Chapter 17
Kursk
Is she for real?
Tulala akong nakatititg sa kisame habang iniisip ang sinabi ni Sirin.
She's a virgin.
I facepalmed. Is she telling the truth? Fuck. Of course, she is. I've been trained for years to detect lies. She's not lying about that. Why would she lie anyway if we'll easily know if she's still pure or not?
She's a virgin.
And I called her a slut.
"Oh fuck," I grumbled. Hindi ko alam kung bakit ang tanga-tanga ko pagdating sa kanya eh lagpas 150 naman ang IQ ko. "I'm so screwed."
She's a virgin.
The fucking fact made me excited. I'll be her first if she'll allow it. Or not. I frowned.
So, ano 'yong narinig ko na pag-ungol nilang dalawa ni Ivo?! Was that a joke?!
Bumangon ako sa pagkakahiga at tinawagan ang gago. Mabilis naman itong sumagot kaya nakontrol ko ang galit ko.
"Hello, Ivo?"
Narinig kong humikab ito.
"Yeah?" Bagot na bagot ang boses ng walanghiya. "Pwede pakibilisan, pare? Inaantok na ako. Ang dami kong inoperahan kanina eh."
"I'm here to ask about Sirin."
Tumawa ang loko at nagtanong.
"Oh? What about baby girl? Nakascore ka na ba?"
Kumunot ang noo ko.
"Anong nakascore?" iritable kong sabi.
"Tsk. Ivo, baby boy, don't tell me you didn't touch her yet?"
"W-Why would I even do that?" nauutal kong sabi.
Narinig ko itong napasinghap.
"Ugh. You're a hopeless case, man. You both are."
Napatayo ako sa galit.
"What the fuck are you talking about?! Hindi ba boyfriend ka niya? You even f-fucked her, right?"
Humalakhak ang gago sa kabilang linya at parang nabilaukan pa.
"What the heck man! Naniwala ka talaga roon sa ginawa kong mga ungol? Fuck! Bwahahaha!" Natulala ako. "And boyfriend?! Shit, baby boy, mataas ang standards niyang si Rini. Si Humbert lang ang naging boyfriend niyan."
"W-What?" Napahigpit ang hawak ko sa phone. "Hindi ba siya dating kabit ni Humbert?!"
Narinig kong malakas na napamura ang gago habang tila kinakapos ng hininga dahil sa kakatawa.
"Anong kabit?! Papatayin ka talaga ni baby girl na tinawag mo siyang kabit!" sabi ng loko habang tawa pa rin nang tawa. "Dude, I'm actually surprised na di mo alam. Ikaw ang bodyguard niya. Wala ba kayong mga personal information? Don't tell me you only read her criminal records? Eh wala nga yung laman! Hahahaha!"
I cussed under my breath.
"K-Kasi naman—"
"Binibigyan mo siya ng privacy? Nyahaha. Shit ka Romanov!" Pesteng Ivo na 'to. "Trabaho mo ang protektahan siya kaya obligasyon mong malaman kung pwede man halos lahat tungkol sa kanya para malaman mo kung papaano siya poprotektahan! I can't believe I'm giving you a lesson eh trabaho mo naman 'yan."
Nag-igting ang panga ko dahil totoo ang sinabi niya. Bumuga ako ng hangin at napatingala sa kisame.
"I don't know, Ivo," sabi ko. "Nasisiraan na yata ako ng bait. Pagdating sa kanya, hindi ako nakakapag-isip nang matino."
BINABASA MO ANG
Why Can't We
Romance[ WARNING : R-18 I MATURE CONTENT ] [ Crazed Men Series #1 ] Sianna Rini Velasco wanted a quiet and normal life where she could just nonchalantly call her best friend a slut who took away her innocent and responsible boyfriend. She wanted to just tr...