"Bat wala paring dumadating?" Tanong ko sa sarili ng wala ni isang notif galing kay Gaile na dumating,syempre nakasanayan ko kaya nagtataka ako bakit wala pa
Nag ring na naman ang Cellphone ko at si James parin ang tumatawag e kagabi pa yan tumatawag wala talagang magawa
"Hello?" Pa galit kong sagot sa kanya
"Alam mo na ba" Curious nyang tanong, ano na naman kaya to?
"Hindi." Sagot ko na umupo sa gaming chair ko at nag ta type ng kung ano sa google
"Patay na daw si Gaile,alam mo na ba?" Parang hindi ko narinig yung iba nya pang sinasabi kase na stuck ako sa word na 'patay na'.... si Gaile??
Parang hindi ako humihinga dahil sa narinig at nakatulala lang kung saan,hindi parin ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon,parang sinisendan palang nya ako ng email kahapon ah...bat ngayon wala na?
"Hoy! Clyde!! Ano alam mo na ba" tanong nya ulit na nagtataka kung bakit wala akong sinasabi
Pinatay ko ang tawag at tulala parin...parang hindi nag si sink in sakin yung mga sinasabi ni James...ngayon ko lang napagtanto,kaya pala.....kaya pala.....
Wala akong natanggap na email ngayon kase.....kase.......patay na sya....bigla nalang tumulo ang luha ko ng hindi alam kung baket,bat ako umiiyak? Nasasaktan ba ko o guilty tong naramdaman ko
Bigla kong naalala na wala pala akong binasa ni isa sa mga emails nya....kung binasa ko ang isa sa mga yun o nag reply hindi sana ako ma gui guilty kase parang ang sama kong tingnan na hindi man lang binasa kahit isa yung mga yun na pinag efortan pa nya
Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga kamay ko sa mga emails nya, agad kong pinindot yung pinaka last bago pinahiran ang luha ng may natanggap akong mensahe galing kay James, agad ko naman itong tiningnan
James: Dude...matagal na pala
James:matagal na pala syang patay,last month lang,parang mga ilang linggo tapos nong binully sya nila AliceJames:Heart disease daw yung sakit nya, pero malala daw kase mahina ang immune system nya kaya hindi na nya kinaya at July 25 ng gabi sya inatake, yun ang sabi ni Mommy sakin
Tumulo ang mga luha na kanina pa nag babadyang lumabas habang binabasa ang mensahe ni James....kung ganoon sino yung mga nag se send ng emails?? Last month lang pala sya namatay.....pinapahiran ko ang mga luha na walang tigil sa pagtulo galing sa mata ko
Masakit akong tumawa habang iniisip yung mga pinag dadaanan nya habang may sakit sya tapos binubully pa araw araw...pero bakit....bakit
Wala syang ni reklamo kahit isa?

BINABASA MO ANG
Regrets
Non-FictionBakit laging nasa huli ang pagsisisi? Bakit kapag wala na ay dun mulang mare realize na importante sya? Sa huli kalang makokonsyensya, sa huli kalang mag sisisi sa huli kung saan ay Wala na ang lahat...na wala na sya.... Sa huli lang.