Chapter 10

541 6 0
                                    

Chapter 10

Kursk

Gabi na nang nagsidatingan ang mga gago sa room ko rito sa ospital. Magkasabay na dumating si Ivo at Verdandi na nagtatalo. Naka-lab gown si Ivo habang si Verdandi ay suot pa rin yung sweater na suot niya kahapon.

Sunod na dumating sina Rhaego, Lynch, at Theos. Hindi ko alam anong iisipin pagkakita sa mga bahid ng dugo sa kanilang mga suot. Kumunot lang ang noo ko nang makitang namamaga ang mukha nina Lynch at Theos.

Si Shamus at Frey ang sumunod na may dala-dalang napakalaking ice box. Seryoso silang nag-uusap habang mabilis na nilapag ang dala sa sahig. Nakakunot ang kanilang mga noo habang nagpatuloy sa kanilang pag-uusap.

I really don't know why these many fools are here. I won't ask how they managed to convince the guard to let them all in when they all look like crazy bastards. Sigurado naman akong dahil ito sa sinasabi nilang 'connections'.

Tinitigan ko lamang sila habang unti-unti silang nagkumustahan na para bang wala ako roon. I frowned in frustration. What's the point on coming here?

"So..." bungad ni Shamus habang nakangisi. Tumingin ito sa akin kaya sunod-sunod na napatingin ang mga walanghiya. "We're all here to congratulate you buddy."

"Congratulate?" Oh shit. Ano na naman bang kahibangan 'to? "What's the meaning of this?"

Verdandi clapped his hands and cheered.

"Doon ka na titira sa bahay ni baby girl!"

"What the fuck?! Bakit?!"

"Hurray!" sigaw naman nina Shamus at Frey.

"Sinabi kasi ni baby girl sa amin na may nangayari na raw sa inyo," paliwanag ni Ivo habang nakangiwi. He pointed at Rhaego who was frowning. "At sabi nitong isang 'to na dapat mo raw panagutan ang kapatid niya."

Tila may tumamang sibat sa ulo ko dahil sa sakit niyon. Naningkit ang mga mata ko sa inis at binulyawan sila.

"Huwag na huwag niyo akong biruin nang ganyan dahil sasapakin ko kayo, mga gago!"

"I wish it was a joke," rinig kong sabi ni Theos at umiwas lang ng tingin. Tinitigan ko ito nang masama pero hindi ako nito pinansin.

Bumaling ako kay Rhaego na parang nag-iisip nang malalim. Binato ko ito ng unan na agad nitong nasalo. Walang emosyon nitong binaling ang tingin sa akin.

"What the heck's wrong with you?!" naiirita kong sabi. "Walang nangyari sa amin ni Sirin! At kung meron man, wala na kayong pakialam kung pananagutan ko siya o hindi! We're in the 21st century for fuck's sake!"

His face remained stoic as he stared at me.

"Fine," sabi lamang nito kaya nagtawanan ang iba. Napa-ano naman ang ilan. "Hindi naman talaga ako naniwalang pumatol si Rini sa isang gaya mong gago." Aba't— "Now my question is regarding your job being her bodyguard."

Napailing ako at napalingon sa mga kaibigan naming tila balewala lang ang narinig.

"You know, my mission is supposed to be confidential," I pointed out while sighing. "Sinabi mo rin ba ito sa kapatid mo?" tanong ko kay Rhaego.

"Of course," he deadpanned. "Mas mabuti nang klaruhin natin ang role mo sa buhay niya dahil baka mapagkamalan ka pang soulmate o manliligaw niya kapag bigla kang lumitaw sa kanyang harapan."

Siraulong lalaki. Hindi ko alam na napag-isipan pa nito pati lovelife ng kapatid pero may punto naman ito. Mas mabuti na ring may alam ang babae para hindi ito umasa ng kahit anong romantiko mula sa akin.

Why Can't WeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon