Chapter 16

478 3 0
                                    

Chapter 16

Sirin

It's been a week since Ivo last slept over. Pinagbantaan ko itong huwag magpakita sa akin dahil baka mabugbog ko siya nang wala sa oras. That schemer!

I remembered how Kursk gave us cold looks the next morning while lecturing about giving someone some peace of mind. Ang ingay raw kasi namin noong gabi. Klarong-klaro na paniwalang-paniwala siya na may nangyari sa amin ni Ivo.

Simula noong umalis si Ivo noong umagang 'yon na nagnakaw pa ng halik sa akin, halos hindi na ako kausapin ni Kursk. Kung noo'y malamig ang pakikitungo niya sa akin, ngayon tila buong North Pole na ang dala niya kapag magkasama kami.

I can't even start a conversation because of that shameless Ivo. I'm gonna lose my mind because of that asshole. Shit. I can't even cry over it because Ivo and I watched this funny series all night while waiting for Kursk to burst inside the room.

Pero walang Kursk na dumating. Hindi niya kami pinigilan. Well, wala naman talagang nangyari pero umasa akong papasok siya sa kwarto nang nanggagalaiti tapos malalaman niyang nagbibiro lang naman kami ni Ivo, na hindi kami gumagawa ng kababalaghan.

Maybe I was wrong. Maybe he doesn't like you at all. Naalala kong sabi ni Ivo pagkaumaga.

Ang walanghiyang 'yon! Ni hindi man lang nag-sorry! Kung hindi ko lang 'yon kaibigan, baka pinain ko na 'yon sa pating.

"Ms. Sirin, please show us more skin," sabi ng photographer kaya bahagya kong hinubad ang suot kong red leather jacket at nag-pose. "Good! Very good! More!"

Tuluyan kong hinubad ang suot na jacket at nilagay ito sa balikat ko. The black sports bra I'm wearing got exposed and I heard some whistles from the crowd.

"Nice!" sigaw ng photographer at nagpatuloy sa pagkuha ng shots. I put one of my foot on the wooden crate and pulled my hair back. "Oh! That's hot, Ms. Sirin! Keep it coming!"

Mas malakas na ang mga pagsipol kaya parang nailang ako bigla. Nasaan ba ang crowd control? Baka dumugin kami nito!

At nasaan na ba 'yong magaling kong bodyguard?!

Pasimple kong hinanap ang loko habang nag-p-pose pa rin sa harap ng camera. I bit my lip and slid my hands in my tight leather pants while slowly scanning my eyes for the hot guy. Shit. Ang daming tao rito!

"Wow! Go, Ms. Sirin!"

Ilang segundo lang ay nakita ko itong nakaupo sa isang tabi habang nakakunot ang noo. He was busy tapping on his phone and there's a female model beside him. The woman was obviously trying to make a conversation and Kursk glanced at the bitch every now and then while answering questions.

Tumalim ang tingin ko.

"Oh nice! Keep that expression!" Napatingin ako sa photographer na nagpatuloy sa pagsigaw. "Show us some insolence, Ms. Sirin."

I gave the camera a steely gaze while imagining that it was Kursk and that bitch. Tumaas ang sulok ng labi ko.

"My, my! Such power!"

I slowly licked my lips and looked at Kursk's direction again. This time, he's already staring at me with those emotionless green eyes.

Ngumisi ako at tumingin muli sa camera bago naupo sa crate at inarko ang katawan ko habang nakabukaka. I bit my lips again and stared straight ahead with half lidded eyes.

"Whooh! And that's a wrap everyone!" sabi ng photographer at dali-daling pumunta sa akin. Tumayo na ako at nagbigay ng matamis na ngiti. "Ms. Sirin, good job! In-character na in-character ka talaga!" papuri nito at bumeso sa akin. "I'll send the photos to your email once we check it. Thank you for your hard work." Kinamayan ako nito at bumulong sa aking tenga. "Gurl, I kenat. Kung 'di pa ako bakla baka tinigasan na ako sa ginawa mo."

Why Can't WeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon