15

13.9K 533 32
                                    

______________________________________

Jin

Ang bilis nga naman ng araw. Napapangiti ako habang nakatingin sa kaibigan ko sa stage.

"Ops, wish muna kids" sabi ni Jenny at binigay sa kambal ang mic.

"I wish good health for my family, especially to my daddy and mimi" sabi ni Rico

"Awh" react ng iba. Napangiti naman ako, this kid acts mature too, just like Nierro

"And I wish na sana sagutin na ni Mimi si Daddy so they can married!" Sunod naman ni Mico.

"Whooah hahaha!" Pumalakpak naman kami.

"Blow na the candles kid" sabay ng paghipan ng mga kambal ay pumailangawngaw ang pagputok ng baril.

Naalerto naman kami at napatayo.

"Smidget, stay close to me" napahawak ako sa braso ni Samuel

"Aw, I miss" may isang babae na may hawak na baril at nakangising tagumpay ang umakyat sa mini stage.

Mabilis ang pangyayari, natagpuan ko nalang na lulan na namin ang van nina Jezrie.

"Walang pinipiling panahon talaga ang mga kalaban" napatingin naman ako kay Janice, ang kapatid ni Javier at napabuntong hininga.

"Mga walang puso, di lang naman naawa sa mga bata." Galit na dugtong ko naman

Napatingin ako sa labas pero agad ring nabahala ng biglang tumigil ang van

"Ren anong nangyayari?" Tanong ni Jezrie sa lalaking nasa harapan na wari ko ay isa rin sa nga bodyguard nina Angelico

"Hinarangan tayo" may mga lalaking pumalibot sa sasakyan namin. Wala silang mga armas.

Pilit nilang binubuksan ang pinto at kinakabog pa nila ang bintana.

"Wag na wag mong bubuksan" sabi ni Jezrie sa driver.

Napatingin naman ako kay Rizzel na ngayon ay sobrang kinakabahan

"We'll be fine" hinawakan ko ang kamay niya

GS, san na ba kayo?

Nasa ganon akong pag-iisp nang may biglang nag-click kaya nabuksan nila ang pinto.

"Wag!" Hinila nila kami palabas.

"I-ikaw? B-bakit?" Napatingin kami kina Jezrie na masamang nakatingin sa isang bodyguard nila.

"Kunin niyo sila." Napakuyom naman ang kamao ko.

"Walanghiya ka! Tinuring kitang parang kuya!"

"Rico! Mico takbo!"

Mabilis kong tinuhod ang mga lalaking nakabantay saamin sa pribadong parte ng katawan nila.

Napatigil kami ng may nagsalita

"Sige ituloy niyo pa yan at papatayin ko ang mga toh" humihingal akong napabaling sa nagsalita. Hawak ni Ren ang kambal at may hawak itong kutsilyo.

"Argh!" Pilit naman akon pumipiglas sa hawak nila at napatingin kina Janice na ngayon ay wala ng malay

"Tama na! Huwag!" Takot, galit, at malungkot akong napatingin kay Jezrie at umiling-ilint

Naalarma ako ng binuhat na nila paalis ang kambal at may kung anong pinaamoy kay Jezrie kaya ito nawalan ng malay

"Jezrie arrgh!" Yun ang huling nakita ko bago ako nawalan ng malay

S-samuel

____________________.

Bachelor Series 5: The General's toils [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon