Tinawagan ko ang mga kaibigan naming wala dito, pati na din sila Tita Karla, mga ka-banda ni Dj, at si Ate Roanna.
"Ano bang meron?" pagtataka pa ni Ate Roanna.
Ngumiti lang ako ng malungkot.
"Tara na Father."
Ganun pa din ang pwesto ko, nakaupo sa tabi ng kama ni Dj at hawak yung kamay nya. Magsisimula na sana si Father kaso
biglang....
..gumalaw yung kamay nya.
Halos mapatalon ako sa tuwa at saya.. "K-k-ath." Lahat kami di makapaniwala.
"Jc, call the doctor." utos ni Tita Karla kay Jc..
At maya-maya pa, dumating na din yung doctor. Halos hindi rin makapaniwala yung doctor, kasi ang akala nila hindi na talaga kakayanin ng katawan ni Dj dahil sa natamo nyang mga injuries at yung pagbaril sakanya malapit sa puso nya.
"Bakit may Pari,Kath? Ganun na ba pagaagaw buhay ko kaya nagpatawag na kayo ng Pari?" nagtawanan naman kami sa sinabi ni D. Pero hindi naman sya sinagot, sinenyasan ko lang yung Pari at nagsimula na nga sya.
Wala pa din alam si Dj sa mga nangyayari, habang nagsasalita si Father ay nakatitig ako kay D at hindi ko maiwasan na maalala lahat ng mga nanagyari samin.
(PLAY THE VID. for better emotion, ulit ulitin nyo, hanggang matapos to. Hehe :)
Nung mga panahong sya pa si Gino.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sakanya.
"Wala naman." sabay ngiti ng nakakapang-asar.
"HOBBY mo ba talagang asarin ako?"
"Wala naman akong ginagawa sayo ah?"
"Nakakaasar kasi yang pagmumukha mo."
"Tsss. alam mo baka sa kagaganyan mo, magulat ka na lang may gusto ka na sakin."
Lakas ng hangin. Saan sya humuhugot ng ganyang lakas ng loob? Tshh.
"Kapal m--- Oh ano yan?" di natapos yung sinabi ko dahil may inabot sya sakin.
"CHUCKIE YAN. C-H-U---"
"oo alam ko! Di ako tanga. Ang ibig kong sabihin, para saan?"
"Wala, eh kasi may pagkaen ka tapos wala ka namang panulak. Oh eto oh."
Natuwa naman ako bigla. Ang babaw ko ba?
BINABASA MO ANG
I DO [ CNTHB.Book2 ]
FanfictionEvery time you go in, it's like starting over. You don't know how you did the other records. You're learning all over. It's some weird musician amnesia, or maybe the road wipes it out.