I Do. Chapter1

13.1K 266 27
                                    

Kath's POV

"Doc, ba't ho ba walang maalala yung anak ko, bukod sa'ken?"

"It's because she have a selective amnesia. Pili lang ang mga naaalala nya. Sa case nya, I think ang mga naaalala nya lang ay yung mga pangyayari 5years ago."

Nagising ako sa mga narinig kong usapan nila mama at pati ng doctor. May amnesia...ako? Pero bakit?

"Kath. Gising ka na pala." lumingon ako sa nagsalita. Andyan pa din sya? Hindi pa din sya umuuwe?

"Anong ginagawa mo dito? Saka sino ka bang talaga?" sabi ko habang naka-iwas ng tingin skanya.

"Kath. Hindi mo ba talaga ako naaalala?" malungkot nyang tanong.

"Hindi." mabilis kong sagot. Pero dinugtungan ko din kaagad.

"Siguro may masakit at mapait akong nakaraan sayo noon. Kaya kusa ka ng kinalimutan ng memorya ko." kame na lang pala ang naiwan dito dahil lumabas na si mama at pati na din yung doctor.

Tumayo si.... Hindi ko alam yung name...

"Nakalimutan nga siguro ako ng isip mo, pero alam ko ang puso hindi nakakalimot."

"Baka hindi mo alam, iba na ang puso ko ngayon."

"Alam ko. Pero yang nagmamay-ari ng puso mo dati ay minsan ko na ring nakilala. Kaya alam kong may puwang pa din ako sa pusong yan." anong ibig nyang sabihin?

Lumapit sya saken at may inabot na papel. Pagkatapos, hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko at tangkang hahalikan ako sa noo. Pero bago pa nya nagawa yun tinulak ko sya, dahilan para mapasandal sya sa dingding.

"How dare you? I don't even know you!!" sigaw ko. Yumuko sya at nagsalita.

"Ano bang gusto mong gawin ko. Kath? Para maalala mo 'ko? Gusto mo bang magpaka-nerd ako ulet? Handa akong maging ganun ulet kung yun lang ang solusyon. Maalala mo lang ako..

....Alam kong sobrang laki ng nagawa kong kasalanan sayo, Kath. Handa akong harapin lahat ng consequences pero sana wag 'to. Hindi ko kaya eh.." nanginginig na yung boses nya pero maya maya pa tuluyan na syang umiyak.

Wala akong magawa kundi makinig lang sa mga sinasabi nya.

"Matatanggap ko pa sana kung galit ka saken, kung kamumuhian mo 'ko. Pero yung makalimutan mo ako ng buong-buo. Makalimutan mo akong....boyfriend mo, sobrang sakit."

Boyrfriend?

ko sya?

Napatakip na lang ako ng mukha sa narinig ko mula sakanya.

I DO [ CNTHB.Book2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon