Nang papunta nakong classroom ngayon ay parang walang nangyari kahapon,gustuhin ko mang hindi isipin na may sakit ako pero yun talaga ang totoo....na may taning na ang buhay ko pero pinilit ko paring pumasok kase napag isip isip ko na dahil konti nalang ang oras ko dito sa mundo ay dapat lubusin ko na at gawin ang mga gusto ko bago....bago.....Mamatay
"The disgusting Girl is here everyone!!" sigaw nong maarteng babae pag lakad ko sa hall papuntang classroom kaya lumabas ang mga estudyante para gawin ang mga panlalait nila na nakasanayan ko na
"Ewww....freak!" Sabi nong babae na parang masusuka nang nadaanan ko
"How did you even get to study here when you're poor...Cheap!!"
"Obsession with Clyde is the most disgusting thing...yuck!"
"Go to you're province or somewhere far and never go back!" Sigaw naman nong isa pang babae na hinagisan pako ng itlog, tumama yun sa bandang dibdib ko at sa puti kong uniform na alam kong mangyayari..
Nang nakita nila yun ay may nagtapon narin ng mga papel saakin, gatas at malala spaghetti...halos mangiyak ngiyak nako ng ini imagine na kung gaano ako ka miserable ngayon....
Ako pa may saket...ako na panget, ako na malas sa paningin nila,ako na binubully , ako na malapit ng mamatay at ginaganto pa
Hindi ko na kinaya at umiyak....bakit ganto ang mga tao? Hindi man lang nila iniisip ang pinag dadaanan ng tao at ginaganto parin...ang saket ng pakiramdam ko, ang sikip ng dibdib ko at alam kong maya maya ay aatakihin na naman ako ng saket ko
"Stop pretending b*tch! You even have the guts to send your jejemon love letters?! How shameless of you! I hope you die!!You disgusting b*tch" rinig kong sigaw ni Alice na tinulak ako galing likod kaya nadapa ako at natanggal ang malalaki kong salamin, kukunin ko na sana ng sinipa ito ni Alice palayo, nakita ko pa itong may basag kaya mas lalo akong umiyak
Hindi ba nila nakikita na nahihirapan ako? Wala naman akong ginawa, Krimen ba ang ipahiwatig ang aking nararamdaman sa love letter para kay Clyde? Kailan naging kasalanan yun at ginaganto nila ako?wala man lang handang tumulong saken
Sino bang ine expect ko? I mag isa ako sa laban na to habang sila pinagtutulungan ako? Ang bobo mo Gaile..
Pinilit kong tumayo, kahit ang saket ng katawan ko galing sa pagtulak ni Alice sakin kanina, wala nakong pakealam sa mga ibang estudyanteng nag chi chismisan habang sinusulyapan ako
Ang alam ko lang mukha nakong Basahan ngayon...
Hindi ko na ciguro kaya at hindi ko na makakaya ....wala akong ibang iniisip kong di ang magpakamatay at mag laslas pero ang sama ko naman ata non, binigyan pako ng panginoon ng 1 buwan para mabuhay tapos tatapusin ko lang ngayon?..
Ako na siguro ang pinaka miserableng babae sa mundo...hindi panga ako namamatay ay ang saket saket na, Hindi panga ako ....namamatay.... ay parang ganoon na nga ang nangyayari
Kahit ginaganto ako nila,nag papasalamat parin ako sa panginoon kahit konting panahon lang binigay nya para mabuhay ako dito sa mundo..at sa mimamahal kong si Clyde, salamat dahil ipinakilala ka saken ni Lord, kahit ganto yung nadadanasan ko alam kong may dahilan kaya hindi ako mag rereklamo kahit ang saket saket na.
BINABASA MO ANG
Regrets
غير روائيBakit laging nasa huli ang pagsisisi? Bakit kapag wala na ay dun mulang mare realize na importante sya? Sa huli kalang makokonsyensya, sa huli kalang mag sisisi sa huli kung saan ay Wala na ang lahat...na wala na sya.... Sa huli lang.