The lost Chapter

321 8 0
                                        

Epilogue

"Clyde! Huwag kang magpapainit ha" bilin ni Mommy saken dahil maglalaro ako sa labas ngayon dahil naboboringan ako sa bahay kase nag aayos palang sila Mommy at Daddy dahil kakalipat lang namin dito sa bagong bahay namin sa Isabela

"I know Mom!! Bye!" Sagot ko at lumabas na nga ng bahay,wala pa akong kalaro dito kaya gusto ko sanang mag hanap kaya naglakad ako palibot ng village pero hindi pako nakakalayo ay may narinig na akong boses kaya bumalik ako para tingnan yun


"Panget!!! Bleee!! Panget! HAHHAAH" tawa at pang aasar nong mga bata sa isang Babaeng malaki ang eyeglass at naka pigtails ang buhok

"Hoy!! Anong ginagawa nyo sa kanya!" Sigaw ko at linapitan ka agad sila, nang nakita nilang mas matangkad ako sa kanila ay nagtakbuhan sila,liningon ko naman yung babae at inilahad ang kamay para makatayo sya, iniabot nya naman at nakatayo nga sya


"S-alamat" sabi nya na nahihiya at nag iwas ng tingin

"Okay lang...Whats your name?" Tanong ko

"Uhm...You?" Balik nyang tanong sakin

"My name is Clyde! Nice to meet you! Its ok kahit dimo sabihin name mo, Bago lang kami dito....Want to be friends?" Pag aalok ko sakaniya at ngumiti

"Is it okay ?" Pag aalinlangan nyang tanong kaya nagtaka ako

"Of course! Friends na tayo ah" sabi ko at ngumiti naman sya kaya naglaro na kami ng bahay bahayan


"I dont understand you Marcos" sigaw ni Mommy isang araw dahil nag aaway sila ni Daddy pero hindi ko alam kase sa business daw. Ayaw ko silang marinjg na nag aaway kaya lumabas ako ng may luha sa mata..why are they like this ? Its not been so long nung lumipat kami dito and then they're fighting.


Umupo ako sa isang bench sa gilid ng bahay namin sa labas at doon umiyak pero may nag abot sakin ng chocolate

"Want some?" Tanong niya na nakangiti, tinanggap ko Iyon kaya umupo sya sa tabi ko, kinain ko naman yung chocolate at hinatian sya


"Are you okay?" Tanong nya na nag-aalala para saken...tumango nalang ako kahit hindi naman talaga

"If you dont want to talk about it,you dont need too lets just play nalang" Suhestisyon nya kaya pinahid ko ang aking luha at tumango sa kanya,pumunta kami sa playing ground na nasa loob lang din ng village para maglaro ng bahay bahayan or anything


"Kailangan naming lumipat pabalik ng Manila e" Sabi ko sakanya ng naglalaro kami sa bahay nila....Nalungkot sya kaagad pagkarinig nyang yun


"Babalik ako dito promise! Hahanapin kita is that okay na?" Tanong ko para maibsan ang kalungkutan nya,tumango nalang sya at nagpatuloy kami sa paglalaro

"I will wait for you Clyde!! See you next time!" Masayang sambit niya nang paalis na kaming bahay para pumunta ulit ng Manila


"See you! Bye!" Sabi ko rin at kumaway sa kanya bago pumasok sa service. Inaamin ko namimiss ko rin siya kase wala na akong kalaro ng bahay bahayan e ang mga bata dito puro lang gadgets e...sana sa Manila nalang sya

***

Ilang taon na ang nakalipas nang huli kong makita siya...may 1 week vacation kame sa Isabela para sa business ulit ni Dad kaya hahanapin ko siya doon, nang nakarating na kami ay pumunta agad ako kung nasan yung bahay nila pero iba na ang nakatira doon, sabi nila lumipat na daw pero hindi alam kung nasan kay Nanlumo ako,matagal ko rin hinintay to pero wala na sya...


Hindi ko magawang mag saya kasama si Mommy sa pag bi beach dahil hindi sya sinama ni Daddy sa Meeting kaya nasa tabing dagat kami ngayong dalawa...ilang beses ko ring tinanong yung mga dating nakatira roon pero wala rin silang alam dahil biglaan nalang daw naglaho sila...hinanap ko rin sya sa Kahit saang baryo dito pero wala talaga.... nawalan nako ng pag asa...kung magkikita kami, magkikita kami ng kusa kaya mag aantay ako..



3 years later:

I am now on my 4th year highschool life and there's this one girl na weird na palagi akong dinadalhan ng love letters na hindi ko binabasa..kase wala naman akong mapapala doon...One time pinapunta ako nina Alice sa may hagdanan at doon ko nakita na hinahatak papunta doon yung weird Girl, sinabunutan sya ni Alice kaya natanggal yung eyeglasses nya kaya medyo nahirapan syang makakita at ang dumi nang uniform nya...naa awa ako sa kanya pero hindi ko kayang sabihin yun sa harap nila...kaya tumalikod nalang ako kahit labag sa loob ko



"Ang saket naman ng buhay ko....lagi nalang....Mahirap ba talagang hindi manakit ng tao? Bakit ganto sila? Teka bat ko tinatanong?" Narinig ko sya na nasa CR na umiiyak kaya naawa ako ng lalo...Pinag sisihan kong tinalikuran ko sya nung binubully sya ni Alice,ang sama ko....



1 year after nong namatay sya may nagpadala ng parcel sakin, dinala ko ito sa kwarto ko kahit hindi ko alam kong sino ang nagpadala wala naman akong inorder online kaya nagtaka talaga ako....binuksan ko ito at isang box na may lock ang bumungad sakin...nagtaka ako lalo ng may nakaipit na papel doon na maliit lang kaya kinuha ko ito at binasa


'The password is at the paper I pinned in your notebook'

Nagtaka ako kung anong paper yun? Sino kaya to? At naisip ko agad ang papel na nakita ko noon sa notebook ko last year...hindi ko ito tiningnan kahit kailan kaya hinalungkat ko ang mga notebook ko at nakita rin yung papel na may number

'07-19-04'

Birthday ko ang nakalagay kaya isa lang ang pwedeng may ari nito...si Gaile...binuksan ko na ang Lock ng box at tumambad sa akin ang mga pictures namin nung bata kami....magka holding hands, nakasungit na mukha ni Gaile at Nakatawang mukha ko


Naluha ako dahil bumalik na naman yung ala alang pinagsisihan ko....hindi ko alam na meron parin sya ng picture namin noon...nakita ko naman yung letter sa ilalim ng mga pictures kaya kinuha ko ito


'Alam kong may Taning na ang buhay ko Clyde kaya hindi nako mag tatagal...ibibigay ko sayo to para may ala ala ka saken...wag kanang malungkot ah! Babantayan kita lage...I love you Clyde!!'


Hindi ko na napigilan at tumulo ng tumulo ang mga luha ko...nasasaktan parin ako...ang nag iisang babae na tunay kong kaibigan ay ngayon ay....Wala na....pero tutuparin ko ang sinabi nya...hindi ako mag mumukmuk hindi ako malulungkot dahil magagalit sya.




'I hope your happy... Gaile....i love you too'

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon