Daniel. Kaso hindi ko alam yung papunta, diba ikaw alam mo? Samahan mo naman ako?"
BINABASA MO ANG
I DO [ CNTHB.Book2 ]
FanficEvery time you go in, it's like starting over. You don't know how you did the other records. You're learning all over. It's some weird musician amnesia, or maybe the road wipes it out.