Chapter 9

554 6 0
                                    

Chapter 9

Kursk

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nanlaki ang mga ito nang mariyalisang ako'y tila isang lumpong nakahiga sa hospital bed. Tiningnan ko ang IV drip na nakakonekta sa kamay ko. I grunted in pain when I tried to move my arm.

"What the fuck happened?" bulong ko habang pinilit inalala ang lahat. Isa lang ang agad rumehistro sa utak ko. "Rhaego's sister..." I trailed off and cursed again. This is all so fucked up. Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng maging kapatid ng babaeng 'yon, si Rhaego pa talaga. "I'm so screwed." Akmang tatayo na sana ako nang sumakit bigla ang aking paa. "Fuck! Binalian ba ako ng gagong 'yon?!"

"Ano sa tingin mo?" I grimaced when I heard Ivo's voice. Tiningnan ko kung nasaan siya nakaupo at nandoon pala siya sa sahig. Naka-indian sit ang walanghiya habang may tinitipa sa laptop niya. "And done," sabi nito at pagkatapos ay tumingin sa akin. "Kumusta? Isang araw ka ring tulog, Blast."

I groaned in frustration.

"How the fuck did I end up here?"

Ivo closed his laptop and stood up to sit on the couch.

"Theos drove the car." Ngumisi ito nang matalim ko siyang tiningnan. "Rhaego lost his temper and punched the hell out of you. Sa unang pangatlong suntok, nawalan ka ng malay pero nagpatuloy pa rin ang gago sa pagsapak. Hindi na namin siya pinigilan nang pinanghambalos ka niya sa TV set ko. He carried you to the staircase and pushed you there."

"Fuck! Hinayaan niyo akong mabugbog ng putanginang 'yon?!" Napasabunot ako sa buhok ko sa galit at napasapo sa aking noo. Naalala ko ulit ang sinabi ni Rhaego. Huminga muna ako nang malalim. "Ehem. So, you all know her?"

"Who?" pagmaang-maangan ni Ivo at kumuha ng apple sa side table. He rubbed the apple on his sweater and smiled when he saw it shine. Kumagat ito at ngumuya. Ginamit ko naman ang uninjured kong kamay para kunin ang unan na nasa gilid ko at tinapon sa kanya. He chuckled while dodging it and smiled. "You mean, if we know baby girl?"

Napamulagat ako.

"B-Baby girl?!" Tumango ito at kinuha ang mobile phone mula sa bulsa at nag-swipe bago pinakita sa akin ang listahan ng members ng gc namin. May isang member doon na Baby Girl ang nickname at ang nakasulat sa ilalim nito ay Sirin Velasco. "What the fuck?! Since when did she become a member of our gc?!"

Ivo slid his phone inside his pocket again and shrugged.

"5 years more or less," aniya kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko. "Didn't you notice?"

"Fuck. Paano ko makikita eh ang dami niyong pinag-uusapan doon na di ako makarelate?! At malay ko ba na may babae pala roon!" I squinted my eyes at him. "Hindi ba bente at higit pa tayong member ng gc? Alam ko lahat tayo lalaki. Why the fuck is she a member there?!"

"Eh? Why not?" sabi ni Ivo at tumayo para pumunta sa aircon at tumapat doon. Kinalikot niya ito at mas naramdaman ko na ang lamig. But I could care less. "May iba naman tayong gc, 'yong all boys lang. Mas active nga lang 'yong isa kung saan nandun si baby girl."

"Isa mo pang baby girl, matatamaan ka sa akin."

Tumawa lamang ito.

"Ayaw mong tawagin namin siyang baby girl pero balewala lang sa'yong tawagin ka naming baby boy?" The asshole managed to smirk and said, "Baka naman nagseselos ka dahil hindi mo siya matawag na baby girl. O baka naman nagseselos ka dahil hindi lang ikaw ang baby namin?"

"Fuck you!" Sa inis ay tinangka kong tumayo pero napatigil lang din dahil sa sakit na lumukob sa binti ko. "Fuck! Fuck!"

Pumasok ang isang may edad na nurse at ngumiti sa akin bago bumaling kay Ivo.

Why Can't WeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon