23

14.4K 518 94
                                    

Jin

Kinabukasan ay pumunta na nga ako sa quarters.

Tama si Mio, dapat hindi ako magpapatalo sa sarili kong laban. I hope Im not too late...

"Jin? Oh ikaw pala, nasa loob sina SPO2 Montero." Ngumiti lang ako kuyang police.

"Salamat kuya."

"Always welcome ka naman dito Jin." Nagpasalamat nalang ako ulit at tumuloy sa opisina nina Ardy dito.

"Eh sa wala pa nga si General---

Napatigil ako sa pagbukas ng pinto.

"Mukhang hindi makakapunta si General ngayon." Rinig kong sabi ni Rafael.

"It's okay, this is not a big case, kaya na natin toh."

"Okay, I'll tell our men to get ready." Mabilis akong naglakad palabas ng quarters nila.

Imposibpeng wala si Samuel dito...

Nagpara ako ng taxi at nagpahatid sa condo ni Samuel. Pagkarating ko doon ay agad akong dumiretso doon. Pero ilang katok at doorbell na ang ginawa ko ay walang bumubukas.

Napahilamos ako sa mukha ko at napabuntong-hininga.

There is another place...

Umalis na ako doon at dumiretso sa bahay ng magulang niya.

"Salamat po kuya." Agad akong nagbayad at lumabas na. Lumapit ako kay kuyang guard na nagbabantay.

"Kuya, pwede po bang magtanong? Andyadyaan po ba si Samuel?"

"Ah si General po ba? Pasensya na maam, hindi ko po alam eh." Napaismid naman ako dahil sa tawag niya saakin.

"Eh pwede po ba akong pumasok at puntahan nalang po ang bahay nila?"

"Inaasahan po ba nila ang pagdating niyo maam?" Nakangiwing umiling naman ako.

"Ganun po ba? Hindi po kasi ako pwedeng basta-basta nalang magpapasok, gusto niyo po bang tawagan ko muna sila at ipagbigay ala na andito po kayo?" Ngumiti naman ako at tumango.

"Opo kuya, salamat po."

"Sige po, sandali lang maam." Naghintay ako ng ilang minuto bago niya na ako pinapasok.

Huminga ako ng malalim at nanatiling nakatitig sa mataas na gate ng bahay nina Samuel.

"Sino po sila?" Napatingin ako sa nagtanong saakin at napakamot ng batok.

"J-jin Mariano po kuya, ako po yung itinawag ng guard doon sa may gate kanina."

"Ah, pasok ka na po, nasa garden po sina Maam." Nagpasalamat ako at naglakad na papunta sa garden nila dito.

Kinakabahan ako. Anong sasabihin ko kay Samuel kapag nagkaharap kami? Samuel ahmn, aaaaaaaah!!! Di ko alam letse!

"Jin! Im glad you visit!" Ngumiti ako at sinuklian ang yakap ni tita.

"Matagal-tagal rin tayong hindi nagkita iho, hindi kasi kita natyetyempuhan sa hospital eh." Kumalas ako sa yakap at napabuntong-hininga.

"Is there any problem Jin?" Tumingin ako kay tita at malungkot na ngumiti.

"Meron po, pero aayusin ko naman tita."

Ngumiti naman siya.

"Samuel is not here. Nagpaalam siya kaninang madaling araw that he's going somewhere special and he's skipping work for today." Napabinting hininga naman ako at isang lugar lang ang pumasok saakin.

Bachelor Series 5: The General's toils [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon