"Ano lalaban ka? Panget ka na nga nakuha mo pang lumapit kay Clyde" galit na sabi ni Alice, sya ang reyna reynahan dito sa school at may gusto rin kay Clyde
Palagi nya namang ginagawa sakin to e pagkatapos kong bigyan ng mga love letter ko si Clyde, diretso talaga ako malapit sa hagdan para pagtulungan ng mga bully dito na pinangungunahan ni Alice
Hindi naman ako nanglaban kase nga sya yung reyna dito at panget lang ako kaya lahat na masasakit na salita at pang aapi niya ay tinatanggap ko nalang... pero iba to...nasa harapan ko si Clyde na walang reaksyon at ang dalawa nyang kaibigan na pinag tatawanan ako
"Ano nahihiya kaba kase andito si Clyde? Well dapat lang kase wala kang karapatan...hindi mo ba makuha yun?" Sabi nya na tinatapakan ang ulo ko
I look like a mess right now, gusot gusot na ang uniform ko at para nang linampaso ang buhok ko dahil sa pag sabunot ni Alice kanina,hiyang hiya ako ngayon dahil sa harapan pa talaga ni Clyde nila ako ginanto
"Dude..yung admirer mo oh! Nasasaktan wala kabang gagawin?" Sabi nong kaibigan ni Clyde na natatawa na
"I dont care about her.." sabi ni Clyde na umalis na walang pakealam kahit may binully rito
Right. Hindi naman ako importante sa kanya, habang iniisip yun ay sumakit ang puso ko dahil wala nga talaga syang pake sakin
"Kita mo? Wala syang pake sayo kaya tumigil kana at hindi ka rin naman nya pinapansin!" Sigaw ni Alice sakin habang dini diin yung sapatos nya sa ulo ko
Pero hindi parin ako sumagot,wala naman akong laban sakanya
"Tse!!" Sigaw nya na dinuraan pa ako tsaka umalis kasama yung mga kaibigan nya
Pinunasan ko ang mukha ko at inabot ang eye glasses ko na nahulog dahil sa ginawa nila kanina at tumayo na para pumunta sa CR at ayusin ang sarili, hindi ko binaling ang mga tumitingin sakin dahil palagi namang ganyan
Nang humarap ako sa Salamin sa CR dun ko lang nakita na ang panget ko talaga, may pimples at malaking Eye glasses. Hindi ko namalayan na tumulo pala yung luha sa aking pisngi agad ko namang itong pinunasan at nag pilit ng ngiti pero hindi e... Masaket at nakakahiya yung ginawa nila kanina...sa harap pa talaga ng taong mahal ko
Im so hopeless...wala akong ibang kakampi dito kundi ang sarili ko lang,Sa bahay kase.... mahal na mahal ako ng mga magulang ko...isa akong prinsesa pag sa bahay pero alipin pag dito.
Pinunasan ko nalang ang mga luhang lumalabas saking mata at nag pilit ng ngiti at nag hilamos.
BINABASA MO ANG
Regrets
Non-FictionBakit laging nasa huli ang pagsisisi? Bakit kapag wala na ay dun mulang mare realize na importante sya? Sa huli kalang makokonsyensya, sa huli kalang mag sisisi sa huli kung saan ay Wala na ang lahat...na wala na sya.... Sa huli lang.