04

16.3K 617 93
                                    

Jin

"Pasensya na po talaga, Maam"

"Its okay Jin, I understand. Nakakapanghinayang lang because I lost the best employees. Nagresign narin si Jezrie, si Dree, ewan ko ba sa babaeng yun. At ngayon ikaw na naman" malungkot lang akong ngumiti at mahigpit na hinawakan ang kamay niya

"Its okay, its okay. But remember, you're always welcome here" ngumiti ako bago nagpaalam sakanya. Pagkalabas ko ng office ni maam ay si Niko agad ang nakasalubong ko.

"Jin!" Nginitian ko lang siya. Sinalubong niya naman ako ng yakap.

"Mag-iingat ka ah" tumango lang ako at hinagod ang likod niya bago kumalas sa yakap.

"Ikaw na bahala dito ah"

"Aja!" Mahina lang akong natawa bago nagpaalam at lumapit kay GS na naghihintay pala saakin.

"Tapos na," tumayo naman siya at malaking ngumiti.

Feeling champion ang gago. Pinag-awayan kasi namin toh kagabi, nandaya lang siya kaya, natalo ako!

"You're blushing smidget, naaalala mo na naman ba yun kagabi?" Sinamaan ko lang siya ng tingin at kinurot ang tagiliran niya

"Aw! You're a sadist smidget"

"Oo at kung ipagpapatuloy mo pa yan, bugbog ang abot mo saakin--

" but Im a---

"Kahit general ka pa" pinanlakihan ko siya ng mata na ikinatiklop ng bibig niya.

"Tara na nga, san ba tayo?"

"In my parents" napatigil ako sa paglalakad

"Ha? Anong gagawin natin doon?"

"I have some things to discuss with dad, at gusto kang makilala ni mom"

"Bat naman?"

"Kasi nabanggit na kita minsan"

"Bat moko nabanggit"

"Because I want to"

"Bat mo--

"Hush smidget. Tara na nga" inakbayan niya ako papunta sa kotse niya at pinagbuksan ng pinto

"Galawan mo bulok GS"

"Im just a gentleman smidget"

"Ewan ko sayo"

__________________.

Pumasok kami sa malaking gate at tumigil sa harap ng napakalaking bahay.

"Andito na tayo" tinanggal ko ang seat belt ko at bumaba na ng sasakyan.

"You're a good cook right?" Napatingin ako sakanya tsaka tumango

"Magkakasundo kayo ni mom" napakibit-balikat nalang ako bago sumunod sakanya papasok sa bahay.

"Im home!" Sigaw niya pagkapasok namin. Maya-maya ay may magandang babaeng mabilis na naglakad pababa ng hagdan

"Samuel?"

"Mom!"

Sinalubong ito ng yakap ni Samuel.

"Mabuti naman at napadalaw ka. Let me guess it, work with your dad na naman"

"Ahmn, yeah mom"

"I knew it, kahit minsan naman iho, bumisita ka ng hindi dahil sa trabaho" napatingin naman siya saakin na ikinalunok ko.

"Oh who's this lovely--

"He's obviously a boy mom"

"Oh, kahit na, he's still lovely" alanganin naman akong ngumiti ng maglakad ito palapit saakin.

Bachelor Series 5: The General's toils [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon