01

26K 715 129
                                    

Gooodmorning!

_____________________.

Jin

Napainat ako. Wala na naman ang baklang Jezrie at may sakit.

Napabuntong-hininga ako.

Tulad ko, wala naring kasama sa buhay si Jezrie. Wala siyang kapatid, wala narin yung nanay niya, wala rin siyang tatay.

Tulad ko rin, wala akong inay at itay. Lumaki kasi ako sa bahay ampunan.

Nililinisan ko lang ang counter para sa pagbubukas namin.

Pinunasan ko ang pawis ko at dumiretso na muna sa likod at doon ko nakita si Dree na nakaupo at busy na naman sa phone niya.

"Grabe naman talaga kayo ng jowa mo. Parang 24/7 na kayong magkausap, umamin ka nga, nakakatulog ka pa ba?"

"Baliw ka talaga Jin, syempre naman" napakibit-balikat namam ako

"Sakto lang naman."

Umupo ako sa tabi niya at pinagkrus ang paa ko.

"No Jezrie?" Tumango naman ako pero agad ring napabaling sakanya ng marinig ko ang mabigat nitong buntong-hininga.

"Actually, hindi ko kausap si Aron" napakunot-noo naman ako.

"Nung nakaraang araw pa siyang wala paramdam, oo nag-away kami pero maliit na away lang naman yun, nag-aalala ako plus natatakot na baka ipinagpalit niya na ako" tipid naman akong napangiti.

"Mahal na mahal mo talaga siya noh?"

"Sobra, kaya kong gawin lahat para sakanya" hinawakan ko naman ang balikat niya.

"Girl, ayos lang yung mahal mo ang tao, pero magtira ka para sa sarili mo. At yung gagawin mo lahat? May limitasyon rin yun ah, ipinapaalala ko lang" tumango-tango naman siya at ngumiti kaya pumalakpak ako.

"Back to work na! Baka may inaasikaso lang yan, dont overthink"ngumiti ako at nag-thumbs up sakanya bago tumayo at bumalik sa nakatoka kong lugar.












Napahikab ako at napatingin sa oras, mag-aalasnuebe na pala. Inayos ko na muna ang mga gamit ko sa bag bago ito isinukbit at lumabas na ng resto.

Pakusot-kusot sa mata akong naghintay ng tricycle para makauwi. Pero nagdaan na ang ilang minuto pero wala talagang tumigil! Grr, kung wala naman kasing sakay eh uuwi na raw.

Napabuntong-hininga ako at naglakad nalang sa sakayan ng jeep.

Sa kanto lang kasi ako makakababa nito, hayst. Pagkarating ko roon ay salamat naman dahil meron pa. Agad akong sumakay.

Mga sampung minuto bago ako nakarating sa kanto ng Block namin.

Nagbayad muna ako at bumaba. Didiretso na sana ako ng may nahagip ang mata ko. Sinundan ko naman siya ng tingin.

Si aron ba yung nakita ko?

Mahigpit akong napahawak sa bag ko at maingat itong sinundan.

Saan ba toh pupunta?

Patuloy lang ako sa pagsunod habang palinga-linga sa lugar na pinupuntahan namin.

Ang tahimik at wala na masyadong bahay dito, may ilaw pero hindi sapat para magbigay liwanag sa dilim.

Napatago ako sa isang poste ng lumingon ito. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Kinakabahan ako letse!

Sumilip ako pero bigla nalang ito nawala. Napahinga ako ng malalim at bumalik nalang sa dinaanan ko kanina.

Bachelor Series 5: The General's toils [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon