Chapter 2
Sirin
"I'm Sianna Rini Velasco. I'm one of the VIPs of the Dela Vega & Saavedra Wedding," sabi ko sa receptionist ng resort at pinakita ang ID ko. "Where's my room?"
The male receptionist blinked a few times before he absentmindedly looked through the computer. Biglaan pa itong namula.
Para siyang tanga. Ngayon lang ba siya nakakita ng babaeng nakasando at short shorts lang? So what if I'm not wearing a bra? Malaki naman ang boobs ko ah? Pasalamat siya pinapatingin ko pa siya.
"I-I'm sorry f-for the wait, ma'am. H-Here i-is your k-keycard." Nanginginig ang kamay niya nang inabot niya iyon sa akin kaya sumimangot ako. "W-Would you like me to a-assist you?"
I rolled my eyes and snatched the keycard from him.
"No thanks. I can manage," sabi ko at hinawakan ang handle ng maleta ko. "Isa pa, para kang mahihimatay dahil diyan sa hitsura mo. Do you have fever?"
Mas namula pa ito at nagbigay ng paumanhin. Binalewala ko na lang iyon.
There are important things to do. Hahanapin ko pa 'yong impaktang si Camilla. Sasakyan ko pa si Humbert.
Natawa na lang ako dahil sa iniisip.
Okay. I should get my act together.
Titingnan ko na sana ang numero ng keycard na nasa kamay ko nang may biglaang bumangga sa akin.
Pakshet!
Higit pa sa pagkabuwal ang nangyari sa akin. Tumilapon pa 'yong hila-hila kong maleta papunta sa malayo.
Tumingin ako sa tumatakbong lalaki na nakasuot ng black slacks, long black coat at black leather shoes.
Walanghiyang 'yan. Mukhang mayaman naman pero gago pala.
"Hey!" tanging naging sigaw ko sa walang modo pero hindi ito tumigil sa pagtakbo. Naiinis ko na lang akong tumayo pero mabilis din akong natumba dahil parang na-sprain ang ankle ko.
I looked at my right foot and glared at the bruised spot.
Bakit ba kasi ako nag-heels?! Ugh. Puh-lease lang. Could my life get any better?
Sinubukan ko na namang tumayo and this time, naka-adjust na ako.
Medyo masakit pero ininda ko na lang.
Hinanap ko agad ang keycard ko at natanaw ito sa 'di kalayuan.
Puh-lease lang.
"Bakit 69?!"
***
"Good evening, ma'am. What's your order?" tanong sa akin ng waitress. Muntik ko na 'tong mairapan.
Pa'no ba namang hindi? Eh, kakabigay niya pa lang sa menu ah. Anong akala niya sa akin? Regular customer? O may super reading powers?
"Can you please give me a little more time?" magalang kong tanong sa gaga. Yumuko naman ito at umalis na. "Mabuti naman. Kaimbyerna ah."
I read the menu and almost drooled in front of it.
My God. Ang sarap namang tingnan ng mga food nila rito. It also says that it's from the Russian cuisine. It's affordable din!
I swallowed the lump in my throat and decided to call the waitress.
"Excuse me!" tawag ko rito. Agad naman itong lumapit sa akin at yumuko. "Give me your bestsellers here."
"Right away, ma'am," malumanay nitong sabi at umalis na.
"What the hell?" bulong ko dahil doon. "Aren't she going to tell me about their bestsellers or ask me to return the menu to her?" Pinaypayan ko ang sarili ko dahil sa pagkakairita. "My God. Ano bang klaseng service ang meron sa resort na 'to? Pati restaurant nila fail? Puh-lease lang."

BINABASA MO ANG
Why Can't We
Romance[ WARNING : R-18 I MATURE CONTENT ] [ Crazed Men Series #1 ] Sianna Rini Velasco wanted a quiet and normal life where she could just nonchalantly call her best friend a slut who took away her innocent and responsible boyfriend. She wanted to just tr...