Nang papalabas nako ng school dahil uwian na ay nakita ko si Clyde na kinakausap yung mga kaibigan nya at tumatawa pa sya
ang gwapo talaga nya kapag nakangiti...
Dahil malayo ako ay hindi nya ako nakita ngunit masaya nako dahil nakita ko sya kahit ganto ang distansya namin
Hindi alam ng mga estudyante dito na mayaman ang family ko,sabagay sino ba naman ako para pag aksayangan ng oras makuha lang ang background ko,kaya gusto ko Low profile lang
Nag aantay ako ng Jeep sa kabilang side ng kalsada at mula dito kita ko ang prestihiyosong school namin,habang ina admire ang ganda ng facade nito ay may narinig ako sa bandang gilid ko
"Umalis ka nga dito bata! Ang dumi mo!" Pag tataboy nung Ale sa isang madungis na Bata sa harap nya na halos umiyak na kaya linapitan ko ito
"Ate teka lang! Halika dito bata" sabi ko na pinapalapit ang bata sakin lumapit naman ang bata sakin kaya yumuko ako at hinawakan ang balikat nya
"Para saan yung hinihingi mong pera?" Tanong ko rito
"Bibili lang po sana ako ng makakain kase isang araw napong hindi kumakain ang kapatid kong babae" sabi nito kaya agad akong naawa
"Ganoon ba? Oh eto...ibili mo yan ng pagkain nyo ha! Gamitin mo ng mabuti" sabi ko ng nakangiti sabay abot sa kanya ng 200 pesos,ngumiti naman ito
"Salamat po Ate napakabait nyo po!Mauna napo ako at nag hihintay pa yung kapatid ko salamat po uli!" Pag papasalamat nya sakin na nakangiti dahil alam nyang may maiuuwi na syang pagkain para sa kapatid nya
Ngumiti ako at ginalaw ang buhok nya kaya naglakad na sya palayo at kita ko pang tumigil sya sa isang bakery kaya alam ko nang hindi sya nag sisinungaling
Nang may nakita akong hindi puno na jeep ay sumakay nako.
BINABASA MO ANG
Regrets
غير روائيBakit laging nasa huli ang pagsisisi? Bakit kapag wala na ay dun mulang mare realize na importante sya? Sa huli kalang makokonsyensya, sa huli kalang mag sisisi sa huli kung saan ay Wala na ang lahat...na wala na sya.... Sa huli lang.