WARNING!: SHORT UPDATE! (YIE KALA NIYA ANO)
______________________________________Jin
"Jin?! Ikaw ba yan? Omy! Ikaw nga!" Napangiti naman ako at mahinang natawa ng dambahin niya ako ng yakap
"Kamusta Niko?" Kumalas naman siya sa yakap at nagthumbs-up.
"Ayos lang naman" tinaasan ko naman siya ng isang kilay.
"Ako lang ba o sadyang iba lang talaga yung awra mo ngayon?"
"Haha bakit? Hyper naman ako lagi eh" napailing-iling ako
"Iba talaga Niko eh, may jowa ka na noh?!" Napaubo naman siya na ikinangisi ko
"Hala siya, who''s the lucky guy?! Daliii" napairap naman siya at sinenyasan akong tumahimik
"Ang daya, dali na kasi"
"He! Ewan ko sayo, wala ah" napaismid naman ako
"Sino nga, daliii" bumuntong-hininga siya at tumingin saakin.
"Wala nga Jin" napanguso ako at sinamaan siya ng tingin
"Ang daya ah"
"Hahaha! Wala nga kasi, di ba pwedeng masaya lang ako"
"Hindi naman pwedeng walang dahilan diba eh baka natyempohan ka , matawag ka pang baliw"
"Baliw agad? Di ba pwedeng in love lang?" Napaismid ako ulit
"Ayan, ayan tayo eh"
"Why? Ang sarap kaya magmahal"
"Masarap sa una, oo, masaya pa nga eh pero kalaunay mapapasabi ka nalang na sana hindi ka nalang nagmahal" napatingin naman siya saakin ng nagtataka
"Dont mind what I said" tatalikod na sana ako ng magsalita siya
"Kaakibat naman talaga ng pagmamahal ay ang sakit. Hindi masakit kung hindi mo mahal, at kung hindi mo mahal di ka masasaktan. Pain is with us every second, minute or hours Jin, hindi naman nawawala yan, hindi rin yan naiiwasan. The only thing we can do is to think of how will we overcome it. Kung hindi mo ipaglalaban, pano mo malalaman kung worth it siya? Paano mo malalaman kung sa una palang, sumuko ka na diba? Di bale na yung masaktan ka sa huli atleast sinubukan mo, in that way, wala kang pagsisisihan" mariin naman akong napapikit
"Thank you" mabilis kong isinukbit sa braso ko ang bag at agad na lumabas ng resto.
"Oh God, kailangan ko pa palang marinig sa ibang tao bago ko mapagtanto lahat ng ginawa ko" napalinga-linga ako
"Letse at ngayon pa talaga walang masasakyan" napaatras ako ng may tumigil na itim na van sa mismong harap ko.
Kinakabahan ako, I know Im no longer in danger now, siguro dahil sariwa pa ang pangyayari kaya di ito basta-basta nawawala sa isip ko.
"Jin!" Napabaling ako sa tumawag saakin
"Dree...?"
"Jin!" Patakbo siyang pumunta saakin at agad akong dinamba ng yakap
"Ang tagal mong nawala! San ka ba pumunta ha?!" Kumalas ako sa yakap at nakangiting tiningnan siya.
"Ayos lang ako, kailangan ko lang makapag-isip isip kaya nawala ako" napakunot-noo ako
"Dree, hindi ka ba masaya na nagkita ulit tayo? May problema ka ba" tipid lang siyang ngumiti
May hindi ata tama dito ah
"Pasensya na Jin"
"Ano bang sinasa---hmp!" Pumiglas ako sa biglang humawak saakin at pilit na nilalabanan ang lakas nung nagtakip ng panyong may kakaibang amoy sa mukha ko.
Pero parang wala lang yung lakas ko, at dahan-dahan ko na ngang naramdaman ang panghihina ng katawan ko.
_________________.
Samuel
"We need to gather more informations about this syndicate. You know what to do, meeting adjourned" agad akong umupo at napahilamos sa mukha ko.
Focus Samuel, there are more important things to do than being so dramatic
"Iniisip mo siya" napaangat naman ako ng tingin at nakakunot-noo silang inilingan
"Im not even thinking about someone" pabalang kong sagot.
It's true, Im not thinking about him, maybe, for....now...
"That's clearly a statement General" napabuntong hining naman ako at masama silang tiningnan
"And what are you two still doing here?"
"Maybe...you need a little bit of.....company?" Mahina naman akong natawa
"Really Rafael? Those words really came out of your mouth?"
Napaismid naman siya.
"What? Tumutulong lang naman ako para gumaan ang pakiramdam mo" nginisihan ko naman siya
"You're helping me instead of fixing your relationship with Ardy?"
"General!" Napailing-iling nalang ako.
I cant understand this two. You can see in their faces that they want each other yet still trying to fight it, kaya di umuusad eh.
"Eh ikaw ba General? Magmumokmok ka nalang ba, hindi mo kukunin yung sayo?" Huminga naman ako ng malalim at pinagsiklop ang kamay ko sa ibabaw ng mesa.
"Hindi mo mapipilit yung isang bagay para sa isa pang bagay, you get me?"
"Hindi!" Natawa naman ako sa sagot nilang dalawa.
"Simple guys, you cant force someone to be with you if something is holding him back, you'll just end up hurting each other. Hindi pa namin oras, but I know someday, it will"
"You know General..." Napatingin naman ako kay Ardy ng umupo siya sa katabing upuan ko.
"I used to believe na 'kung kayo, kayo talaga, kung hindi pasensyahan na' but not now. Sa mga napagdaanan ko sa buhay ko my choices were always the basis. Hindi kung sa anong poncho pilatong kasabihan. Kasi alam ko na ang kapalaran ko ay nakadepende sa mga ginagawa kong desisyon at hindi sa pagkakataon"
He's right...
"Pero---
Sasagot pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto.
"General may gusto pong kumausap sainyo, importante po" napakunot-noo naman ako at agad na tumayo
"We'll continue it later" naglakad na ako palabas ng meeting room.
"Nandodoon po siya General" sumunod lang ako sakanya ng ihatid niya ako sa isang lalaking balisa.
"Im General---
"Samuel? Samuel Guevehiro diba?" Napakunit noo naman ako at tumango nalang
"What can I do for you?"
"Hindi saakin, kay Jin"
______________________________________
Guys sorry po kung short, I have a lot on my plate right now but I really want to update so pasensyahan niyo na kung maliit. Thank you po sa walang sawang suportaaaa! Love youuu all!!
BINABASA MO ANG
Bachelor Series 5: The General's toils [BXB] COMPLETED
General FictionDanger has always been beside us. I never expected that a simple gay like me will be involve with guns and killings. But I never feel safe when Im not in your arms. Ikaw ang nagligtas saakin, ang prumotekta at nagturo saakin ng isang bagay. What sca...